Thursday, January 31, 2008

Joanna Wang (Wang Ruo Lin)

Look at the new song of my blog.=)hehe

It's nice right?

I've stumbled upon this song in YouTube. This song "I Love You" is one of the OST from Sweet Relationship, Vic Zhou's drama series in 2006.

It is sung by Joanna Wang (Wang Ruo Lin). Actually she is a Taiwanese singer. She is only 19 years old but yet with that soulful jazz voice. As I've read, she grew up in the United States and went back to her home country, Taiwan. She is the so-called Norah Jones/Corrinne Bailey Rae/Feist of Taiwan. It's quite true. When I first heard her, I thought she was some of those singers.

"I Love You" is one of the songs in her new album called, "Start From Here". This album includes Spandau Ballet's True and Bill Joel's New York State of Mind. Other songs are:

1. Let's Start From Here
2. Lost in Paradise
3. As Love Begins to Mend
4. Bada Bada
5. Lost Taipei
6. The Best Mistake I've Ever Made
7. I Love You
8. For No Reason
9. Stages of Flying
10. Now
11. True
12. New York State of Mind
13. Mi Gong(Maze)
14. You Ni De Kuai Le(I Have Your Happiness)
15. Now(OST Now)
16. Yin Wei Ni Ai Wo(Because You Love Me)
17. For No Reason(OST For No Reason)

If you want to hear the other songs you may download it here

My personal favorites are Let's Start from Here, Lost In Paradise, The Best Mistake I've Ever Made, I Love You and For No Reason. I highly recommend this album.=)hehe

I find that I like this kind of song. Jazz.=) Well, I just found out now.=)

Tuesday, January 29, 2008

Zaizai

Nako, sabi ko hindi ako magpo-post eh.=)hehe

Well, gusto ko lang i-share na si Zaizai, more commonly known as Vic Zhou (26), had broken up with his girlfriend, Da S or Barbie Zu (31).

Hindi ko alam na naging sila eh.=)hehe Nalaman ko na lang break na sila.=)hehe Peace!=) Hindi naman sa ayoko kay Da S pero siyempre gusto ko ako. Joke!=) At saka kung saan masaya si Zaizai, doon ako. Sabi nga eh, malungkot daw siya noong mga nakaraang araw. Kawawa naman. Gusto kong sabihin, marami namang may gusto sa kanya eh.=)haha At saka 'yung age gap, tingnan niyo o.=) Medyo matanda na si Barbie.hehe=) At 'yun yata 'yung reason kung bakit sila nag-break. Parang gusto na yata ni Barbie na lumagay sa tahimik.=)hehe Ayon tuloy nag-break sila.=)

At nga pala, hindi na F4 ang tawag sa kanila, JVKV na, standing for Jerry Vic Ken Vaness. Meron nga palang bagong palabas si Zaizai, Wish to See You Again. Last year din yata meron siyang series, Sweet Relationship. Meron din siyang bagong album, I'm not F4. Meron din siyang bagong movie, Linger.

(Nako, hindi ko nga alam kung anu-ano panonoorin ko eh. Busy-busy-han ako eh. Nakakainis. Namimiss ko na 'yung mga dramas ko.)

So much for the chismis, hindi naman talaga 'yan gusto kong sabihin eh.=)hehehe

Grabe super crush ko talaga 'to!=)hehe Crush of all crushes(well,not really,what about Bae Young Joon?!)!=)hehehe Kahit picture lang nai-starstruck ako dito eh. Sana ma-meet ko siya in the future.=)hehe

Well, anyway share lang 'yan. Ang gusto ko talagang i-post eh itong mga 'to:



Wow...super drool..hahahahaha=)





Waaaaahhhhhhhh!!!





Ano ba 'yan kaya ayoko ng ganito eh!=)hehe


(READ: Incidentally, not purposely, Silence nga pala 'yung title nitong blog ko. Alam niyo bang may drama series siyang Silence? Wala lang kinonek ko lang.hehe=))

Sunday, January 27, 2008

Expect the unexpected.

