Showing posts with label life musings. Show all posts
Showing posts with label life musings. Show all posts

Tuesday, September 22, 2009

Pintados

Hindi naman kami pahuhuli sa mga activities sa JRU...kaya sumali kami sa Pintados '09 The Body Painting Contest. Hahahaha. Pasimuno 'to ni Ciel, eh parang masaya, ayun, pumayag ako. :D


Eto mga pics c/o my ever loving love. :D




isa akong butterfly, green na butterfly. hindi asawa ni incredible hulk. di naman nagiging green ang mahal ko eh. Hahahaha.



o diba?bongga ang mga painters ko. :D thank you sa pagpinta.

ang saya ng pintahan kahit di kami nanalo dahil sa mga echuserong bakla. puro lalaki ang pinapanalo. Hahahaha.

wala lang, sabi ni Be gumanyan daw ako eh. :D



ung number 3 dapat nanalo 'yun eh. kaso dahil nga bakla ang judges, hindi umubra.

'yan ang prof namin. si sir. Hehehe. nakakatuwa yan si sir. :D


tapos alam niyo ba, sinabihan daw ako nung baklang judge na echusera. grabe, pasalamat siya di ko narinig 'yun. inggiterang ambisyosa. di kasi siya magiging babae ever. hahahaha >:) anyway, wala naman talaga siyang K kasi estudyante lang din siya. bakla.

But to end this, ayoko naman maging tungkol kay bakla ang tapos nito...nakapag-produce kami ng isang magandang pic. :D eto o:


maganda kasi kasama ko 'yung mga kaibigan ko. Hahahaha. Ang cheesy. :D

At para sa mga pakwans *ehem*pags,gf*ehem* na pinagtatawanan 'yung gawa namin, oh well, sana nandito pa rin kayo. magiging mas masaya siguro 'yung body painting. :)

Thursday, September 10, 2009

HSP

I have just wondered a few minutes ago about why I easily cry. It just, you know, flow against my will. Hahahaha. I am also irritated easily. I am moody. Sensitive deep down to the bones.


And surprise! I have found an interesting topic. Some psychology stuff. It is about Highly Sensitive Persons or HSPs. And yes, I have taken the results. Guess what? I am a Highly Sensitive Person. Not a surprise for me really.


A HSP is someone who, according to Dr. Elaine Aron:

* is easily overwhelmed by such things as bright lights, strong smells, coarse fabrics, or sirens nearby.
* gets rattled when you have a lot to do in a short amount of time.
* makes a point of avoiding violent movies and TV shows.
* needs to withdraw during busy days, into bed or a darkened room or some other place where you can have privacy and relief from the situation.
* makes it a high priority to arrange your life to avoid upsetting or overwhelming situations.
* notices or enjoys delicate or fine scents, tastes, sounds, or works of art.
* has a rich and complex inner life.
* is called by her parents or teachers as shy.

To assess yourself, go to this link: Self-Test

-------



The truly creative mind in any field is no more than this: A human creature born abnormally, inhumanely sensitive.

To them... a touch is a blow, a sound is a noise, a misfortune is a tragedy, a joy is an ecstasy, a friend is a lover, a lover is a god, and failure is death.

Add to this cruelly delicate organism the overpowering necessity to create, create, create -- so that without the creating of music or poetry or books or buildings or something of meaning, their very breath is cut off...

They must create, must pour out creation. By some strange, unknown, inward urgency they are not really alive unless they are creating.



Pearl Buck [1892-1973] Her novel The Good Earth (1931) won a Pulitzer Prize, and in 1938 she won the Nobel Prize in literature.


-------



I am probably one of them. So please, please bear with me.

Monday, September 7, 2009

Sad.

I hate missing persons. Pareho nga kami talaga ni GF. Mas gugustuhin ko talagang lumayo na lang kaysa naman makita 'yung tao na 'yun for just a few minutes, maybe an hour.


Who would have thought that I would ask him not to text and see me for sometime. Wow, Charlene. Ang ganda mo! Ang ganda-ganda mo talaga.


But I can't help it.


