Yan ang title ng movie na showing ngayon sa CinemaOne. Natataon kasi magba-bagong taon na. Natataon kasi about breakups eh. And the hardships of (not) moving on.
At probably yan ang dahilan kung bakit nagpo-post ako dito sa blog na to ngayon. Kasi nararamdaman ko na it's already time to break up and move on. Tama nga sila, walang forever. Haha.
At ito lang yung outlet ko na kung saan walang huhusga sa 'kin. Kasi malamang, kung sa mga kaibigan ko to sasabihin, ang iisipin nila siya yung tama at ako yung mali. Kasi iisipin nila, mas mature siya, mas tama siya.
Pero hindi naman nila alam diba? Kami lang naman yung nakakaalam talaga.
Kahapon ko pa iniisip kung saan ako, saan siya at saan kami nagkamali. At naisip ko, ngayong taon (2014 pa naman diba), hindi kami nagtravel, hindi kami masyado lumalabas para manood ng movies, at netong last quarter, bihira na rin kami magkita, magbonding. Hindi tulad nung dati.
Hindi tulad nung dati kasi naging busy kami. Naging busy ako simula nung mag-aral ulit ako. Naging busy siya sa bago niyang trabaho. Hindi rin ako makapagyaya ng travel or gala kasi kailangan ko bayaran yung tuition fees ko.
Gaya nga ng sinabi ko sa kanya, siguro kailangan niya ng freedom, kasi he is already showing those signs. He won't say where he was, what he was doing. I still trust him, yes, however, maybe he doesn't know it, but it seems like he doesn't want me in there, like he doesn't want to include me in his day.
Sabihin na OA ako, pero lahat naman tayo may standards or expectations sa relationship. You will know when you get there. At saka it didn't happen only once, it became habitual. Di naman siya dati ganun. He already has plans that doesn't include me.
Siguro nagsawa rin naman siya kasi I can be irrational at times. I can be a little too demanding of his time and attention. But tell me, sino bang babae ang hindi ganun?
Kaya siguro, it's better for me to be alone. I don't want to bring anyone down. Pessimistic, huh?
Sana lang, sana lang, tama itong desisyon na 'to. Yan ang pinagppray ko. Sana it will be better for the both of us. Sana magawa niya lahat ng gusto niya gawin, ako sana maging CPA na.
Kasi feeling ko, mahihirapan ako magmove on gaya ni Toni Gonzaga sa palabas na to. Pero at least, they were able to achieve something for themselves.
Kaya happy new year sa ting lahat. Haha. Sorry for the sad post this new year. But as they say, new year, new life. Nakakatakot pero #we have to go on.