Hey, I.m back again!=) I missed posting, see two posts in a day!=)

Well, first, I just saw a video from YouTube featuring a Filipino-turned-American contestant in American Idol. My sister told me that this guy was kind of a freak but has some voice. I thought, as a Filipino, I'd be most embarassed. But still, I watched it.

The guy was clad in a furry cape(I don't know how to describe it) and in all white. He also had a tag on his head. Printed clearly on it was 'Simon'. So, I thought, he really was something to watch. And clearly a fan of Simon. I was even more shocked when he told the three judges that he will sing an own song. It was entitled "We're Brothers Forever". Paula and Randy was all laughing hard when Reynaldo Lapuz(the contestant) began to sing. And yes, he has the voice. But of course Simon said 'NO' after Reynaldo sang again and again. Surprisingly(well, maybe not), he took the 'NO' as a great man would. One thing, he IS so funny.=)
You can watch it here.

_____________________________________________________________


As I've told you, I have many stories. Kaso di ko alam kung alin ang uunahin ko eh. Hindi pwede sa isang post lang. Heto muna ang isa.

Naniniwala ka ba sa "Expect the unexpected."? Ako, siguro, oo. Di ako sure eh. Pumasok lang 'to sa isip ko kanina eh kaya gusto i-share.

Una, alam niyo bang ayaw ko ng pangalang 'Ben' at 'Bong'. Pero I met persons named Ben and Bong. Kaya ayun, crush ko sila.=)hehe I learned to like their names kasi 'yun ang pangalan nila eh, anong magagawa ko?=) Ngayon, medyo okay na sa pandinig ko 'yung pangalan nila.=) Juzme, sana naman wala akong makilalang Roger ang pangalan, dahil 'yan namang pangalan na 'yan ang pinaka-ayaw ng pandinig ko. Ewan ko ba kung bakit, basta hindi siya maganda eh, no offense meant.=)

Pangalawa, alam niyo bang ayaw ko dati ng color green? Feeling ko nga dati ang corny ng may gusto ng color green eh. I prefer pink, blue and red dati eh. Hindi ko alam kung bakit din pero ngayon favorite ko na ang green.=) Pati nga utak ko berde na rin eh.=)hahaha Basta I love green na ngayon. At ngayon hindi na ako ma-pink na tao, pero red and blue, go pa rin ako.

Pangatlo, alam niyo bang ayoko ng pusang tatlo 'yung kulay dati? Feeling ko kasi ang dumi-dumi tingnan eh. Pero ngayon, 'yung favorite kong naging pusa namin kulay yellow, balck at saka white. Ang landi kasi ng pusa naming 'yun eh kaya nagkasundo kami. At feeling ko, ang linis niya parang naliligo siya araw-araw. Eh hindi naman naliligo ang mga pusa di'ba? Minsan lang namin paliguan 'yun eh.

Pag-apat, alam niyo bang dati ayaw kong pinag-uusapan ang mga ka-green-an? Conservative ako eh, Lalo na dati. Pero siguro bunsod ng ka-green-an ng mga kasama ko eh, nasanay na ko sa ganoong topic. At ang sarap mang-asar ng taong ayaw ng ganoong topic.=)hahahahahaha

Pang-lima, alam niyo bang ayoko ng mga kaibigang maiingay, "green", maraming kalokohan, nagyo-yosi, palaging napapagalitan. Pero alam hindi ko alam kung bakit sa ngayon ang mga kaibigan ko ganyan. Weird di'ba? Pero masarap sila kasama lalo na sa kalokohan. Pero siyempre nandiyan pa rin sila in times of trouble. Ayan, kilala niyo kung sinu-sino kayo, matats kayo ah.=)