Siguro akala ng iba lagi kaming magkasama. Pero hindi eh. We only see each other three times a week. Maximum of one hour each meeting. A total of three hours per week. Galing ko mag-compute noh? Hahahaha. Madadagdagan lang 'yan if I do something stupid which makes Josette angry. Hahahaha.


And I am not contented with that. Sinabi ko naman sa kanya, ewan ko lang kung magulo talaga ako kausap at hindi niya naintindihan.


Feeling ko neglected ako.


Demanding ako, inaamin ko. Demanding ako. At selosa. Minsan gusto ko, ako lang, wala ng iba. Ako lang iintindihin mo. Wala ng iba.


And then, I would feel alone. Sana nandito si GF. At least si GF, nandiyan ng tipong mga madaling araw. 'Yung umaabot ng mga alas tres hanggang sa antukin ako at makatulog. Kasi hindi ako makatulog lalo na kapag may bumabagabag sa utak ko eh. Bumabagabag. Hahahaha.


Tintry ko din namang umintindi eh. Haaay...kulang pa ba 'yun? Masyado bang makitid ang utak ko?


(At speaking of, here comes my GF to the rescue! Thank God. Hindi pa rin ako pinagkaitan. Hahahaha.)

Friday, September 4, 2009

The Law of Attraction

Diniscuss na naman ng Prof namin sa Management, which is our one and only interesting professor this semester, 'yung Law of Attraction.

Una kong narinig 'yung Law of Attraction kay Nicole Eala last year, Foundation Week ng UE.

The Law of Attraction states that you attract what you truly wanted.

Parang 'yung explanation din ni Paulo Coelho sa The Alchemist, 'When you want something, all the universe conspires in helping you achieve it.'

Naisip ko nga kahapon, siguro kaya ko na-attract si Glenn kasi gusto ko talaga siya. Hahahahaha. At least, effective. Hahahaha. Ayan, witness ang buong Pakwans na totoo ang Law of Attraction. Hahahaha.

At kita mo naman, siya gustong-gusto niya ng DSLR, ayan may 'baby' na siya ngayon. Hahahaha.

But, anyway, kung gusto niyo ng pag-ibig/lalaki *ehem*Jhen&Gerby*ehem* (pa-borrow. ^^), i-attract niyo. Huwag na kayo mahiya. Hahahaha.

Dadating din 'yan...pero hindi natin alam kung kailan. Patience is really a virtue. (At konti lang ang meron ako niyan. Hahahaha.)

At kung gusto niyo ng gwapong lalaki *ehem*Pags*ehem*, huwag kang mag-alala kung ang lumalapit sa'yo ngayon eh mga manyak. Hahahaha. Malay mo, Mr. Gwapings is just lurking around the corner. (Snatcher?!) Hahahaha.

Mangyayari kung anumang gugustuhin mo.

Ako...

Gusto ko lang naman talaga eh ang taong magmamahal sa akin ng tapat at buong puso.

Hahahahahahaha.

Echos! :)

Hindi naman ako materialistic na tao. Pero gusto kong nagpapalibre. Hahahaha.

Gusto ko nang grumaduate.

Gusto kong patalsikin 'yung leader namin sa Speech na sobrang echusera, hindi nakakatuwa.

Gusto kong yumaman. Sino bang may ayaw.

Gusto kong maging mabuting tao at anak(?). Hahahahaha. Pero feeling ko naman, mabait naman ako eh.

Gaya ng mga nilalaro ko sa Facebook, gusto ko nang mag-level up.

Gusto kong makasama ang Pakwans.

Gusto ko si Glenn. :P

Sunday, August 9, 2009

Remember.

Sometimes, you think of how things were--what you did and what you felt. Sometimes, thoughts come back to you. You pondered on why should it be like this today, how did it came to this. Sometimes, you miss people--those who you usually saw, but not anymore.


People, situations, environment, you may not notice it, but day by day, they change. Yes, they are constantly changing. And you may never notice it until one day, you wonder why you are there.


There are things/people/events you want to run away from and things/people/events you would like to have to embrace once again--from the past.


But you know, it could never happen again. What is left with you is sparkling present. Nourish it. Make even more exciting encounters. Less mistakes. Be ready for a bigger problem. Because, day by day, you yourself is changing.

Monday, June 15, 2009

Peste ang emo.

