Sunday, November 22, 2009

Saved

"Magtira ka para sa sarili mo", that was what a close friend told me weeks ago. I know she said that because she cares for me. And I care for her too.

I am not being defiant but I want to know why people always say these things. And in some ways, I also wanted to justify my actions which I hadn't done at that moment a few weeks ago.

How would you like to know that the one you love only loves you for about 80%? Or 90%? 50% perhaps? Well, I can do nothing about it, right? So it's fine. But really? Can we measure the love we give? How do we know when we are already giving too much? Or too little? How do we know when to stop? And more importantly, should we really measure the love we give to someone?

You cannot give something you do not have. Does that knock something inside you? I just wanted to say that you cannot love another person if you do not love yourself. So there won't be a need for saving something for yourself because from loving that other person, you know that you are also loving yourself. And isn't it great to know too that you have loved fully even if a relationship didn't work out. It will be easier to move on because you know you have done everything you could about it. But I guess, not everyone would agree.

Remember, it is not what goes in that counts, it is what goes out.

Friday, November 20, 2009

Si Pags. :)

Happy birthday, Pags! :) (Pags pa din ang itatawag ko sa'yo kahit nakiki-Pags lang ako. Hahahaha.)

Anakng! Ang tanda mo na uy! Di bale -teen ka pa rin. Twenteen. Hahahaha.

Teka nga, bakit ba hindi na tuloy 'yung librehan? Anakng! Sayang naman 'yun. Kainan na o! :)

Kung ayaw nila, mag-celebrate, tara one-on-one na lang tayo. Hahahaha.

Happy birthday, Pags. God bless. Don't worry, be happy. Lalo na ngayong araw na 'to. Birthday mo eh. Iwan mo muna ang problema at mga worries mo. Just be happy. :) Kung pwede lang, kahit araw-araw-in mo pa 'yan. Ano 'yung happy-go-lucky ka na? Hahahaha. Ang gulo ko. Basta HAPPY birthday. :) More birthdays to come. :) God bless. Good luck sa studies ha. Pati sa love life. Pati sa family. Pati sa friends. :)

Sunday, November 15, 2009

Couple

Happy 7th Monthsary sa Love ko. :)

Parang ambilis eh noh? Parang dati lang, di mo naman ako pinapansin, ngayon, patay na patay ka na sa akin. Hahahaha. Joke lang. :D Kahit alam kong totoo. Hahahaha. Joke ulit. :P

Anyway, alam kong mahirap akong maging girlfriend, kaya thank you. At sorry, although, gaya nga ng sabi ni Bebet, wala namang magagawa ang sorry. Kaya I will try making it up to you. Promise. Sa mga ways na kaya ko.

At dahil 7th monthsary daw, may couple na shirt na kami. Hehehe. :D



 Ang cute diba?hihihi :D

I love you, honey. :-* >:D<

Sunday, November 8, 2009

Hay Buhay.

Bakit ganoon? Pinipilit ko namang umintindi, pero bakit habang pinapalaki ko 'yung pasensya ko, lalo niya rin pinapahirap ang mga kailangan kong intindihin? Kailangan bang lagi ako ang umintindi? Hindi ba pwedeng ako naman ang intindihin?

Hindi ba pwedeng dahan-dahan lang?

Bakit ganoon? Pinipilit kong ibigay 'yung tiwala ko, pero bakit wala kang tiwala sa akin at pinipili mong huwag magsabi sa akin? Kailangan ko pa bang ibigay ang tiwala ko sayo? Hindi ba pwedeng ako naman ang pagkatiwalaan mo?

Hindi ba pwedeng patas lang?

Bakit ganoon? Kung kelan naging tayo, lalong wala nang nakakaintindi sa akin? Maski mga kaibigan ko, hindi na rin ako naiintindihan eh. Napaka-ironic nga eh, kasi mas naiintindihan ka nila at mas kakampi sila sa'yo. Ikaw daw ang mabait eh, ikaw daw ang nakakaintindi.

Ikaw? Alam kong sinasabi mo lang na naiintindihan mo ko. Pero hindi naman talaga. Hindi ko sinasabi 'to dahil galit o may tampo ako sa'yo.

Kung naiintindihan mo ko, hahayaan mo bang magkaganito?

Kapag magkaaway naman tayo, lagi mong sinasabing tama ako at ikaw ang mali, pero alam ko namang uulitin mo din 'yun eh. Pero siguro makitid lang talaga ang utak ko.

Siguro nga, huwag muna natin pag-usapan ang future. Umaasa lang naman ako. Bata pa tayo, at malay mo, hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Tama nga siguro ang kaibigan ko, magtira ko ng pagmamahal sa para sa sarili ko.

Pero sa bandang huli, wala pa rin kabuluhan ng sinasabi ng utak ko. At gaya nga ng nasa blog ng isa ko pang kaibigan, hay buhay.

"Dahil nakita mo na akong sumablay,
Narinig mo na ang puso kong bumigay
Hay buhay.
Parang kailan lang nung ako'y huling umibig,
At nilamon, at nilason ng kilig.
Bawat pangako ng ligaya, sinalubong ng trahedya
Ang habang buhay naging ba-bye."
                    - Sugarfree