Di'ba sobrang 'expect the unexpected'? Siguro nga, people change. Nagbago ako eh. Biruin mo ba namang magustuhan ko 'yung mga ayaw ko dati. Siguro nga, ganoon lang talaga buhay.=) Ikaw din, malamang nagbago ka rin eh.=)

Drool

This is somewhat like a blind item but I think most of my friends know who they are.=) I'll give them a codenameo you just figure them out yourselves.haha=)

1. The Rockstar Dent - Who doesn't know this guy? Siyempe 'yung mga di taga-UE.hehe=) Super siya eh. Super gwapo. Artistahin talaga. Feeling ko nga kamukha siya ng isang artista sa South Korea eh. Masyadong malaki ang fan base nito eh, gaya nga ng sabi ng Girlfriend ko.=)

2. Chinese Korean - I thought that he was a Korean but he IS a Chinese. Naisip ko mas okay nga kung Chinese siya para kapag marunong na ko mag-Mandarin magkakaintintihan kami.haha=) Ito rin malaki fan base. Dapat kasi ako lang pwedeng magka-crush sa kanila eh.=)hahahaha Sabi ni Girlfiend kamukha daw ni Ano..pero di ako papayag. never!=)

3. My Hubby - Okay. Hubby. Hindi ko naman talaga siya Hubby eh, baka mag-divorcekami kapag nalaman niya.=) Gusto ko 'yan si Hubby kasi ang bait niya at feeling ko ever faithful sa magiging girlfriend niya(hindi ako 'yun, asawa ko na siya=)).

4. The Master - I like him because he is funny. Ang babaw, parang ako. And I want to know more about him. Namimiss ko na nga siya eh.=( Di bale, we'll surely meet in the future.=) Fighting spirit!=)haha

5. She Bangs - The emo dude from the Full of Emo students University.hehe=) Peace!=) Hmmm...I like this guy because he is funny? Not really. Because he is intelligent? Not really. Because he is handsome?(?!?). Well, not really. I just like him. He is someone that is not me.=) Yeah boy!=) Napapa-emo tuloy ako sa'yo eh.=)haha

6. Someone From A Long Time Ago(SFALT) - Ang tagal na nitong taong 'to eh. Pero I don't mean na matanda na siya ah.=) It's just that when I see him(rarely), I feel that we have an unfinished business yet.=) (hehehe. ang landi!=))

Bakit ganoon..wala na akong maisip kung sino pa...gusto ko paabutin nang hanggang 10 eh..para Top Ten di'ba?! Hindi naman pwede dito sila Jayjay Helterbrand, Shinchan, Miggy Chavez, mga Korean at Japanese actors an gwapo.=)

Kapag may naalala na lang ulit ako, lalagyan ko 'to ng Part II.=)hehe

Saturday, January 26, 2008

Kapagod!

Ang sakit sa mata ng ginagawa ko. Ang hirap pumili ng mga kulay na pwedeng imatch ah. Ayan medyo may nakita na kayo. Pero hindi pa yan tapos, mamaya ko na lang itutuloy ang paggawa.

Nakakainis nga eh kasi hindi ko pa ma-post 'yung mga chika ko. Di bale nag-take down na ko sa notebook ko ng aking sangkatutak na topics na kailangan kong i-post. Gusto ko na mag-post........=)

Thursday, January 17, 2008

I vs. I

OK. Kumusta naman daw 'yung half yata ng mga exams ko sa Accounting including the prelims ay bagsak. 'Yung mga pasado naman kundi 3.00 eh 2.75.(tama ba ako?pasado 'yung tres di'ba?!) Anong klaseng grade 'yun para sa isang naturingang iskolar. Actually, I'm not surprised to get these grades. Alam ko naman eh. Mahirap lang talagang harapin eh 'yung ibang tao, mahahalagang tao. They are expecting too much from you. That's hard, is it not?