I was with Ciel, Gerby and Robert. I was having fun with Robert and I was laughing like crazy. We were about to go somewhere, so Robert asked us to go. Gerby went in to Robert's car. I went with Ciel and her motorcycle. I was still laughing then.


Then I awoke. It was a silly dream. And the blood in my right arm had stopped circulating. It hurt.


2 text messages.

Pakwans. (from Nyx) Busy.
Glenn. Busy.


I felt a surging pain of longing to be with these people. I wanted to go back there, but I can't. I have been there before, definitely I can do it again. I felt alone. I felt everybody had forgotten me and went on with their lives. (EMO?! Hahahahaha.) But that's how I felt after waking up with my right arm hurting and reading those text messages.


I miss those days. It would have been perfect. But I guess, you can never have everything in life; the reason why there are choices and you have to choose only one.

Monday, May 25, 2009

You're Lucky!

Today started not really fine, but it was okay. I woke up late. So definitely I was late in meeting my cousin. In the first place, I shouldn't have gone with her but since I am good, I did. After that, I met with Gerby and Ciel. We were going to enroll as transferees to another University. We had a difficulty in choosing our subjects. Majors are not open so we had to choose minors. And what really surprised me was the down payment for the tuition fee. I thought wrong. Hahaha. Kulang pala 'yung dala ko. Tsk. Thank goodness, Gerby was just there. Hihihi. Thank you! =) Buti na lang kasama ko pa rin kayo ni Ciel. Kahit ayaw niyo sa akin, guguluhin ko pa rin kayo. Hahahaha.


Ang feeling ko kaya kanina parang nadagdagan na naman ang problema ko. At ang bilis nag-pile up ah. Pero mabilis din na-solve. Mabuti na lang. At nafi-feel kong...dahil sa araw na 'to, something promising will happen in the future.


Despite the misfortunes earlier this day, I can't still believe how lucky I am. Everything really has a purpose.=)

Saturday, May 23, 2009

Let's Get It On!

Ayan. Sa wakas. Pwede na ko mag-enroll sa JRU. Hahahaha. Ang dami pang chinorva bago ako payagang makapag-BSA. Pero mabuti pinayagan ako. Gusto ko nang maging accountant. Gusto ko nang maka-graduate. Hehehe. Approximate of two years pa. Pero kakayanin ko naman siguro 'to. Hehe.


MAGPAKAKASIPAG NA ULIT AKO. PROMISE.


Hehehe. Pasensya in-all caps ko na para may conviction diba? Hahaha.


Good luck Pakwans. Let's enjoy! Hahahaha.

Friday, May 15, 2009

God Bless You.

Ang chorva ng Google kagabi. Hindi tuloy ako nakapag-post. Echusero.


But anyway, naipasa ko na 'yung mga dapat ipasa ko sa UE. Hinihintay ko na lang na i-release ang mga documents. Ang problema nga lang eh, after 15 working days ko pa makukuha. Eh kumusta naman di'ba? Pasukan na sa JRU noon eh. Chorvacious. Good luck na lang sa akin pati kina Gerby at Ciel at sa lahat ng Pakwans. Good luck. God bless you.

Wednesday, May 13, 2009

Miss, Miss...Pwede Magpakilala?

Ayan na naman. Nag-log in na naman ako dito sa blogger tapos wala na naman akong mai-type. Hahahaha. Badtrip. Hahahaha.


As much na gusto ko makasama araw-araw lahat ng mga taong valuable sa akin, hindi ko magawa. Kung pwede lang dumami si Charlene Lyra eh, bibigyan niya lahat ng mga taong gusto niya ng tig-i-isang clone niya. Hahahahaha. Kaso baka ayawan niyo 'yun. Magulo, makulit, sumpungin. Mamumulubi pa kayo. Hahahahaha.


We can't really stop changes, we have to let ourselves grow. Sang-ayon ako kay Pags. Pero isa lang ang wish ko. I hope we can grow together. I hope we can change together. (Ay dalawa na pala 'yun kaagad. Hahahaha.)


