Friday, February 26, 2010

SB

This may be a bit late, but, I still think it is better late...(alam niyo na kasunod! Hahaha) Right, Pa?

HAPPY BIRTHDAY! :)

Naalala ko last year, um-absent ako ng Feb.24 eh. Why? Kasi I feel really really bad. 'Yung tipong gusto kong mapag-isa. At sa di kasamaang-palad, may quiz pala noon sa TX102. Hahaha. Malas lang, di bale, wala rin naman ako isasagot noon kung pumasok ako eh. :P Ang chorva lang doon eh, parang nainis saken si Atty. D kasi nga, may exam uma-absent ako. Wag na daw ako umasa na papasa ako. Well, di naman na talaga ako umaasa noon. Hahaha.

At di na rin talaga ako umaasa noon. Na mapapansin ang pag-ibig ko. Naks naman. Hahaha. Kaso alam ko namang, malakas talaga ang dasal. Hehehe. :P After ilang days lang, nagsimula na naman siyang lumandi (ikaw 'yun Pa, wag mo nang pag-isipan pa kung sino hahaha), ako naman, keri lang, pero ang treatment ko sa kanya noon is gaya ng treatment ko sa iba(ng lumalandi saken). Hahaha. Ganda ng lola niyo. Hahaha.  As far as I remember, sinabi ko rin sa kanya na crush ko siya noon eh. At 'yun. Siguro naisip niya na mabobola niya ako, well, nabola naman talaga niya ko. Echos. Hahaha. :P

Anyways, happy birthday pa rin Pa. >:D< Wag ka mag-alala, 'yung pina-reserve mo, naka-reserve pa rin 'yun. Hahaha. I-avail mo na lang kung kailan mo gusto. Hahaha.

Basta Pa, salamat sa lahat. Gaya nga ng sabi mo, parang ako 'yung may birthday. Totoo naman, kasi ikaw 'yung gift sa akin. At kahit wala akong gift sa'yo ngayon, sa susunod na lang. Hahaha. Labo. Pero higit sa lahat, salamat kasi nandiyan ka. Kasi alam mo 'yun, kapag andiyan ka sa tabi ko, doon ko lang nafi-feel na buhay ako. Gets? 'Yung feeling ko hindi ako patay na estudyante na aral lang nang aral. Ganoon kasi 'yung pakiramdam ko dati eh. And you changed that. You made my life more meaningful. Akala ko pang-teleserye at mga pocketbooks lang 'yang mga words na 'yan, pero hindi, totoo din pala sila. At di lang ako nambobola.

Galingan mo sa thesis mo Pa ha. Alam ko namang kaya niyo 'yan.  At sana maka-graduate ka na, alam kong wish mo rin 'yan. Alagaan mo ang sarili mo. I wish that you may have good health. Basta good luck.At higit sa lahat, God bless. I love you. :*

Sunday, February 21, 2010

No Deadlines

It has been almost a year since noong nag-set ako ng "deadline". Naalala ko lang kasi malapit na naman mag Feb.24 eh. Ano nga ba 'yung deadline na 'yun? 'Yung deadline na 'yun is deadline para sa paghihintay. I mean ayaw ko na rin mag-expect noon. Ayaw kong maghintay sa wala. Sabi nga nila, "Let go and let God." Kaya ayun, hindi ko na binuksan ang aking pinto sa kanya lang. Nagbukas ako para sa iba. Saka hindi lang pinto, nagbukas din ako ng mga bintana. Hahaha. Malay mo di'ba, may sumilip na gwapo. Hahaha. Kaso wala. So, cancel. At saka nagkamali rin ako noon. Nagmadali ako. Nagmadali akong lumimot. Gusto ko kasing patunayan sa sarili ko na kaya ko.

From then, naramdaman kong parang gumaan ang dinadala ko. Para kasing ambigat na load noon sa'kin dati. At least noong may deadline na, kahit papaano di na ko masyadong iniisip 'yun. Inisip ko na lang, "Let go and let God."


And parang miracle. Aba, parang may kung anong magic ang nangyari. Well, proven, prayers really work. Dinidinig din Niya tayo. Hayaan lang natin Siya.

At noong binigyan ako ng pagkakataon, sinunggaban ko na. Hahahaha. >:) Palay na ang lumalapit sa manok noh. Pero hindi ako manok. Hahaha.

At hanggang ngayon eh eto, naglalandian pa rin kami. Hahaha. Miss ko na nga siya eh, kaso busy para sa future namin. Hahaha. :) Pa, i love you. :-* At ngayon, I do not want any deadlines for us. Gusto ko habang buhay ako, siya lang. Naks. Cheesy na. Hahaha. :)


P.S. Naaalala ko pa noong mga panahong 'yun. Kahit deadma lang ang beauty ko kay Glenn, todo "pushing" pa rin ang ginagawa ng mga kaibigan ko. Hahaha. Mga chorva talaga. Pero sila rin naman ang kasama ko noong ilang beses akong parang tinarakan ng kutsilyo sa dibdib. Naks. Meh ganun? Hahahaha. Chorva lang 'yan. Ang totoo, di ko kasi malandi eh. Pakipot pa masyado. Hahaha. At kahit ngayon, di ko na sila masyado makasama dahil busy-busyhan, eh gusto ko pa rin sila makasama gaya ng dati.

Tuesday, February 16, 2010

Valentine's

Happy Valentine's! :P Alam kong ayaw na ayaw niyo 'yan mabasa kaya inuna ko na. Hahahaha. :P

Darating din naman ang araw na 'yan. Na kikiligin kayo, magmamahal, mamahalin at syempre mag-aano. Echos! Hahaha. But anyway, nasa pananalig 'yan na magkakaroon kayo. Naks. Uyy...di na bitter. Hahaha.

Hmmm...ano ba makkwento ko. As usual, nag-date kami ng Papa Glenn ko. Hihi. Lagi naman kami nagd-date eh. Miss ko na nga ulit siya eh. Hehehe. =)

Kung Hei Fat Choi or in English, gaya ng translation ng classmate namin na galing China, may you have more money. =) Mga Chinese talaga. Hahaha. Akala ko dati 'yung Kung Hei Fat Choi, happy new year sa kanila 'yun. Haha. Binigyan kami ni Papa Glenn ng tikoy. Yey. Hehehe.

Happy birthday din pala sa Nanay ko. =) (Buti pa si Inay binigyan ng cake. Hahaha. =))

Happy 10th Monthsary din pala Papa Glenn. Hihi. Sana maraming marami pa tayong months na magkasama. I love you. :*

Friday, February 5, 2010

At dahil foundation-after-the-midterm-exams week namin ngayon...chill lang kami. :) At makakapag-post ako. :)


Lalo na ngayong mag-isa lang ako dito sa computer shop habang hinihintay 'yung taga-FEU.


Marami rin namang nangyari. Gaya nang nakapaginuman ang Pakwans last January. Ang kaso lang di ako nakapag-overnight. Pasensya na people. Ngayon lang naman ako di present sa ganyan. Nagpapakabait na kasi ako. Hahaha. Echos. :)


Pero totoo naman, medyo nagpapakabait na ko. :) Kasi gusto ko na grumaduate. Hehe. Tapos pagkagraduate ko saka na ko magpepetiks. Hahaha. Kaso lang medyo humihigpit na din Accounting sa JRU eh. Pero sakto lang. Wala naman talagang petiks na Accounting eh.


Anakng! Wala akong ma-post dito. Hehehe.


.
.
.
.
.
.
.
.
.


Sige na, mamaya na lang ulit kapag na-bored ako. Hahaha.