Kakalerky 'tong Accounting na 'to. Gaya nga ng post sa Manxidoodles ngayon, mali 'tong iniisip ko. Ewan ko lang kung pareho kami ng ibig sabihin doon. It's been bugging me for a while now that I don't need to be in the classroom in order to achieve things, reach my goals and stuff, let alone learning. I hate thinking this way. And I'm hating myself for thinking this way. Kanina ko nga lang na-realize na hindi ko naman talaga gustong maging accountant. It is just a way to achieve my dream. Ano ang dream ko? Maging mayaman. Bakit? Kasi gusto kong tulungan ang parents ko, ang mga kapatid ko, mga kaibigan ko at 'yung mga taong nangangailangan ng tulong ko. 'Yun lang. Eh ano bang problema ng mga tao ngayon? Pera. Kaya 'yun ang dream ko, yumaman. Whatever way it is, I want to achieve that goal. So, ibig sabihin hindi ko naman talaga gustong maging accountant specifically. But it's not that bad, accoutants are highly respected by the society. And people say that it's easy to achieve that goal this way. Kaya ito 'yung kinuha kong course. Nagkamali ba ko ng analysis?

It's not that I don't want to study. I love learning, in fact. It's just that I want to take a break right now. I want to learn something new. Something not found inside the classroom. And again, I'm hating myself for thinking this way. But am I wrong?

Pati nga araw ng school days may countdown ako eh. Sobrang gusto ko munang huwag pumasok. Pero pwede ba? Hindi. Nag-aaral nga ako kanina para sa quiz sa Marketing eh.

Meorn bang school na pwedeng pumasok kung gusto mo lang nang hindi ka binbagsak? Besides, kailangan bang nakatapos ka para mag-succeed in life? For some, maybe. mahirap maghanap ng trabaho eh. Pero kung gusto mo there's a way. Sipag lang ang kailangan, diskarte sa buhay.

Actually it's the first time that I've felt this way about school. Since I'm in my grade school and high school years and just before the last semester ended, I liked going to school. And then suddenly, boom!, I just felt this way. And again I'm hating it. Bigla siguro akong nagsawa. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa prof? Dahil ba mahirap 'yung subject? But I don't find it hard. And maybe that's why. Did I do my best? Or is my best just not enough? But I really think that I put my best in it. Or so I thought. Or is this thought about my best not enough that makes me lose confidence? Yeah, I've lost confidence in myself that I can do this all stuff. Is this the reason I'm feeling like this? And again, I hate myself for that. Doubting myself? I hate it.

Actually right now, I'm quite interested in some of the occult. Occult, in case you haven't heard, is about mystery and secrecy. It involves stuff like Astrology, Palmistry and yes, even Handwriting analysis. It also has religion under it.

And speaking of handwriting analysis, my blockmate was also reading about it recently. I've read about it before but that was years ago. I almost remember nothing about it. Well, my blockmate told me, according to her interpretations, that I'm indecisive but usually I end up having my first decision as the final decision. She also told me that I'm inconsistent. Well, yes. The first one is a supporting deatil to that. She told me that I'm quite set about my goals. Of course, I am. And yes, she also told me that I'm precautious which has something to do with the past, I htink. I give space to others and to myself, she said. Yes, the reason why I don't tell everybody how I feel and what are my thoughts, sometimes making me distant from them. In turn, I don't pry much in their personal life, of course. I just let them tell what they want to tell me and not push through things I want answered. She told me that I'm an ideal person. Well, so much for that, looking at me right now. Right now, I'm reading about Astrology. It's fun. Much like the handwritng analysis.

And that's just too much of what I've said about myself. Someone who have read this will surely know how to get along with me, I hope. This is quite a long entry. Congratulations for being on this part already. You're patient.=) And by the way I'm not. And that brings me back to my original topic. I have little patience and Accounting needs patience.

And also I'm currently trying to learn Mandarin through the net. If there's a will, there's a way.=) But I haven't reviewed my lessons for like two weeks now because I'm too stressed with what I do in school. But definitely, I won't stop now, I've already started it and I'm considering if I will take summer classes for it.