Lalo na sa'yo Love. I hope we can grow together. I hope we can change together. For the better syempre. Madalas man akong topakin, hayaan mo na lang. Hahahaha. 'Wag mo na lang 'yun pansinin(kung kaya mo.=)). Eto seryoso na talaga 'to. Nasasanay na talaga ko sa'yo. Madalas man kitang biruin, joke lang 'yun. Hehehe. Basta sabihin mo lang sa akin kung nagsasawa ka na. Nakakatakot pero ayos lang. Kakayanin ko, ikaw naman 'yun eh. Hihihi.


Hindi ko alam kung bakit, pero nami-miss na naman kita. Haaay. Nami-miss ko rin kayo. Alam niyo naman siguro kung sino ang 'kita' at 'kayo' diba? Hehehe.


AT, AT, AT. Ang dami kong gustong sabihin talaga pero hindi ko masabi. Halo-halo na sila. Dami ko na naman kasing iniisip eh.


Basta Love, alam mo na 'yun. Hihihi. Pakwans, alam niyo ba? Hahahaha.


Ang gulo ko na-feel niyo?


Pati sarili kong blog ginugulo ko. Badtrip kasi 'yung Globe eh. Kinain na naman 'yung load kong pang-unli. Badtrip. Hindi tuloy ako maka-text.


Love, nami-miss na kita. Parang kanina lang magkasama tayo...ngayon hindi na. Hahahahaha. Malamang. Hahahaha.


Pakwans, uy! Wala lang. Hehehe. Mas nami-miss ko si Love kesa sa inyo. Hahahahahaha. Pero miss ko na din kayo. Hihihi.


ANG LAAAAAAAAAAAAAAYOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO NG JRU SA LEPANTO!!!!!!!!! (Hahahahaha. Para joint na, isang sabihan. Hahahahaha.)

Friday, May 8, 2009

A Time For Everything

There is a time for everything,
and a season for every activity under heaven:

a time to be born and a time to die,
a time to plant and a time to uproot,

a time to kill and a time to heal,
a time to tear down and a time to build,

a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance,

a time to scatter stones and a time to gather them,
a time to embrace and a time to refrain,

a time to search and a time to give up,
a time to keep and a time to throw away,

a time to tear and a time to mend,
a time to be silent and a time to speak,

a time to love and a time to hate,
a time for war and a time for peace.



Ecclesiastes 3:1-8



"The secret to peace with God is to discover, accept and appreciate God's perfect timing."



-------



Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to sa totoo lang. Bigla na lang kasi 'tong pumasok sa utak ko kaya eto, shine-share ko sa inyo 'yang Bible verse na 'yan. Mukha lang naman akong hindi nagbabasa ng Bible pero nagbabasa naman ako kahit papaano, kahit marami akong kasalanan, alam ko.


Pero tama there is a time for everything. Ngayon ko lang ulit naalala eh. Muntik ko na makalimutan. Naalala ko gumawa pa ko ng artwork kuno para sa Humanities subject ko(which feels like years ago) na eto 'yung ginamit kong theme eh. Ang title 'Its Own Time'. Pinicture-an pa nga ni Josette 'yun eh. Kaso madalian ko ginawa 'yun kaya medyo corny siya. Hahahaha.


A time for everything. Marami akong naalala sa phrase na 'yan. 'Yung mga time na nag-build ako at sinira ko rin. Kung anu-ano 'yun? Marami eh. Never mind na lang. Hahahaha. Joke. Tulad ng pag-aaral ko...maayos kaya ang pag-aaral ko dati. As in. Masaya naman. Nae-enjoy ko. Pero dumating 'yung time na nagsawa ako sa routine ko. Parang hindi na kinaya ng sistema ko. Masasabi ko rin namang oo, sinadya ko 'yung mga nangyari. Hinayaan kong mawala 'yun. Bumitiw(o bumitaw ba?) ako. Bakit? Siguro habang binabasa niyo 'to 'yun ang iniisip niyo. Kung hindi, e di fine, hindi. Pero sasabihin ko pa rin.


Gusto ko kasi ng bago sa buhay ko. Simple. Parang nalugmok na kasi ako noon sa self-doubt. Nawalan na rin ako ng confidence sa sarili ko. At paano ka naman makakabuo ng bago kung hindi mo sisirain diba? Tama naman diba? Gusto ko lang ibalik 'yung sarili ko...para kasing nawawala.


