Mahilig akong makinig ng mga kanta. Kahit ano pa 'yan. Basta worth the lyrics. Mas una ko kasing tinitingnan ang lyrics kaysa tapusin ang pakikinig sa buong kanta. And I can't beg to disagree that the male specie are really the great songwriters and composers.
Feeling ko kasi ang mga lalaki nasasabi nila 'yung eksaktong nararamdaman nila kapag gagawa sila ng kanta. Lupet noh? Hahaha. Sila rin ang pinakamagagaling na poets and writers, kahit tingnan niyo pa ang inyong history at literature book. Pero hindi ako lalaki ah. Hahahahaha. Napapakinggan ko lang sa mga kanta nila syempre. Bibigyan ko kayo ng examples, foreign at local. Hahahaha.
Magumpisa tayo sa REO Speedwagon's 'Keep On Loving You'.
When I said that I love you I meant
That I love you forever...
Eh anakngtokwa naman! Sino bang babae ang hindi kikiligin sa kanta na 'yan. Ganyan mambola...este magmahal ang mga lalaki. Bigay-todo. Hahahaha. (Feeling ko dapat bayaran ako ng mga lalaki dahil sa pagpopromote ko sa kanila. Hahahaha.) Biruin mo kahit hindi na siya matulog...mapakita lang niya na mahal ka niya. Shala.
Isunod natin ang 'The Scientist' ng Coldplay. *ehem ehem* Hahahaha. Maganda ang lyrics talaga nito, may laman. Masarap pa pakinggan. Mafifeel mo talaga 'yung determination niyang magsimula ulit. At I agree. Hindi naman talaga madali eh.
You don't know how lovely you are.
Ganyan sila mag-sorry...may kasamang bola at landi. Hahahaha. Pero ganoon naman yata talaga.
Isa pang galing sa Coldplay ang damang-dama ko noong nakaraan. Hahahahaha. 'Fix You'...grabe naka-relate talaga ako dito. 'Yung mga times na feeling ko pagod na ko pero hindi pa rin ako makatulog. Very well written.
Stuck in reverse.
Etong kantang 'to yata eh ginawa para sa mga sawi sa pag-ibig eh. Hahahaha. Tingnan niyo 'yung mga linyang 'to:
Could it be worse?
Ang sakiiiit diba? Hahahaha. Pero makikita mo talaga dito 'yung empathy at sincerity noong writer.
Ang sarap sa pakiramdam na merong aayos sa'yo kapag "broken" ka noh? Wow. Emo. Hahahaha.
OPM naman tayo. Silipin natin ang lyrics ng 'Nobela' ng Join the Club. 'Yung writer nitong kantang 'to eh pa-martyr effect. Chorvacious siya. Pero ano nga namang magagawa niya kung mahal niya talaga 'yung tao di'ba? Kahit paulit-ulit pa siyang saktan...babalik at babalik pa rin siya sa taong 'yun. (Wow! Saan ko nakukuha mga pinagsasabi ko? Hahahaha.)
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang
O diba? Bad girl! Hahahaha. Girls, girls...kahit mukhang ewan 'yang mga lalaki, may feelings din sila. At minsan mas deep pa kaysa sa atin. Kaya, be good. Hahahahaha. Charlene, be good. Hahahaha.
Isa sa masarap pakinggan ay ang version ni Alison Krauss ng 'Baby Now That I Found You'. Ang original nito ay The Foundations. Ang lupit neto eh...kahit ayaw sa kanya, ayos lang. Malamang, nakita na nga naman niya nga 'yung 'the one', papakawalan ba niya? Alam kong alam mo ang sagot diyan. Hahahaha.
Now that Ive found you
I wont let you go
I built my world around you
I need you so
Baby even though
You dont need me.
Rico Blanco's 'Your Universe' is really soothing with its melody and lyrics. Galing. Hehehe. Kakakilig noh? Syempre hindi niya magagawa 'yan kung hindi pa niya naeexperience 'yung ganyang feeling. Hehehe.
The joy you make me feel when i'm inside
Your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one
I'm in love with Robbie Williams' 'She's The One' ever since I heard it. Ang sarap pakinggan eh. Nakakakilig pa. Hehehe. Unang linya pa lang tunaw na babae eh. Hahahaha.
OPM ulit tayo. Sa totoo lang mas romantic ang OPM songs eh. Hehehe. Mas may feeling. Hihihi. Tulad na lang nitong 'Isang Dangkal' ng APO Hiking Society. Etong kantang 'to naman eh para sa mga torpeng lalaki. Hahahaha. 'Yung mga tipong hindi makapagsalita kapag kaharap 'yung tipo nilang babae. Hahahaha. Magbago na kayo uy! Walang mangyayari sa buhay niyo kung hindi kayo lalandi. Hahahaha. Pero maganda 'tong kanta na 'to. Pang-totoong buhay. Aminin! Hahahaha.
Sa tuwing nakakasama ka ako’y naiiba
Nais ko lang na ika’y maka-akbay
Makalakad ng sabay, makahawak ng kamay
Pero eto talaga ang feeling ko eh pinaka-nakakakilig na kanta sa lahat. Hehehe. Jenjereren! 'Wala Nang Hahanapin Pa' ng APO Hiking Society. Alam na alam ng gumawa ng kantang 'to ang ugali ng babae. Siguro babaero. Echos! Joke lang po 'yun. Hehehe. Pero kahit gaano pa kahirap intindihin ang babae, mahal pa rin niya noh? Ang galing. Hihihi. At syempre...hindi na siya maghahanap pa ng iba.
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya,
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda,
Wala nang hahanapin pa.
Lahat ng mga kantang 'yan nasa playlist ko. Pwede niyong pakinggan.=) Enjoy!=)