I'm also interested in blogging. See this blog? I'm considering on renovating it.=)

See? I want to learn but give me a break. You're stressing me out. I feel pressure within myself and even in the environment I am in eventhough they're not telling me. I can feel it. It's on my shoulders. Just give me a break.

Wednesday, January 16, 2008

Good Luck!=)

At dahil nag-aaral-aralan ako sa Accounting ngayon...sandali lang ako magpo-post.=)hehe

May mga ilang bagay lang akong baka makalimutan kaya ilalagay ko dito.

Ang daming nahuhumaling diyan sa Rubix cube na 'yan. Si Gerby bumili kahapon, bumili ulit ngayon. Si Ciel din bumili. At 'yun wala na akong nakitang iba kundi iyon. Kahapon nga pagka-uwi 'yan din ang nakita ko kaagad eh. Naabutan ko kasi 'yung Nanay ko na naggagawa niyan kahapon. Sabi pa niya, "Dapat nga maglalaba ako ngayon kaso ito 'yung nagawa ko, bukas na lang ako maglalaba." OK. Ako naman natawa lang.=) Hindi pa rin niya magawa eh. Kapag malapit nang magawa, ginugulo ko ulit.=)hahhaha At parang may narinig pa nga ako sa kanya na, "Parang mali 'yung THEORY ko ah..." Parang ganoon. Sosyalin, may theory-theory pang nalalaman sa Rubix cube.=)hahahahaha

Kanina naman nagbabasa ako ng chic flick novel, hiniram ko kay Josette na kay Ate Jessa talaga, salamat!=) Kahit naglalakad kasi nagbabasa ako, eh paunta kami kina Gerby sa may canteen nang biglang may nag-block ng kamay sa eyesight ko.(nagets niyo?) Nakatungo ako noon, so malamang hindi ko napansin. Nilingon ko na lang siya kasi nakalampas na eh. At guess who? Si Terrence pala 'yun a.k.a. Tian Long!=) Chinese kasi siya, hindi ko alam kung tama 'yung spelling ng pangalan niya. Natawa kaya ako.=) Sobra. At natuwa. Nakakatuwa at nakakatawa naman kasi talaga si Tian Long eh. Para siyang bata.=)hahahhahahaha Peace!=) In fairness, close kami!=)hahahahha

Maganda rin pala 'yung Spring Waltz. Papanoorin ko nga rin 'yun. Yiee. Kinikilig ako.hehe=) Pero the best pa rin ang Winter Sonata!=)

OK. 'yun lang, next time ulit.

Ay, recognition na nga pala ulit namin. Magkikita-kits na naman kami ni Lolo Lucio sa kanyang hotel.=)hehe

'Yun lang, aral na ulit ako. Sana naman makapasa ako dito. Wish me luck!=)

Sunday, January 13, 2008

Learning

Gusto kong gumawa ng post pero hindi ko alam kung anong ilalagay ko. Ano nga kaya?

Things I have learned:

1. Don't think only about yourself. Do not be self-centered.
2. Do not brood too much on failures. It actually makes you even more weak.
3. Say what you have to say and mean it. Like the cliche, "Say what you mean and mean what you say."
4. Number 4 is not always that effective. Just try to be more sensitive.
5. Give space to others. Live and let live.
6. Do not overindulge. It will make you feel rotten.
7. Do not be too shy to help others. It is a good deed you should be proud of.
8. Try to have patience. It is really a virtue.
9. Have faith in yourself. It will boost your self-confidence.
10. Always smile.
11. Always try something new. There is never a limit to what you can do.
12. Do not stop learning. And I don't mean just lessons inside the classroom.
13. Protect yourself if you have to. Do not let other people degrade you.
14. Learn how and when to stop. You should have your own rules.
15. Sometimes, you just have to give in to authority even if you do not like it.
16. Love yourself but not too much.
17. Above all, put God as the figure you have to conform with.