At ngayon, nagsisimula na ulit akong buuin 'yung sarili ko at kung anu-ano pa, pero syempre hindi baby. Hahahaha. This time, ayoko nang sirain ulit. Mahirap pala kapag nag-uumpisa ulit.


"The first step you take is the longest stride."

Sunday, May 3, 2009

If Today Was Your Last Day

I heard this song from Nickelback, If Today Was Your Last Day.


I have always thought of what if I will not be here tomorrow and today was my last day. Maybe this is also the reason why I want to be happy every minute of my life. Every second that passes will not come back. Every chance you let pass might not come back again. You might not be able to say everything you want to say. You might not be able to do things that you really want to do thinking that there is still time for that tomorrow. When is the time if not today? Would you still do the things you do today?


Time, as the song says, is never really on our side. As I have always said, there is really no past nor future, only the present. The past cannot come back. However, it should be buried deep in our hearts for they will guide us today. The future is uncertain. No matter how many plans you make, you will not know where He will lead you.


When a professor once said that in Philosophy, there is really no past nor future, I was confused, but now, I understand what he meant.

Wednesday, April 29, 2009

Isang Post

At dahil natawa ako sa tag ni Sayra Love...at may naisip ako...at parang trip ko magsulat...heto ang isang post:



There are questions before that are still bugging my mind today. And I don't know why. Or may be I know why, but I still don't get it.


How can we easily 'divert' our love from one person to another? How can we say 'I love you' to this person today and to another person tomorrow without hesitation? How can we easily forget the person we said we loved within a matter of few months? How can we do that?


Were we too hurt? Or are we just being smart? Isn't love supposed to be forever? Or is it just our imagination? Is love just an illusion as most cynics say? But why do we say we love someone if that is not love?


Is loving a person enough? I think so. Some would not agree but loving a person has with it the capability to forgive, to share, to be faithful, to be grateful, to be kind, to persevere, to learn, to inspire...actually, almost everything we do when we love is good.


So why do we love? I think may be we have got to much love deep in our hearts that we want to share it with another. But how do we know if it is love? I don't really know. If we love, so be it.


But why most of us say that love hurts? I heard from a song that 'love hurts, but sometimes, it is a good hurt". So how do we know if it is a 'good' hurt? I have also read that, 'Love does not hurt. The absence of it is what really hurts us.' And maybe, I believe what I have read.


Do we need to say we love them? I think so. But it is better yet if we do. However, I will still say it. I love you.


Now why am I talking about this? Am I in love? Should I say yes or no? Hahahaha. I guess it will be safer to say that I am thinking of getting an assignment again. This time, it is about dating and relationships. But I don't really know. Good luck!=)

Monday, April 27, 2009

Nasasanay

Parang nasasanay na akong magpunta ng Makati. Hahahaha. Nasasanay na rin ako mag-bus. Nasasanay na rin akong mag-type ng mga ka-chorvahan. Nasasanay na ko sa boring na opisina.


Kahit na alam ko namang temporary lang 'yun, medyo nasasanay na ko. Ang tawag nga sa amin doon eh 'temporary staff'.


Buti na lang hindi ko masyadong gusto doon. Hahahaha.


Ayokong masanay sa mga bagay/taong gusto ko. Paano kapag nawala na 'yung trabahong 'yan, anong gagawin ko di'ba? Malamang wala. Hahanap na lang ng iba. Ayokong nakaka-miss. Bad trip 'yun. Kaya hanggang mas maaga, okay na 'yung ganito.


Hindi ba?

Tuesday, April 21, 2009

Thank You

Sa wakas, natapos ko rin ang chorvang articles na 'yun. Nahirapan lang ako kasi bulk. Medyo sumakit lang ang ulo ko kasi five topics tapos 400 words per topic na kailangang ipasa within 24 hours. Nagpa-grace credit pa tuloy ako. (FYI: Grace credit is an extension of 24 hours before submission.) Napuyat kasi ako kakahintay eh. Hahaha. Peace.=)


At 'yan naipasa ko na siya. Hindi ko lang alam kung marereject siya o ipapa-revise pa ulit. Kakalerkay. Mabuti sana kung tungkol sa buhay ko 'yung sinusulat ko eh. Kahit 1000 words pa 'yan, ayos lang. Hahaha.


Gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng nag-congratulate sa akin. Buti masaya rin kayo. Gusto ko masaya kayo palagi.=) At super thank you sa nagsasabi sa akin na kumain ako ng madami palagi. Hahahaha. Thank you. Ayoko nang mag-drama pa. Basta alam mo na 'yun.


Salamat sa mga kaibigan ko. I love you all. Hehe.


Hindi ko alam kung bakit ako nagpapasalamat ngayon pero gusto ko lang talaga magpasalamat. Thank you. Salamat. Xie xie. Danke. Arigato. Kamsahamnida. Gratias. Merci beaucoup.


Most of all, thank You, Lord.


Basta...thank you.=)

Wednesday, April 15, 2009

Trying to Control the Soul (from Paulo Coelho's blog)

We often think we can control love. And then we catch ourselves asking the completely useless question: “is it really worth it?”

Love does not bother itself with that question. Love refuses to be priced like some piece of merchandise. One of the characters in Bertold Brecht’s play “The Good Person of Szechuan” tells us about true love:

“I want to be next to the one I love.
I don’t care what this will cost me.
I don’t care whether this will do my life good or bad.
I don’t care whether this person loves me or not.
All I want, all I need is to be close to the one I love.”



-------



Okay. Fine. I love you, too.

Italiano

May nanliligaw sa pinsan kong loka-loka na Italiano. Nakita daw siya noon sa may City Hall sa Makati noong minsang sinamahan niya 'yung isa niyang kaibigan. Hinabol pa raw siya noon eh. Well, hindi naman ako magtataka, maganda rin naman ang pinsan ko at matangkad pa. Binigyan nga daw siya noon ng Php 1500 eh. Ang kaso around 30's na siya. Ang sabi ko nga sa pinsan ko sabihin kay Italiano na magsama siya ng kaibigan pang isa para ipakilala naman ako doon. Malay niyo bigyan din ako ng Php 1500, e di ililibre ko kayo. Hahahahaha.

Tuesday, April 7, 2009

Good Luck!=)

At dahil ang araw na ito ay espesyal...hahahahahaha=) Magpo-post ako!=)


Unang-una sa lahat, I thank the Lord for giving me another year--a new chance to live my life. I thank Him for all the blessings He has given me. Lord, thank You. I love you, you know that. Hahahaha=))


Pangalawa, gusto kong pasalamatan ang mga magulang ko. Kahit matigas ang ulo ng anak niyo at alam niyo 'yan, napapagtimpian niyo pa rin ako at hindi pinapalayas. Hahahaha. Hindi ko nga lang alam kung mababasa niyo 'to, pero salamat. Mahal ko kayo, alam niyo 'yan. Hihihi.=)


Pangatlo, sa mga kapatid ko, salamat. Wooohooo. Lupit niyo mga tsong. Hahahaha. Salamat sa pagsakay sa mga kalokohan ko at kahit na sinabi niyo na, "Dahil birthday mo, dapat magsakripisyo ka...pa-pako! pa-pako! pa-pako!", ayos lang. Hahahahaha. Hindi na kailangang sabihin pa pero sasabihin ko pa rin, mahal ko kayo. Hahahaha.=)


Pang-apat, well, sino pa nga ba, ang mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta sa akin at nagtitiwala. Hahahaha. I love you people. Alam na alam niyo 'yan. Natats ako sa mga pinagpo-post niyo sa blog niyo. Hahahaha.


Kay Sayra Love, hindi ako makapag-tag sa tagboard mo kaya dito na lang ha...=) Salamat sa'yo kasi kahit ayaw mo mag-net, nag-net ka pa rin. Salamat din at nagsstay ka sa UE kapag wala akong kasama--ang resulta, date sa TYK Garden at sa Lepanto. Hahahaha. Salamat Sayra Love. 'Yung mga quotes na 'yan...buti na-inspire ka. Hahahaha. God bless din at may you be happy too. I love you too.=)


Kay Ciel...natawa talaga ako sa post mo..in fairness, wow, kilala mo na rin pala ako. Hahahahaha. Well, alam mo namang the best form of escape ang pagtulog eh. Hahahaha. At salamat sa walang dungis na post mo para sa akin. Salamat Ciel. Good luck and God bless sa lahat ng pinagkakaabalahan mo ngayon. Magiging masaya ka rin, promise. Mahal ka din namin, alam mo 'yan.=)


Kay Jammy a.k.a. Pags, salamat sa pagbati ng maraming kadramahan without my effing pic. Hahahaha. Na-appreciate ko 'yang pic ni Jayjay, in fairness. Hahahaha. Try kong maging maayos. Hahahaha. Promise!=) At alam mo namang wala pang kung sino man eh, Jayjay na talaga ko. Wala nang makakapagbago niyan. Salamat sa pag-ayos ng layout ko sa FS. At bakit ba ayaw mong maging madre ako? Ayaw mo noon, may mabait kang kaibigan? Hahahahaha. Sorry kung naistorbo ko kayo sa pictorial niyo noon ni Sayra Love ah. Hahahaha. At don't worry, tatawa at tatawa pa rin ako sa mga green jokes mo. Hahahahaha. I love you too, Pags. Sana matupad mo rin 'yung mga dreams mo. Be happy.=)


Kay Geo, wow...medyo close na rin pala tayo noh? Salamat sa post! Na-appreciate ko 'yan saka sa lahat ng mga payo at pakikinig sa mga kachorvahan ko. Salamat. At walang anuman 'yung sa shirt. Sakto lang 'yun. At ang epal ng pic mo sa blog mo ah. Hahahaha=) Salamat!=)


Kay Jhen na muntik nang hindi ako magawan ng post dahil nagloko ang internet, salamat! Mabuti pinagbigyan ako ng tadhana. Ay sure hindi na ko magpapadalos-dalos sa kachorvahan. Salamat Jhen. Be happy.=)


Kay Nyx, salamat sa pag-post ng picture ni Jayjay. Hihihi.=) Alam mong gusto ko 'yan. Hahahaha. Salamat sa pagsuporta ha. At lovelife? Sakto lang naman. Hahahaha. At tama ka! Kahit na wala tayong masyadong alam sa isa't isa, we'll always be friends, basta be good din always. Hahahaha. Salamat sa Power Hug. Hahahaha. I'll give you one too.=)


Kay Josette, salamat sa tiwala. Salamat sa pagtitiis sa kalokohan, ka-praningan, at kachorvahan ko sa buhay for five years. Wow, Panget! Five years 'yun! Lupet mo! Hahahaha. Salamat at hindi ka nagsasawa sa akin.=) At don't worry...sa tingin mo ba hindi kita kilala? Alam kong madaldal ka pero I still trust you haller?! Kaya nga lagi ko pa rin sinasabi sa'yo lahat eh. Ikaw lang naman eh...hahahahaha.=) Good luck din and God bless.


Sila ang mga nag-post para sa akin sa mga blogs nila. THANK YOU PIPS!=)


Ngayon naman...salamat kay Bebe ko a.k.a. Gerby. Salamat Be, sa lahat, sa panlilibre sa akin palagi, sa pagkunsinti mo sa mga kalokohan ko. Hahahaha. Salamat din sa pakikinig sa lahat ng mga chorva ko sa buhay. Alam mo 'yan, Be. I love you. Five years na rin tayo noh?hihihi=) Sana hindi ka rin magsawa sa akin.=) God bless. Good luck sa lahat. Alam kong kaya mo 'yan. Andito lang ako lagi para batukan ka kapag nachochorva ka na sa buhay mo. Hahahaha.


