Ang aga ko umuwi ng mga nakaraang araw pati ngayon. Siguro nagtataka na ang pakwans kung bakit ganoon. Ang palagi ko lang kasi sagot kapag tinatanong nila kung bakit uuwi na ako eh, "Gusto ko eh.", tapos nun aalis na talaga ko. Well, di ko naman kailangan magpaalam sa kanila. Sinabi ko na yun kay Eric eh nung nakasabay ko siya pag-uwi. Ang sabi ko ayaw ko muna tumambay at ayoko ng social life ngayon. Feeling ko kasi kapag umuwi ako ng maaga nakakapagpahinga pa ko at saka nakakapag-save ng pera at marami akong nagagawa pati matulog kaysa tumambay dun wala akong nagagawa. Grabe na talaga 'tong pagiging antukin ko, in public places basta inaantok ako nakakaidlip ako eh. Dati napipigilan ko pa, ngayon hindi na talaga. Tulog kung tulog.
Bukas midterm exam sa Accounting, goodluck sa akin at sa lahat ng mag-e-exam na gusto talagang makatapos ng kursong yan.
Nakasabay ko yung high school friend ko kanina na schoolmate ko din ngayon. Wala lang sinabi ko lang. Marami rin kasi kaming napag-usapan. Biruin mo non-stop na pagsasalita sa loob ng isang oras. Karamihan doon puro about high school. Masarap mag-high school pero para sa akin masaya rin ang college. Siyempre may kasama pa rin akong high school friends eh at saka nadagdagan pa kami at dun nga isinilang ang "Pakwans".=)
Napag-usapan din namin syempre ang lovelife. Eh wala naman akong lovelife.=) Ayoko pa kaya magka-boyfriend. Sa ngayon yan ah. Baka kasi di ko mapanindigan mga sinasabi ko eh.haha=) Pero totoong parang gusto kong mag-madre.=) At noong sinabi ko yun, wala man lamang naniwala sa akin pati nanay ko!=)Hindi daw bagay sa akin yun. Sabagay mahirap nga maging madre. Kaya ngayon ang gusto kong maging vocation eh Single Blessedness, meaning single ka forever. Magpapayaman na lang siguro ako para mapantayan ko si Lolo(Lucio Tan).=) Pero as of now lang yan, baka nga kasi di ko mapanindigan.=)

No comments:
Post a Comment