These are the things I have learned in the past years of my life. Some of it I only do when I want to, some I only did once. These are the pedestals of my self which I hope someday I can reach. Definitely, some will be added as time goes along.

Saturday, January 12, 2008

Hanazakari no Kimi Tachi e and Gokusen 3 with Hana Yori Dango 2

Hindi yata ako nakapag-post tungkol sa Hanazakari no Kimi Tachi,Hana Kimi, in short, For You in Bloom. in English. Meron din Taiwanese version nito eh, pero di ko pa napapanood 'yun. It is the same with Coffee Prince in terms na 'yung girl eh nagpapanggap na lalaki. Hanggang doon lang kasi iba rin naman 'yung story nito. Classroom setting siya, all-boys school. Nakakatawa 'to, promise!=) Bida dito eh si Oguri Shun ng Hana Yori Dango(Rui Hanazawa) at si Horikita Maki. Si Horikita Maki 'yung babae na nagpanggap na lalaki. Ka-love triangle nila si Ikuta Toma. Pero alam niyo bang may kissing scene sila ni Oguri Shun?haha=) I mean si Ikuta Toma ah.=) At siya ang dahilan kung bakit naalala ko mag-post tungkol dito.=) Crush ko kaya siya.haha=) Singer din nga pala siya. Ito siya o:














Nag-appear rin pala siya sa Hana Yori Dango 2. Guest siya doon. Ngayon ko lang nalaman. Nakakainis. Siya pala si Oribe Junpei doon. Si Oribe Junpei 'yung schoolmate nila Makino(Inoue Mao) na model pala pero parang nagdidisguise siya para di mapansin ng F4 doon. Sa pagkakaalala ko, siya 'yun ah.=) May bago yata siyang palabas ngayon, 'yung Honey and Clover. Hindi ko alam na may live na pala nito, alam ko kasi anime lang 'to eh. Nakapanood ako ng isang episode noon na anime eh, mukha namang maganda kaso lagi kong di maabutan sa TV eh.=)hehe Papanoorin ko 'to!=)hahha

'yung sa Gokusen 3 naman, ipapalabas siya sa Japan sa April pa. Medyo matagal pa pero hihintayin ko siya.hehe=) Hindi ako sure kung totoo 'yung mga nabasa ko about sa casting eh pero definitely nandoon si Yankumi. Pero nakita ko sila parang hindi mga cute.=)hhhahaha Ewan ko lang a, o baka nabubulag na naman ako.=)

Ayan ah, alam niyo na mga papanoorin ko.=)haha

Friday, January 11, 2008

Regrets

Dapat hindi na ako magpo-post eh, anong oras na o.=)

I was just browsing on a blog a while ago. I was looking for blogs and this one was something I accidentally hit. It was a blog that made my tears run down from my cheeks. It was a great love a guy has given a girl. I never knew that a guy could ever be this sentimental and so in love.

Try to read it. It was quite long. Here's the URL http://edgar-jasmine.blogspot.com/2007/12/my-relationship-with-jasmine.html

____________________________________________

Regrets

Looking back to uncertainities of the past year
Reminiscing inexplicable feelings and emotions
One sweet memory surfaces from my mind to my heart
The memory of your flattering, loving promises
Meaningful letters, great show of concern
Love above all
The time when I felt I was truly special
You made me realize that I deserved to be loved
You gave me confidence to live life to the fullest
You accepted me for what I am and not for what you want me to be
Yet I denied your pledge of unconditional love
I know I didn't deserve your courage
I was summoned to a black hole of fear
I was too scared to acknowledge the sparkle of love
Too terrified of what others might think
Immaturity and frienship became my alibi
I guessed I fooled them but not myself
Now, after a while
We became parts of two different worlds
You found someone new, more wonderful, more deserving of your love
I kept telling myself taht we're not meant to be
I kept convincing myself that I'm not supposed to be bitter
But as I try to move away
Destiny put us closer to each other
Hard is an understatement
Because it takes a lot of energy
For me to stop looking at you and to stop longing to hold your hands
It's unfair for you because I know you're contented and happy
But then agian, when I'm alone
I'm half-hoping
That maybe in another place and time we can be together
I've hurt you then
But innocently you're hurting me more.