Kay GF a.k.a. Joanna, salamat GF! Akala ko hindi mo na ko babatiin eh. Muntik na talaga akong umiyak. Hehehe. I love you too GF. Salamat sa pakikinig sa lahat ng mga kachorvahan ko sa buhay. At alam kong hindi ka magsasawa sa akin dahil sinabi mo 'yun. Kapag nagsawa ka...iiyak na lang ako forever sige ka...hahahahaha=)) Be happy GF. God bless. Kaya mo 'yan. Good luck sa buhay mo. Maayos naman lahat ng problema eh. At tatandaan ko 'yang mga sinabi mo. Salamat GF. Nami-miss na talaga kita. At tama ka, hindi mahalaga kung sino ang nauna, ang mahalaga kung sino ang huli at wala nang kasunod pa.=) Salamat GF. I love you. Kilalang-kilala na ko ni GF. Hahahaha. For more info, basahin niyo blog niya sa multiply.=) At ang galing may ginawa siyang picture para sa akin..hihihi=) Thank you.=)


Kay Partner, salamat ah!=) Nag-effort ka pa talagang pumunta dito kahit na nabigla ka. Hahahaha. Sorry naman.=) Salamat sa flowers. At wow, galing mong mamili ng kulay. I like white flowers. Hahahaha. Thank you.=) Gusto sana kitang sabihan ng I love you kaso baka iba isipin ng mga kaibigan ko eh. Hahahahaha. Joke. I love you Partner.=) Salamat. God bless and good luck sa lahat.=)


Kay Ian, salamat din ng maraming-marami, masaya talaga ko kasi grumaduate ka na. Ang galing. Good luck sa next chapter ng buhay mo. Kaya mo 'yan.=)


Kay Kisel na nakitext pa para batiin ako, salamat ah. Ipauna mo na 'yung sobre...saka mo na isunod 'yung pera. Hahahaha.


Kay Mama Rosa, hoy Ma, salamat ah..behave ka sa La Union. Remember, holy week. Hahahaha.


Sino pa ba? Marami pang bumati eh. Kaso hindi naman nila mababasa 'to eh. But anyway, to those people, I'll pray for you. Salamat. Good luck and God bless.


I'll pray for you all.=)


Be happy people because you made me happy today.=) Sana samahan niyo pa ulit ako sa isa pang taon ng buhay ko.=) Wag kayong magsasawa...ako lang dapat! Hahahaha=) Joke. Adik na yata ako sa inyo eh. Hahahaha=))


Saka na ko babawi sa inyo kapag may sarili na kong pera. Hahahaha=))


At lastly, binabati ko ang sarili ko ng congratulations! Wow, may natapos ka na namang year. At alam ko, nahirapan ka. Aminin mo 'yan. Mabuti na lang, hindi ka Niya pinabayaan. Salamat, Charlene Lyra. Good luck sa isang taong pagsasama pa natin. God bless. Pahalagahan mo lahat ng mga taong nagmamahal sa'yo.=)

Monday, April 6, 2009

Just Another Post

Since ang daming excited yata sa post ko...heto gagawa ako para sa inyo.=)


.


.


.


.


.


.


.


Ang kaso wala naman akong ipo-post eh. Hahahaha. Hindi ko nga alam kung bakit kayo excited na mag-post ako eh.


Hmmmm...para sa mga chismosa(pero feeling ko alam niyo na eh), yeah, kasama ko si Partner kahapon. Nakita ko din si Panget at Ate Jesa. Nakita ko din si Paolo(sorry kung mali spelling), pero parang na-shock siya noong nakita niya ko. Hahahaha.


-------



Kakatapos ko lang maglaba. Sabi ko sa Nanay ko, "Ang sakit na naman ng kamay ko."


In fairness, mahapdi siya talaga. Hehe.


Sabi ng Nanay ko, "Ayan...magsanay ka na kasi para sa susunod hindi na masakit."


Hahahaha. Tinawanan ko lang siya. Sana sipagin ako. Good luck. Hahahaha.

Friday, April 3, 2009

Anakngtokwa!

Anakngtokwa! Hahahahahahaha. Ang ligalig ng mga tao ngayon ah. Hahahaha. Pero in fairness, buti masaya kayo ah. At lahat kayo kinikilig. Well, good luck talaga sa inyo. Hahahaha.


Parang lahat na lang 'yun ang tanong sa akin. Mga P*****s**t. Hahahaha. Nakatanggap pa ko ng sunud-sunod na mura mula kay Pags. Wala naman kaya akong ginagawang masama. Hahahaha.


Basta 'yun lang...good luck. Hindi tuloy ako makapag-post ng maayos. Hahahaha.