Showing posts with label religion. Show all posts
Showing posts with label religion. Show all posts

Friday, May 8, 2009

A Time For Everything

There is a time for everything,
and a season for every activity under heaven:

a time to be born and a time to die,
a time to plant and a time to uproot,

a time to kill and a time to heal,
a time to tear down and a time to build,

a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance,

a time to scatter stones and a time to gather them,
a time to embrace and a time to refrain,

a time to search and a time to give up,
a time to keep and a time to throw away,

a time to tear and a time to mend,
a time to be silent and a time to speak,

a time to love and a time to hate,
a time for war and a time for peace.



Ecclesiastes 3:1-8



"The secret to peace with God is to discover, accept and appreciate God's perfect timing."



-------



Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to sa totoo lang. Bigla na lang kasi 'tong pumasok sa utak ko kaya eto, shine-share ko sa inyo 'yang Bible verse na 'yan. Mukha lang naman akong hindi nagbabasa ng Bible pero nagbabasa naman ako kahit papaano, kahit marami akong kasalanan, alam ko.


Pero tama there is a time for everything. Ngayon ko lang ulit naalala eh. Muntik ko na makalimutan. Naalala ko gumawa pa ko ng artwork kuno para sa Humanities subject ko(which feels like years ago) na eto 'yung ginamit kong theme eh. Ang title 'Its Own Time'. Pinicture-an pa nga ni Josette 'yun eh. Kaso madalian ko ginawa 'yun kaya medyo corny siya. Hahahaha.


A time for everything. Marami akong naalala sa phrase na 'yan. 'Yung mga time na nag-build ako at sinira ko rin. Kung anu-ano 'yun? Marami eh. Never mind na lang. Hahahaha. Joke. Tulad ng pag-aaral ko...maayos kaya ang pag-aaral ko dati. As in. Masaya naman. Nae-enjoy ko. Pero dumating 'yung time na nagsawa ako sa routine ko. Parang hindi na kinaya ng sistema ko. Masasabi ko rin namang oo, sinadya ko 'yung mga nangyari. Hinayaan kong mawala 'yun. Bumitiw(o bumitaw ba?) ako. Bakit? Siguro habang binabasa niyo 'to 'yun ang iniisip niyo. Kung hindi, e di fine, hindi. Pero sasabihin ko pa rin.


Gusto ko kasi ng bago sa buhay ko. Simple. Parang nalugmok na kasi ako noon sa self-doubt. Nawalan na rin ako ng confidence sa sarili ko. At paano ka naman makakabuo ng bago kung hindi mo sisirain diba? Tama naman diba? Gusto ko lang ibalik 'yung sarili ko...para kasing nawawala.


At ngayon, nagsisimula na ulit akong buuin 'yung sarili ko at kung anu-ano pa, pero syempre hindi baby. Hahahaha. This time, ayoko nang sirain ulit. Mahirap pala kapag nag-uumpisa ulit.


"The first step you take is the longest stride."

Tuesday, April 21, 2009

Thank You

Sa wakas, natapos ko rin ang chorvang articles na 'yun. Nahirapan lang ako kasi bulk. Medyo sumakit lang ang ulo ko kasi five topics tapos 400 words per topic na kailangang ipasa within 24 hours. Nagpa-grace credit pa tuloy ako. (FYI: Grace credit is an extension of 24 hours before submission.) Napuyat kasi ako kakahintay eh. Hahaha. Peace.=)


At 'yan naipasa ko na siya. Hindi ko lang alam kung marereject siya o ipapa-revise pa ulit. Kakalerkay. Mabuti sana kung tungkol sa buhay ko 'yung sinusulat ko eh. Kahit 1000 words pa 'yan, ayos lang. Hahaha.


Gusto ko lang mag-thank you sa lahat ng nag-congratulate sa akin. Buti masaya rin kayo. Gusto ko masaya kayo palagi.=) At super thank you sa nagsasabi sa akin na kumain ako ng madami palagi. Hahahaha. Thank you. Ayoko nang mag-drama pa. Basta alam mo na 'yun.


Salamat sa mga kaibigan ko. I love you all. Hehe.


Hindi ko alam kung bakit ako nagpapasalamat ngayon pero gusto ko lang talaga magpasalamat. Thank you. Salamat. Xie xie. Danke. Arigato. Kamsahamnida. Gratias. Merci beaucoup.


Most of all, thank You, Lord.


Basta...thank you.=)

Tuesday, April 7, 2009

Good Luck!=)

At dahil ang araw na ito ay espesyal...hahahahahaha=) Magpo-post ako!=)


Unang-una sa lahat, I thank the Lord for giving me another year--a new chance to live my life. I thank Him for all the blessings He has given me. Lord, thank You. I love you, you know that. Hahahaha=))


Pangalawa, gusto kong pasalamatan ang mga magulang ko. Kahit matigas ang ulo ng anak niyo at alam niyo 'yan, napapagtimpian niyo pa rin ako at hindi pinapalayas. Hahahaha. Hindi ko nga lang alam kung mababasa niyo 'to, pero salamat. Mahal ko kayo, alam niyo 'yan. Hihihi.=)


Pangatlo, sa mga kapatid ko, salamat. Wooohooo. Lupit niyo mga tsong. Hahahaha. Salamat sa pagsakay sa mga kalokohan ko at kahit na sinabi niyo na, "Dahil birthday mo, dapat magsakripisyo ka...pa-pako! pa-pako! pa-pako!", ayos lang. Hahahahaha. Hindi na kailangang sabihin pa pero sasabihin ko pa rin, mahal ko kayo. Hahahaha.=)


Pang-apat, well, sino pa nga ba, ang mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta sa akin at nagtitiwala. Hahahaha. I love you people. Alam na alam niyo 'yan. Natats ako sa mga pinagpo-post niyo sa blog niyo. Hahahaha.


Kay Sayra Love, hindi ako makapag-tag sa tagboard mo kaya dito na lang ha...=) Salamat sa'yo kasi kahit ayaw mo mag-net, nag-net ka pa rin. Salamat din at nagsstay ka sa UE kapag wala akong kasama--ang resulta, date sa TYK Garden at sa Lepanto. Hahahaha. Salamat Sayra Love. 'Yung mga quotes na 'yan...buti na-inspire ka. Hahahaha. God bless din at may you be happy too. I love you too.=)


Kay Ciel...natawa talaga ako sa post mo..in fairness, wow, kilala mo na rin pala ako. Hahahahaha. Well, alam mo namang the best form of escape ang pagtulog eh. Hahahaha. At salamat sa walang dungis na post mo para sa akin. Salamat Ciel. Good luck and God bless sa lahat ng pinagkakaabalahan mo ngayon. Magiging masaya ka rin, promise. Mahal ka din namin, alam mo 'yan.=)


Kay Jammy a.k.a. Pags, salamat sa pagbati ng maraming kadramahan without my effing pic. Hahahaha. Na-appreciate ko 'yang pic ni Jayjay, in fairness. Hahahaha. Try kong maging maayos. Hahahaha. Promise!=) At alam mo namang wala pang kung sino man eh, Jayjay na talaga ko. Wala nang makakapagbago niyan. Salamat sa pag-ayos ng layout ko sa FS. At bakit ba ayaw mong maging madre ako? Ayaw mo noon, may mabait kang kaibigan? Hahahahaha. Sorry kung naistorbo ko kayo sa pictorial niyo noon ni Sayra Love ah. Hahahaha. At don't worry, tatawa at tatawa pa rin ako sa mga green jokes mo. Hahahahaha. I love you too, Pags. Sana matupad mo rin 'yung mga dreams mo. Be happy.=)


Kay Geo, wow...medyo close na rin pala tayo noh? Salamat sa post! Na-appreciate ko 'yan saka sa lahat ng mga payo at pakikinig sa mga kachorvahan ko. Salamat. At walang anuman 'yung sa shirt. Sakto lang 'yun. At ang epal ng pic mo sa blog mo ah. Hahahaha=) Salamat!=)


Kay Jhen na muntik nang hindi ako magawan ng post dahil nagloko ang internet, salamat! Mabuti pinagbigyan ako ng tadhana. Ay sure hindi na ko magpapadalos-dalos sa kachorvahan. Salamat Jhen. Be happy.=)


Kay Nyx, salamat sa pag-post ng picture ni Jayjay. Hihihi.=) Alam mong gusto ko 'yan. Hahahaha. Salamat sa pagsuporta ha. At lovelife? Sakto lang naman. Hahahaha. At tama ka! Kahit na wala tayong masyadong alam sa isa't isa, we'll always be friends, basta be good din always. Hahahaha. Salamat sa Power Hug. Hahahaha. I'll give you one too.=)


Kay Josette, salamat sa tiwala. Salamat sa pagtitiis sa kalokohan, ka-praningan, at kachorvahan ko sa buhay for five years. Wow, Panget! Five years 'yun! Lupet mo! Hahahaha. Salamat at hindi ka nagsasawa sa akin.=) At don't worry...sa tingin mo ba hindi kita kilala? Alam kong madaldal ka pero I still trust you haller?! Kaya nga lagi ko pa rin sinasabi sa'yo lahat eh. Ikaw lang naman eh...hahahahaha.=) Good luck din and God bless.


Sila ang mga nag-post para sa akin sa mga blogs nila. THANK YOU PIPS!=)


Ngayon naman...salamat kay Bebe ko a.k.a. Gerby. Salamat Be, sa lahat, sa panlilibre sa akin palagi, sa pagkunsinti mo sa mga kalokohan ko. Hahahaha. Salamat din sa pakikinig sa lahat ng mga chorva ko sa buhay. Alam mo 'yan, Be. I love you. Five years na rin tayo noh?hihihi=) Sana hindi ka rin magsawa sa akin.=) God bless. Good luck sa lahat. Alam kong kaya mo 'yan. Andito lang ako lagi para batukan ka kapag nachochorva ka na sa buhay mo. Hahahaha.


Kay GF a.k.a. Joanna, salamat GF! Akala ko hindi mo na ko babatiin eh. Muntik na talaga akong umiyak. Hehehe. I love you too GF. Salamat sa pakikinig sa lahat ng mga kachorvahan ko sa buhay. At alam kong hindi ka magsasawa sa akin dahil sinabi mo 'yun. Kapag nagsawa ka...iiyak na lang ako forever sige ka...hahahahaha=)) Be happy GF. God bless. Kaya mo 'yan. Good luck sa buhay mo. Maayos naman lahat ng problema eh. At tatandaan ko 'yang mga sinabi mo. Salamat GF. Nami-miss na talaga kita. At tama ka, hindi mahalaga kung sino ang nauna, ang mahalaga kung sino ang huli at wala nang kasunod pa.=) Salamat GF. I love you. Kilalang-kilala na ko ni GF. Hahahaha. For more info, basahin niyo blog niya sa multiply.=) At ang galing may ginawa siyang picture para sa akin..hihihi=) Thank you.=)


Kay Partner, salamat ah!=) Nag-effort ka pa talagang pumunta dito kahit na nabigla ka. Hahahaha. Sorry naman.=) Salamat sa flowers. At wow, galing mong mamili ng kulay. I like white flowers. Hahahaha. Thank you.=) Gusto sana kitang sabihan ng I love you kaso baka iba isipin ng mga kaibigan ko eh. Hahahahaha. Joke. I love you Partner.=) Salamat. God bless and good luck sa lahat.=)


Kay Ian, salamat din ng maraming-marami, masaya talaga ko kasi grumaduate ka na. Ang galing. Good luck sa next chapter ng buhay mo. Kaya mo 'yan.=)


Kay Kisel na nakitext pa para batiin ako, salamat ah. Ipauna mo na 'yung sobre...saka mo na isunod 'yung pera. Hahahaha.


Kay Mama Rosa, hoy Ma, salamat ah..behave ka sa La Union. Remember, holy week. Hahahaha.


Sino pa ba? Marami pang bumati eh. Kaso hindi naman nila mababasa 'to eh. But anyway, to those people, I'll pray for you. Salamat. Good luck and God bless.


I'll pray for you all.=)


Be happy people because you made me happy today.=) Sana samahan niyo pa ulit ako sa isa pang taon ng buhay ko.=) Wag kayong magsasawa...ako lang dapat! Hahahaha=) Joke. Adik na yata ako sa inyo eh. Hahahaha=))


Saka na ko babawi sa inyo kapag may sarili na kong pera. Hahahaha=))


At lastly, binabati ko ang sarili ko ng congratulations! Wow, may natapos ka na namang year. At alam ko, nahirapan ka. Aminin mo 'yan. Mabuti na lang, hindi ka Niya pinabayaan. Salamat, Charlene Lyra. Good luck sa isang taong pagsasama pa natin. God bless. Pahalagahan mo lahat ng mga taong nagmamahal sa'yo.=)

Thursday, March 26, 2009

Maligayang Pagtatapos: Ang Simula

March 25. Bandang 11 ng gabi. Nag-text ako kay Mama.


"Ma..andito ko kina Josette..dito muna ko matutulog..okay lang ba?"


Walang reply.


Fast forward. March 26. Mga 12 ng tanghali.


Si Inay, "Galit na galit sa'yo ang ama mo. Ibalot na daw ang damit at doon ka na kina Josette tumira."


No comment ako diyan.


"Alam mo naman na ayaw nun ng natutulog ka sa ibang bahay eh."


No comment ulit ako diyan.


Natulog ako ng mga hanggang 2. Pagkagising ko nasa bahay na si Papa. Narinig ko na nagtatanong about sa akin eh. Sinermunan ako pero hindi na siya masyado. Lumipas na galit eh. Buti na lang graduation ng kapatid ko.


Sumama ako sa PCC. Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon eh. Ang saya bumalik ah. Trip down to memory lane. Hehe. Naalala ko noong grade school ako at wala pang problema sa mundo. Hahahaha.


Marami nang nagbago doon eh. Mga bagong buildings, bagong stage, may aircon na rin bawat room, may elevator na rin na according sa mga kapatid ko eh bawal naman gamitin ng mga estudyante, so good luck sa kanila. Pero it's the same old PCC pa rin naman.


Marami rin akong nakitang mga batchmates ko doon eh. Pati nga si Danica(na taga-UE rin) nakita ko eh. At mukang classmate pa ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Small world. Nakita ko rin si Teresa at 'yung Papa niya, na sabi ko nga sa Nanay ko eh, ka-close ko. Hahaha. Pero close talaga kami noon. Sayang nga lang eh, 'yung classmate/crush ko dati eh wala doon. Batchmate kasi ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Hahaha.


'Yung mga kapatid ko nga eh, si Riza at si Ranel, classmate at seatmate nila ang magkapatid na Benico. O di'ba bongga! Hahahaha. Lagi ko ngang sinasabi, "Akala niyo kayo lang ang may seatmate na Benico?! Ako rin kaya!" Hahahaha.


AT! At nakita ko ulit ang favorite kong classmate/schoolmate/batchmate ng kapatid ko. Si Fidel! Favorite ko talaga 'yung batang 'yun. Ka-service kasi namin siya dati eh tapos lagi siya naka-smile sa akin, lagi pa niya ko kinakausap at tinatawag niya kong 'Ate'. Tuwang-tuwa talaga ko sa batang 'yun. At alam niyo bang Outstanding Club Member siya ng Lifeline(kung anumang club 'yun). Ang galing! May medal siya. Tapos ang tangkad na niya ngayon. Mas matangkad pa sa akin. Actually siya pinunta ko dun eh, hindi 'yung kapatid ko. Hahahaha. Nag-effort pa nga akong pumunta sa harap para makita ko siya up-close eh. Hahaha. Sabi nga ng Nanay ko tingnan ko rin daw 'yung kapatid ko eh, eh hello, araw-araw ko naman nakikita 'yun eh. Hahahaha. Ay may medal din pala kapatid ko. Loyalty medalist. Hahahaha.


At eto pa...kasi nakita ko si Bok(tama ba?) na kapatid ni Glenn at John na ang pangalan ay Glenn John. Sabi na may kamukha 'yung batang 'yun eh! At alam ko na ngayon kung sino! Hehe. Si Fidel! Hahahaha. Pareho sila ng mata.=) At dahil diyan, pwedeng favorite ko na din si Bok? Hehehe.


-------



May natutunan naman ako, habang kumakain, sa mga speakers doon, si Msgr. Gerardo Santos at si Dr. Jesus Estanislao.


Kay Dr. Estanislao natutunan ko ang 3 R's. Reinvent. Kailangan daw i-reinventa ng sarili every five years. Repay. Dapat daw i-repay ang mga magulang natin. Rebuild. Kailangan daw -rebuild natin ang ating nation.


Kay Msgr. Gerry naman, natutunan ko:


"Keep your faith and your faith will keep you."



-------



Naaalala ko tuloy noong grumaduate ako ng high school. Masaya rin noon eh. Ang alam ko medyo hindi kami magkasundo ni Papa noon eh pero noong graduation na at sinabitan namin sila ng sampaguita, naging okay ang lahat. With matching hug pa. I love that moment.=)


Naalala ko din 'yung song na kinakanta namin noong moment na 'yun kasi kinanta din 'yun kanina eh. 'Yung 'Thank You'.


Alam niyo bang hindi ko alam ang Alma Mater ng LICS? Pero 'yung sa PCC halos kabisado ko pa rin.

Thursday, March 19, 2009

Words

"Words have power. They can heal or hurt; build or destroy. Words can make your day depending on how they are spoken. A kind word one says of another casts a deep spell. It's got magic in it."


-by Father Michael F. La Guardia, SDB




People become famous through their words. They leave a mark on someone's heart through their words. A person who keeps his word is a man with dignity. People are measured through their words.


Words sometimes connote different meanings. This is the beginning of misunderstanding and disputes among people. Words can cut like a knife. Words can make two countries enter a war. Likewise, words can destroy a person's universe.


Words can either be a sword or a shield. You can attack or protect depending on how you use them. Words can either hurt or comfort. Words can either make or break.


Words can make a reconciliation, a truce. Love is not love without words.


Some words are better left unsaid, buried deep into silence. Not because they don't matter. Not because you lack the courage to say them. But because you might hurt another. Only fools mock. Say the proper words at the proper time.


Most people today would say harsh comments rather than kind ones. Use your words as a tool of God and you will feel healthy and happy.

Sunday, March 15, 2009

Reading and Writing

Whoa! Kinakabahan ako. Kakapasa ko lang ng sample essay ko. Siguro after a few days malalaman ko na kung tanggap ako o hindi. Nakakakaba. Nakaka-excite. Nag-submit ako ng application form noong Wednesday pa nga. Balak ko dapat ipasa 'yung essay noong Friday kaso due to the departmental exam sa Eco eh hindi ko pa natapos. Kahapon naman, Saturday, 'yung mismong departmental. Uuwi sana ako ng maaga kung hindi lang ako sumama kay Gerby. Pero gusto ko kasi sumama noon. Hahaha. Trip kong mag-gala kahit puyat ako.


At worth it siya noh! Enjoy kasama ang mga kasama ko, si Gerby Bebe Ko at si Sayra Love. Hihihi.=) Nagpa-picture pa kami sa mga sundalo. Nakahawak ako ng baril. Nakasakay sa tangke. Ang lupet. Buti nga pinayagan ako ni Kuya Sundalo na humawak ng baril kasi dapat pala 19 and above lang. Salamat sa kanila. Hahahaha. 'Yung si Kuya Sundalo na tour guide nga namin eh nagbigay pa ng leakage sa "Tayong Dalawa" eh. Hahahaha.


At gaya nga noong nakalagay sa blog ni Sayra Love, ang daming bumibili noong Eheads shirts. Ang bilis maubos eh. Naalala ko tuloy 'yung Law of Demand and Supply. Hahahaha.


At dahil sa mga nangyari, ngayon ko lang natapos 'yung essay ko. Pero ayos lang kasi wala namang deadline. Ang kailangan mo lang gawin ay gumawa ng essay about sa particular topic, mag-conform sa mga requirements at ready ka na.=) Kung hindi ka man matanggap the first time, pwede ka pang magpasa ulit ng essay after one month.


Eto 'yung pinasa ko. Basahin niyo ah. Tingnan niyo na rin kung may mali tapos mag-tag kayo ah. Hahaha. Salamat.=) Hindi ko rin alam kung bakit 'yan 'yung naisip kong title eh. Hahahaha.=)


All About Blog



The World Wide Web has long been a vast source of information via the Internet. People from different age brackets and fields use this WWW every single day for hours that most of us cannot deny that this is the trend today.

Due to its popularity and constant use, the netizens in the WWW gave birth to “weblogs”, more commonly known as “blogs”. A blog contains regular posts or entries of reviews, ideas or events relating to the person maintaining it. There are different types of blogs depending on its content which may be identified as personal, corporate, question, media-type, device and genre. Most probably a blog contains texts but a blogger may add links, photos, videos and music. Readers can also interact with the blogger by adding comments to certain entries. Best-selling author Paulo Coelho maintains his very own blog. There are also persons who became instant celebrities through blogging such as the infamous Perez Hilton. Likewise, every individual, even those novice and aspiring writers, through the aid of blog publishing tools, may share his interests, masterpieces and works of art with everyone. There are no limits and rules in maintaining a blog. You only need to be yourself. Though you must always remember that God is looking at what you say or do. If you have nothing good to say, then you better keep your mouth shut, or better yet, as a blogger plainly speaking, keep your fingers off that keyboard.

In starting a blog, you must consider a few things. First is yourself. You must be ready to be criticized by other bloggers and readers. Writing may be for personal satisfaction but blogging what you write does not just concern yourself but also every other person using the WWW. Second are the technicalities like blog hosting services, features and contents of the blog including how to promote and to attract more readers to the blog site. Blog hosting services are paid although there are also free blog hosts such as Wordpress, Blogger, LiveJournal and Xanga but they are restricted in terms of space and customization. If you opt for a paid blog hosting service, you must review the services offered by several blog hosts and choose the one that best suit your needs at the lowest possible cost. Some of the leading paid blog hosts are BlueHost, HostMonster and GoDaddy.

The blogosphere has not failed to catch the attention of businessmen. Marketing strategies suggest advertisements in the WWW. Advertisements have been the way to making money through blogs. They are what we call today monetized blogs. These blogs need traffic. Web traffic is determined by the number of visitors and the number of pages they visit on a particular website. Therefore, the larger the volume of traffic a blog has, the more money the blogger makes. This is why webmasters choose Search Engine Optimization (SEO). SEO is the process of improving the volume and quality of traffic to a website from search engines via “natural” (“organic” or “algorithmic”) search results.

Search engines have been developed for the easiest possible way of finding and displaying links to documents related your search topic in the WWW. Some of the most adopted search engines are Google, Yahoo! Search and Baidu. These engines are for general use while there are also search engines such as Technorati and BlogScope especially developed for looking up blogs. Search engines are the key to having the chance that an unsuspecting visitor may land to your blog or website.

All links are not equal. Some matters more to others. Incoming links from important sites have more advantage. PageRank from Google works like this and arranges search results in a logical order. Through SEO, a website may have a top search engine placement. SEO lets a website have better rankings. This ranking or placement is essential to webmasters. A link placed on the first page of the search engine results have a better chance of being visited which yields better traffic.

Knowing about all these, you can already conclude that writers in the blogosphere have more opportunities of being known and discovered and of earning money. It is not just the satisfaction they get through blogging their thoughts but they can also make their work more productive and enjoyable.


-------



Also yesterday, while waiting for the Eheads' shirt delivery, we spent our two hours at Powerbooks. Yes, we love books.


And so I searched for a good book. I have read Jodi Picoult's Change of Heart: A Novel. I haven't read the whole novel due to lack of time and definitely, due to lack of money. It costs Php600 in paperback. But if you want things to be done, you'll surely find a way. If you have read and enjoyed Leo Tolstoy's God Sees The Truth But Waits, you will want to read this too. I have read the first 100 pages of the book, jumped to the latter middle up to the last few pages. And if you'll ask me if I understand it, I will doubtlessly tell you, I did and would tell you to read it too. It is a good novel. It tells a story about innocence, justice, religion and kindness.


Here's a quote from the book:

"In the space between yes and no, there's a lifetime. It's the difference between the path you walk and the one you leave behind; it's the gap between who you thought you could be and who you really are; it's the legroom for the lies you'll tell yourself in the future."

Wednesday, March 11, 2009

It is a Gift.

Dahil sa pina-download ni Pags na Sunshine by Gabrielle eh na-inspire ako mag-blog. Hindi kasi ako dapat magba-blog ngayon eh.


Dahil kasi sa kantang 'yun eh nakita ko 'tong video na 'to. Kung gusto niyo mapanood, i-click niyo na lang dito.


Naalala ko kasi 'yung buhay ko noong narinig ko 'yang Sunshine na 'yan eh. Alam niyo 'yung feeling na may kulang sa buhay niyo? Parang ganoon minsan ang buhay ko lalo na ngayon eh. There's something missing. Parang gusto ko 'yung isang umaga, gigising ako tapos ang ganda ng panahon. Madalas talaga 'yung nakakapagpaganda ng araw ko eh, magandang panahon. 'Yung maaraw. Tapos noon, okay na ko buong araw. 'Wag lang aantukin. Hahahaha. Kasi hindi ko mae-enjoy 'yung araw eh.


Pero ganoon yata talaga ang buhay. Hindi pwedeng wala kang hahanapin. I think, it's what you're made for. You're made to look for that 'something' in your life. Sa ngayon, nandiyan ako sa stage na 'yan. Gusto kong malaman ang gagawin ko sa buhay. 'Yung tipong maa-appreciate ko 'yung buhay kapag ginagawa ko 'yung 'something' na 'yun.


So ang ginawa ko, in-assess ko 'yung sarili through the past. Inisip ko rin kung ano 'yung mga gusto kong mangyari sa future. Pero wala eh. Parang wala pa rin kalinawan ang mga bagay.


Doon ko naisip na...bakit hindi ako mag-focus sa present? Tutal 'yun 'yung bagay na makikita mo talaga eh. 'Yun lang 'yung totoo.


Una kong nalaman 'tong quote na 'to sa shoutout ng kapatid ko sa friendster eh, si Ranel.


"Yesterday is HISTORY, tomorrow is a MYSTERY...but TODAY is a GIFT, that's why it is called PRESENT."



Natuwa ako noong una kong nabasa 'yan eh. Ang galing. Hehe.


Kaya ngayon, kahit hindi ko alam mangyayari sa akin bukas at marami akong dapat pang pag-isipang mga bagay, ayos lang. 'Yung kahit hindi ko alam kung lilipat ba ako ng school, magshi-shift ng course, ayos lang. Alam ko GOD is really working. Meron siyang plano para sa akin. At ang dapat kong gawin eh malaman kung ano 'yun.


Tama nga talaga 'yung sinabi ng classmate natin sa Literature:


"Let go and let God."



At one point, kelan lang, I was losing my faith. It was really hard to believe. My confidence has been crashing down for months before. I have no determination to do things. I do not know what to do. My parents, kind of, didn't trust me for sometime. And yes, I was even losing trust in my self.


It was hard. Wanting an inspiration but finding none.


Kaya ngayon, everyday, I would feel as if I am living on the edge. 'Yung tipong, 'yung mga sa tingin ko at sa tingin ng iba eh hindi ko gagawin, ginagawa ko. 'Yung tipong kahit kasama mo sila eh nami-miss mo pa rin sila. Ganoon. Kasi gusto ko mabuhay sa ngayon, hindi sa bukas at lalong hindi sa nakaraan.


Pero dapat pa rin tandaan na: to live in God's Law is the life to path and happiness. 'Yan ang direksyon ko ngayon. Dahil alam kong susundin ko Siya, for sure, palaging nandiyan Siya para sa akin. Kahit ano pang gawin mo, basta dapat isipin mo palagi 'yan, magiging okay ka.=)


Kapag alam mong nandiyan Siya, you won't need to worry about anything. Kasi you believe. And when you believe, you have FAITH.


"...when you lose faith...you lose EVERYTHING."



At tama, naalala ko, isa sa mga bagay na takot talaga kong mawala 'yan. At muntik na nga mangyari 'yun. Buti na lang kahit hindi ko Siya hinahanap ng mga panahong 'yun, nagpahanap pa rin Siya sa akin.=)


Ngayon, tina-try kong buuin 'yung mga nasira ko. Hahanapin ko 'yung mga nawala. Hahanapin ko 'yung mga hindi pa nakikita. Ita-try ko rin talagang sundin Siya.


"God loves everyone."

Sunday, March 1, 2009

Prayer

Birthday kahapon ng isa kong close friend noong high school. Hindi ko alam kung mababasa mo 'to pero Happy Birthday sa'yo.=) God bless.=) Magpagaling ka kaagad.=)


Birthday niya pero parang ako pa binigyan niya ng regalo. At sabi niya sa akin i-share ko din daw 'yun sa mga kaibigan ko. Kaya eto, iniisip ko kung paano ko maipapaintindi.


Itong semester na 'to, mula umpisa hanggang magtapos yata eh nakakalokang talaga. Para akong nawawalang tupa eh. Hindi ko alam kung anung gagawin ko sa buhay ko. Ano ba talagang gusto kong matanggap, makuha, mahanap, makita, maramdaman, etc., hindi ko talaga alam kung ano. Parang wala kong gustong mangyari. O ang gusto ko lang mangyari eh 'yung mga gusto ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko makita 'yung daan.


Nasabi ko 'yan sa kaibigan kong 'yun. At alam niyo kung anung sinabi niya? Magdasal daw ako. Nagulat ako syempre. Hindi naman siya isa sa mga relihiyosong tao na kilala ko eh. At matagal na kaming hindi rin nakakapag-usap.


At doon ko na-realize, hindi na pala ko nagdadasal. I mean, 'yung totoong dasal. Prayer is talking to God. Ang prayer nanggagaling sa puso. Hindi 'yung mga memoryadong dasal. Dati araw-araw akong nakikipag-usap sa Kanya. Ngayon, naisip ko, hindi na pala. Although nagsisimba ko every week, wala sa puso ko eh. Buti dati kahit hindi ako every week magsimba, araw-araw naman akong nakikipag-usap sa Kanya.


May isa pa kong natuklasan. Sumasagot pala talaga si God. Alam niyo kung paano? Through the Bible. Ang sabi sa akin noong kaibigan ko, magdasal ka daw muna. Magtanong ka kay God. Sabihin mo sa Kanya 'yung mga problema mo at tutulungan ka Niya. Through the Bible. Pagkatapos mong magdasal, kunin mo 'yung Bible. Buklatin mo. Kung ano 'yung una mong mababasa, take it personally as His answer to your prayers.


Tinry ko siya kanina. At in fairness, kahit papaano nasagot niya 'yung mga tanong ko. Naisip ko, nandiyan nga lang talaga Siya. Sa Psalm 119 ko nabuklat. It repeats that the Law of God is the path to life and happiness.

Wednesday, January 7, 2009

Read: Swerte Ka Ba?

Kilala niyo ba kung sinu-sino ang mga suswertehin ngayong taong 2009? Tara na at ating alamin kung sino ang mga maswerteng taong ito. Malay mo isa ka na rito.=)

Suswertehin daw ang mga taong may bangs ngayong taong ito. Hindi lang dahil in ito pero dahil sa bangs gumaganda ka lalo. Tulad ko. Hahahaha. Swerte din daw ang kulay yellow ngayong taong ito. Kaya kung ako sa'yo magsuot ka palagi ng damit or accessories na kulay yellow. Swerte din daw ang mga taong matatangos ang ilong at 'yung mga taong singkit. Ye. Hindi masyado matangos ilong ko eh, pero alam ko singkit ako. Walang kokontra! Hahaha. Pati din daw 'yung mga mapuputi suswertehin. Eh sus! Parang dinescribe lang 'yung mga Chinese. Di'ba? Echusa! Swerte din daw 'yung mga taong may magandang aura kasi naa-attract nila 'yung swerte papunta sa kanila. Kaya ikaw, lagi kang ngingiti ah? Bawal sumimangot. Swerte din daw 'yung magpa-feng shui ng bahay para alam mo kung saan manggagaling 'yung positive chi(?) at ma-eliminate 'yung negative chi(?). Ganoon yata 'yun eh. Hahahaha.

Swerte din daw 'yung mga taong malalabo ang mata. Dahil daw malabo ang mga mata nila, hindi sila masisilaw sa kasamaan. Hahahahaha. Swerte din 'yung taong may kwintas na bigay sa kanya. Alam niyo kung bakit? Kasi may kwintas ako at swerteng totoo talaga ako! Hahahahaha.=)









Pero seriously, gusto niyo ba talaga malaman kung sinu-sino ang mga taong suswertehin ngayong taong ito? Kung oo, read on. Hahaha. Kung hindi, well, dream on. Konek?! Hahaha.

Ang mga taong suswertehin ngayong taong ito ay 'yung mga taong masisipag. Dahil kung masipag ka, for sure tuloy-tuloy ang pasok ng swerte sa'yo. Alam niyo bang nakalagay sa Bible na pinagpapala ang mga masisipag at pinaparusahan ang mga tamad?

Suswertehin din ang mga taong marunong magpasensiya. Dahil siya 'yung taong hindi nagmamadali sa mga bagay-bagay, less 'yung chance niya na magkamali siya. Lahat ng bagay pinag-iisipan niya muna ng maigi.

Suswertehin din 'yung taong marunong magpahalaga. Dahil bawat bagay at tao na dumating sa buhay niya binibigyan niya ng halaga, 'yung bagay at tao na 'yun magg-grow ng something like "bond" sa kanya which will eventually be a shoulder to lean on.

Magiging mapalad din 'yung mga taong gusto ang ginagawa nila. Dahil gusto nila 'yung ginagawa nila sa buhay nila, hindi sila mabo-bore at magiging contented at masaya sila. Diba?

Magiging mapalad din 'yung mga taong hindi nagwo-worry. Kasi kapag worried ka, mapa-praning ka noon at super stressed ka. Papangit ka pa. O diba? At alam niyo bang sin, as in kasalanan, ang mag-worry? Yep. Andiyan palagi ang Panginoon kaya wala tayong karapatan na mag-alala ng mga kung anu-ano. Maayos din ang lahat, maniwala ka. Have faith and trust in God.

Swerte lalo 'yung mga taong marunong magmahal. Alam niyo kung bakit? Kasi nasusunod niya 'yung utos ng Diyos at dahil doon, sigurado ako, pagpapalain siya ng bonggang-bongga.=)

Thursday, December 25, 2008

The Greatest Love Story

The greatest love story ever told is God giving us his only son, Jesus Christ. Just sharing the Good News.(with the love story of my parents as my backgound music.hahaha=)) Merry Christmas!=) God bless you and your family. Be a blessing to others.=)

_________________________________________________________________________________________

Spread Love

Let love flow out from you.
Don't contain it.
Love is too powerful,
It might hurt if you try to keep it inside
And never fool yourself in believing you cannot love anymore.
Sometimes love is overshadowed
By fear
By pride
By jealousy
By low self-esteem
By problems
By uncomfortable situations
In all these, be brave.
Front your love.
Let it be your shield.

Monday, November 3, 2008

On Suffering

I have stumbled on a great blog last week. It is unlike other blogs. It is an encouragement in itself, a food for the thought and the soul. Here are some pieces from the blog entitled On Suffering:

Why is happiness so fleeting? Because when is comes, we do all we can to savor the moment, to feel it and time is never enough. Suffering on the other hand seems to dwell longer than our own patience and strength can take it. Because we don't want pain, we don't welcome the thought of it, we do everything we can to avoid it and when we do suffer, we want to end it soon. That's why when suffering comes to our lives, hold on to it, feel it and it won't be as bad as you think it is.


You can read a lot more on ideasnpink.i.ph.

Tuesday, December 25, 2007

A Blessed Christmas

As usual, parang wala lang ang Christmas eve dito sa bahay namin. Hindi uso 'yun dito. Pero surprisingly, gising kaming lahat at may pagkain sila. Kumain sila eh. Ako, todo text. Yeh!=) Kaya gusto ko Christmas at New Year eh.=) Sa Christmas day talaga kami usually nagsasalo-salo at nagsisimba. Tradisyon sa amin ang magsimba sa Baclaran. Ang hirap doon, ang daming tao, pero sige pa rin.

Siyempre dahil minsan na lang ako magsimba, nakinig naman ako ng mass. At take note, na-teary-eyed pa ko sa homily. Corny ba? Well, ganyan talaga ako. Magmahal!=) Yeh!=)hahahaha Maganda kasi 'yung homily eh. Feeling ko ang dami kong pagkukulang sa Kanya.

The homily was a letter from Jesus. To summarize, Jesus told the recipient(which is us), it hurts that all people are celebrating during His birthday yet nobody remembers Him. People are busy giving gifts and partying with their family and friends while they shut the door at Him. So, He sneaks inside and stood at one corner.

Of course, what would a person feel if he was treated that way during his birthday. I felt so guilty. I did not think of Him. And till now, I am thinking what would be the best gift for Him.

Still the letter said that if we just let Him in, it will be the greatest gift. Easy to say but so hard to do.

Mahirap panindigan.

Happy Birthday, Jesus.

Wednesday, September 12, 2007

Single Blessedness

Ang aga ko umuwi ng mga nakaraang araw pati ngayon. Siguro nagtataka na ang pakwans kung bakit ganoon. Ang palagi ko lang kasi sagot kapag tinatanong nila kung bakit uuwi na ako eh, "Gusto ko eh.", tapos nun aalis na talaga ko. Well, di ko naman kailangan magpaalam sa kanila. Sinabi ko na yun kay Eric eh nung nakasabay ko siya pag-uwi. Ang sabi ko ayaw ko muna tumambay at ayoko ng social life ngayon. Feeling ko kasi kapag umuwi ako ng maaga nakakapagpahinga pa ko at saka nakakapag-save ng pera at marami akong nagagawa pati matulog kaysa tumambay dun wala akong nagagawa. Grabe na talaga 'tong pagiging antukin ko, in public places basta inaantok ako nakakaidlip ako eh. Dati napipigilan ko pa, ngayon hindi na talaga. Tulog kung tulog.

Bukas midterm exam sa Accounting, goodluck sa akin at sa lahat ng mag-e-exam na gusto talagang makatapos ng kursong yan.

Nakasabay ko yung high school friend ko kanina na schoolmate ko din ngayon. Wala lang sinabi ko lang. Marami rin kasi kaming napag-usapan. Biruin mo non-stop na pagsasalita sa loob ng isang oras. Karamihan doon puro about high school. Masarap mag-high school pero para sa akin masaya rin ang college. Siyempre may kasama pa rin akong high school friends eh at saka nadagdagan pa kami at dun nga isinilang ang "Pakwans".=)

Napag-usapan din namin syempre ang lovelife. Eh wala naman akong lovelife.=) Ayoko pa kaya magka-boyfriend. Sa ngayon yan ah. Baka kasi di ko mapanindigan mga sinasabi ko eh.haha=) Pero totoong parang gusto kong mag-madre.=) At noong sinabi ko yun, wala man lamang naniwala sa akin pati nanay ko!=)Hindi daw bagay sa akin yun. Sabagay mahirap nga maging madre. Kaya ngayon ang gusto kong maging vocation eh Single Blessedness, meaning single ka forever. Magpapayaman na lang siguro ako para mapantayan ko si Lolo(Lucio Tan).=) Pero as of now lang yan, baka nga kasi di ko mapanindigan.=)