_____________________________________________

Nice right?! For those who are sad and those who feel lonely, it is a good poem. Actually, I've got this poem from a friend several years ago, 6 years I think. Long time. And here I am reding this again.=)

Thursday, January 10, 2008

Jayjay Helterbrand and Mayor Binay

Parang ang tagal ko nang hindi nakapag-post ah.=) Well, busy kasi ako sa ilang mga bagay eh gaya ng pang-aaway kay Pangit. Napaka-feelingera kasi at napakamapapel.

Ano pa ba?=) Wala akong maisip ilagay eh. Ngayon lang ako nakapag-post kasi ngayon lang ako hindi inaantok. Tingnan niyo ngayon lang ako gising ng ganitong oras.

Hmmmm...alam ko na. Marami rin akong mga hindi nai-post dito eh tulad noong kay Mayor Binay. Akalain niyo close kami.haha=) Nagpunta kasi kami doon sa kamag-anak namin na namatay sa may Makati. Eh nagpunta rin doon si Mayor Binay. Hihingi nga kami dapat ng pinsan kong lukaret ng regalo eh kaso ang pinapamigay niya lang 'yung 3 for two pesos na candy ang pangalan Jojo. Pero in fairness, mabait naman si Mayor ah. Nakatayo kasi ako sa may gate eh tapos 'yun nagpaalam siya sa akin with matching tapik pa sa braso ko ah. Close?!=)haha Sa susunod na Pasko Mayor, sisiguraduhin ko na.=)hahahhaha

At if there's one thing missing in my blog that is definitely part of my life, it's PBA and Brgy. Ginebra and Jayjay Helterbrand. Nakakainis nga eh, hindi na naman ako makakasama kina Geby if ever manonood ulit sila sa Araneta sa Sunday. Isang beses pa lang ako nakakanood ng live na game ng Ginebra eh at hindi pa naglaro noon si Jayjay. 'yun 'yung nagpunta kami sa Lyceum, matagal na 'yun. Thanks to Ate Jesa.=) Kawawa naman ako, papanoorin niyo naman ako. Sponsor-an niyo lang ako o, wala akong pera eh.=) Sa mga gusto akong sponsor-an, just text me. Wag kayo mag-alala may special post kayo dito sa blog ko.=)hahhaha Teka naglalagay ako ng picture dito ng Mr. Fast ko!=)hahhaha Ay naalala ko na naman, hindi na naman ako makakapunta, hindi ako makakapagpa-picture kay Jayjay. Sponsors, please!=)hehhhe










Okay. Tama na, kinikilig na ako!=)hahahahhahaha Yiee..=)

Sponsor,sponsor!=) Sige na..=)hehehhe

Sige, baka mag-post ulit ako mamaya.=)hehe

Sunday, January 6, 2008

Siblings

Noong Friday, nanonood kami ng Papa ko at saka mga kapatid ko ng T.V. PBA 'yun, Ginebra game. At the same time, kumakain din kami ng kung anu-ano lang. Siyempre sa akin sweets.=) Sabay-sabay kami noon eh, kaya most likely sabay-sabay din kaming natapos. Pinagtatawanan nila si Jayjay ko. Ang galing-galing kaya niya. Best player of the game!=) Maya-may narinig ko 'yung kapatid kong batang lalaki, first year high school.

"Inom tayo noong red wine." Tapos tumawa siya, pero hindi siya nagbibiro. Minsan ko lang maringgan 'yun ng ganoon ah.

Sabi ko, "Sige, sige!" Na-excite daw ako.haha=) Thrilling eh.

Umentra naman ang kapatid kong pangalawa, babae, third year high school, "Uy...."

Korni talaga noon.=)

Akala ko narinig kami ng Papa ko pero papunta na pala siya sa washroom. Kasi kung narinig kami noon, malamang lang na pigilan niya kami noh. Mababait kaya kaming magkakapatid. Hindi kami umiinom.=)hehehe

Sabi ko, "Bilisan mo, bilisan mo!"=)

Nasa ref kasi eh, pinapakuha ko habang hindi pa kami napapansin ng Papa ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi kami narinig noon eh. Malakas naman boses namin. Bingi lang siguro talaga Tatay ko.

'Yung pangalawa ko namang kapatid na-excite. Tawa na kami nang tawang tatlo. Eh cork 'yung nandoon sa wine. Mahirap buksan. Alam ko tinry ko na 'yun buksan days before noong Friday eh.=)hehehe Ang nagbukas 'yung kapatid kong babae. Medyo mataba 'yun eh. At saka malakas siya. Dati kapag nag-aaway kami hindi ko makaya 'yun eh. Nabuksan naman niya. At tawa pa rin kami nang tawa with matching excitement. Ang saya kaya nang ganoon lalo na pag di ka nahuli.hahahaha=)

Ready na 'yung baso namin eh. Pero konti lang 'yung kinuha namin mahahalata eh.=) Tapos 'yun tawanan pa rin to the max. Hindi daw masarap sabi nila. Ako rin umubos noong nilagay nila eh.hahahaha=)

Pero ang saya talaga. In the end, hindi kami nahuli. Pero sinabi ng kapatid ko sa Mama ko.=) Bonding moments naming tatlo.=)

READ: Uy, hindi ako bad na Ate ah. Hindi naman ako ang nag-initiate eh. 'Yung kapatid kong lalaki. Decider lang ako. Kasi di naman nila gagawin 'yun nang walang approval ko eh.=)hahhahahahhahaha (Wow, parang Marketing lang ah.=))

Thursday, January 3, 2008

Happy New Year(Not Really Late)

Huli na ba ko sa Happy New Year?!=) Hindi pa naman di ba?!=) Kaya.........

HAPPY NEW YEAR!=)

As usual hindi naman ako lumalabas ng bahay kapag New Year eh. Una, ayoko mausukan. Pangalawa, takot ako sa mga paputok.=)hehe Ang epal nga eh, sumilip lang ako sandali sa labas sa may pintuan namin tapos ayon, inubo na ko. Ang korni, nahirapan ako humihinga. Kailangan ko pa tuloy umupo para maayos 'yung paghinga ko.

Noong January 2 naman may pasok na kami. Sobrang korni nitong UE eh. Wala naman kaming ginawa. Ayun nanood na lang kami ng Sakal, Sakali, Saklolo. Nahihirapan pa kong sabihin yan. Lagi ko na lang nasasabi 'Sakalo'.=)hehe Pero promise, super nakakatawa talaga.=) Lalo na si Bronson. Ang cute ng anak nila Judy Ann at Ryan doon.

Ano pa ba? Wala na ko maisip.hehehe=)

Ay! Meron na nga pa lang Season 2 'yung It Started with a Kiss. Nakakatawa pa rin sila. AT. Ang lupit na ng mga kissing scene ngayon ah. Parang may bed scene na rin. May ganoon din sa Coffee Prince eh. At showing na siya sa Philippines ngayon. Yeah!=) Kinikilig ako.=)hehehehe

Panoorin niyo ah.=)hehe Pati 'yung It Started with a Kiss kapag pinalabas na kaso baka medyo matagal pa 'yun. Showing pa lang yata 'yun sa Taiwan eh.

At nga pala, I'm still learning and I'm not going to stop 'till I master it!=) Ano 'yun? Hindi ko muna sasabihin ngayon, kapag magaling na lang siguro ako.=)