Friday, May 8, 2009

A Time For Everything

There is a time for everything,
and a season for every activity under heaven:

a time to be born and a time to die,
a time to plant and a time to uproot,

a time to kill and a time to heal,
a time to tear down and a time to build,

a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance,

a time to scatter stones and a time to gather them,
a time to embrace and a time to refrain,

a time to search and a time to give up,
a time to keep and a time to throw away,

a time to tear and a time to mend,
a time to be silent and a time to speak,

a time to love and a time to hate,
a time for war and a time for peace.



Ecclesiastes 3:1-8



"The secret to peace with God is to discover, accept and appreciate God's perfect timing."



-------



Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to sa totoo lang. Bigla na lang kasi 'tong pumasok sa utak ko kaya eto, shine-share ko sa inyo 'yang Bible verse na 'yan. Mukha lang naman akong hindi nagbabasa ng Bible pero nagbabasa naman ako kahit papaano, kahit marami akong kasalanan, alam ko.


Pero tama there is a time for everything. Ngayon ko lang ulit naalala eh. Muntik ko na makalimutan. Naalala ko gumawa pa ko ng artwork kuno para sa Humanities subject ko(which feels like years ago) na eto 'yung ginamit kong theme eh. Ang title 'Its Own Time'. Pinicture-an pa nga ni Josette 'yun eh. Kaso madalian ko ginawa 'yun kaya medyo corny siya. Hahahaha.


A time for everything. Marami akong naalala sa phrase na 'yan. 'Yung mga time na nag-build ako at sinira ko rin. Kung anu-ano 'yun? Marami eh. Never mind na lang. Hahahaha. Joke. Tulad ng pag-aaral ko...maayos kaya ang pag-aaral ko dati. As in. Masaya naman. Nae-enjoy ko. Pero dumating 'yung time na nagsawa ako sa routine ko. Parang hindi na kinaya ng sistema ko. Masasabi ko rin namang oo, sinadya ko 'yung mga nangyari. Hinayaan kong mawala 'yun. Bumitiw(o bumitaw ba?) ako. Bakit? Siguro habang binabasa niyo 'to 'yun ang iniisip niyo. Kung hindi, e di fine, hindi. Pero sasabihin ko pa rin.


Gusto ko kasi ng bago sa buhay ko. Simple. Parang nalugmok na kasi ako noon sa self-doubt. Nawalan na rin ako ng confidence sa sarili ko. At paano ka naman makakabuo ng bago kung hindi mo sisirain diba? Tama naman diba? Gusto ko lang ibalik 'yung sarili ko...para kasing nawawala.


At ngayon, nagsisimula na ulit akong buuin 'yung sarili ko at kung anu-ano pa, pero syempre hindi baby. Hahahaha. This time, ayoko nang sirain ulit. Mahirap pala kapag nag-uumpisa ulit.


"The first step you take is the longest stride."

No comments: