Showing posts with label boys. Show all posts
Showing posts with label boys. Show all posts

Thursday, March 26, 2009

Maligayang Pagtatapos: Ang Simula

March 25. Bandang 11 ng gabi. Nag-text ako kay Mama.


"Ma..andito ko kina Josette..dito muna ko matutulog..okay lang ba?"


Walang reply.


Fast forward. March 26. Mga 12 ng tanghali.


Si Inay, "Galit na galit sa'yo ang ama mo. Ibalot na daw ang damit at doon ka na kina Josette tumira."


No comment ako diyan.


"Alam mo naman na ayaw nun ng natutulog ka sa ibang bahay eh."


No comment ulit ako diyan.


Natulog ako ng mga hanggang 2. Pagkagising ko nasa bahay na si Papa. Narinig ko na nagtatanong about sa akin eh. Sinermunan ako pero hindi na siya masyado. Lumipas na galit eh. Buti na lang graduation ng kapatid ko.


Sumama ako sa PCC. Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon eh. Ang saya bumalik ah. Trip down to memory lane. Hehe. Naalala ko noong grade school ako at wala pang problema sa mundo. Hahahaha.


Marami nang nagbago doon eh. Mga bagong buildings, bagong stage, may aircon na rin bawat room, may elevator na rin na according sa mga kapatid ko eh bawal naman gamitin ng mga estudyante, so good luck sa kanila. Pero it's the same old PCC pa rin naman.


Marami rin akong nakitang mga batchmates ko doon eh. Pati nga si Danica(na taga-UE rin) nakita ko eh. At mukang classmate pa ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Small world. Nakita ko rin si Teresa at 'yung Papa niya, na sabi ko nga sa Nanay ko eh, ka-close ko. Hahaha. Pero close talaga kami noon. Sayang nga lang eh, 'yung classmate/crush ko dati eh wala doon. Batchmate kasi ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Hahaha.


'Yung mga kapatid ko nga eh, si Riza at si Ranel, classmate at seatmate nila ang magkapatid na Benico. O di'ba bongga! Hahahaha. Lagi ko ngang sinasabi, "Akala niyo kayo lang ang may seatmate na Benico?! Ako rin kaya!" Hahahaha.


AT! At nakita ko ulit ang favorite kong classmate/schoolmate/batchmate ng kapatid ko. Si Fidel! Favorite ko talaga 'yung batang 'yun. Ka-service kasi namin siya dati eh tapos lagi siya naka-smile sa akin, lagi pa niya ko kinakausap at tinatawag niya kong 'Ate'. Tuwang-tuwa talaga ko sa batang 'yun. At alam niyo bang Outstanding Club Member siya ng Lifeline(kung anumang club 'yun). Ang galing! May medal siya. Tapos ang tangkad na niya ngayon. Mas matangkad pa sa akin. Actually siya pinunta ko dun eh, hindi 'yung kapatid ko. Hahahaha. Nag-effort pa nga akong pumunta sa harap para makita ko siya up-close eh. Hahaha. Sabi nga ng Nanay ko tingnan ko rin daw 'yung kapatid ko eh, eh hello, araw-araw ko naman nakikita 'yun eh. Hahahaha. Ay may medal din pala kapatid ko. Loyalty medalist. Hahahaha.


At eto pa...kasi nakita ko si Bok(tama ba?) na kapatid ni Glenn at John na ang pangalan ay Glenn John. Sabi na may kamukha 'yung batang 'yun eh! At alam ko na ngayon kung sino! Hehe. Si Fidel! Hahahaha. Pareho sila ng mata.=) At dahil diyan, pwedeng favorite ko na din si Bok? Hehehe.


-------



May natutunan naman ako, habang kumakain, sa mga speakers doon, si Msgr. Gerardo Santos at si Dr. Jesus Estanislao.


Kay Dr. Estanislao natutunan ko ang 3 R's. Reinvent. Kailangan daw i-reinventa ng sarili every five years. Repay. Dapat daw i-repay ang mga magulang natin. Rebuild. Kailangan daw -rebuild natin ang ating nation.


Kay Msgr. Gerry naman, natutunan ko:


"Keep your faith and your faith will keep you."



-------



Naaalala ko tuloy noong grumaduate ako ng high school. Masaya rin noon eh. Ang alam ko medyo hindi kami magkasundo ni Papa noon eh pero noong graduation na at sinabitan namin sila ng sampaguita, naging okay ang lahat. With matching hug pa. I love that moment.=)


Naalala ko din 'yung song na kinakanta namin noong moment na 'yun kasi kinanta din 'yun kanina eh. 'Yung 'Thank You'.


Alam niyo bang hindi ko alam ang Alma Mater ng LICS? Pero 'yung sa PCC halos kabisado ko pa rin.

Thursday, November 27, 2008

Sa Ilalim ng Buwan

Ayun o! Imbis na mag-aral ng BL101, heto nagta-type ako ng mga kachorvahan ko.

Echusa.

Kasi naman eh! Andami-daming tumatakbo sa utak ko. Gusto ko ng outlet.haha=) Kaso nahihiya ako ilagay dito eh.hehe=)

Inaantok na ko...pero kailangan ko pa mag-aral ng BL eh. At saka hindi ko pa siya trip basahin eh. Gusto kong mag-post dito.

Marami akong iniisip. Sobrang dami hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko dito. Ang dami kong dapat pag-isipan at gawan ng desisyon.

Ang nakakalungkot lang...ay nakakainis, di ko siya nakita.=(

Parang high school lang eh noh?=)

Pero gusto ko nga kasi siya makita eh.hahaha=) Tinataguan na ata niya ko.=)

Di bale, hindi ka makakatakas sa akin!hahaha=)) Akala mo ha.=))

Echos lang, pasensiya na, medyo praning na lang ata talaga ako.=))

Wednesday, November 26, 2008

Fate?

Bakit ganoon? Kapag focused ka masyado sa isang bagay saka naman lumilitaw ang mga tukso sa paligid mo? Ano? 'Yung mga taong sanay ka nang nasa malayo, bigla mo na lang makikita? Ayos lang naman sa akin kaso, hello! Fate! Are you joking with me?=)) Sa laki ng UE, bakit kailangan pang sa TYK Garden pumunta, pwede ka naman dun na lang sa may Christmas tree pumunta? Mas marami pang ilaw dun. Sa dami ng araw na pwede pumunta sa Megamall, bakit sa kung kailan pa ko nagpunta? 'Wag ganun. For two consecutive days nagulat ako eh. Pero they were pleasant surprises.=) Best things that come are those unexpected ones. But it is the worst when the expected don't happen. Not the best words to put it perhaps, but it is the fact. Para kang pinaglalaruan.=)) Parang asymptotes, if you know what I mean.=)

But one thing I have realized, past should be buried inside your heart. You better focus on what you have at the present. Although the present may be impossible to reach, why not try?

Saturday, November 22, 2008

Baron Chen

Baron Chen is a newcomer in the showbiz industry. He was first seen on Jay Chou's KungFu Dunk. He also starred on Taiwanese drama Fated To Love You. It is a nice movie and series. I recommend that you both watch it.

Let me share you a few photos of Baron Chen.

Credits to asianfanatics.net and www.alivenotdead.com/cindycheok for these pictures.








































_________________________________________________________________________________________

Only one word that popped out into my mind when I saw him..."Papalicious". HAHAHAHA=))

Friday, November 21, 2008

Kuya Obra

'Yan. Ang post na ito ay dedicated kay Kuya Obra kahit hindi niya ko kilala at hindi niya alam na nageexist ako. Ay! Ang drama ko daw ba?!hahahaha=) Di bale susuportahan pa rin kita Kuya Obra. Kahit inaaway ka ng mga panget kong kaibigan. Na-inlab naman ako sa Canon mo eh.=)hahahaha Ooops. Sa Canon ako na-inlab ha.hahaha=) Kahit sabihin nilang mukha kang constru, pawisin, mabaho(hindi mo naman 'to mababasa ever diba?hehe), hindi ako papayag.hehe=) Hindi naman totoo 'yun eh.=)hehe

Basta good luck sa pagtugtog mo Kuya. Aja!hehe=) Practice lang 'yan. Kaya niyo 'yan!=) Malay mo balang araw sumikat ka diba? Wag mo ko kakalimutan ah. Ay! Hindi mo nga pala ko kilala.=)haha Di bale pa-sikreto kitang isusupport.hehe=)

Actually, crush ko si Kuya Obra kasi he has passion. Passion for music.=)

_________________________________________________________________________________________

At isang Maligayang Bati kay Pags este kay Jammy.=)hahahaha God bless. Be happy.hihi=) May your wishes come true.=) Kita mo, dahil kay Kuya Obra na inaaway mo, binigyan ka namin ng froggy frog frog na bimpo.hahahaha=) Echos!=p

Monday, November 3, 2008

Ayoko Na.

1. Ayoko sa lalaking maraming sinasabi. 'Yung tipong kaya niyang magsalita ng mas matagal kaysa sa akin lalo na kung puro kasinungalingan lang naman sinasabi niya. Nababagay sa kanya ang huwag na lang magsalita. Isama mo na rin diyan 'yung lalaking hindi kayang panindigan ang mga sinasabi niya.

2. Ayoko sa lalaking pa-cool. 'Yun bang mahilig maki-in. Masabi lang na cool siya, gagawin 'to, gagawin 'yun kahit alam niyang hindi tama at hindi maganda. Ang lalaki dapat may prinsipyo at pinaninindigan ang prinsipyo niya.

3. Ayoko sa lalaking mas maarte pa kaysa sa akin. 'Yung tipong mas makapal pa ang make-up kaysa sa akin. Isama na rin natin 'yung lalaking maselan sa buhay nila.

4. Ayoko sa lalaking makulit. Kapag sinabing hindi, hindi. Kapag sinabing ayaw, ayaw. Huwag nang mangulit at mamilit pa.

5. Ayoko sa lalaking mahina ang loob. Baka konting pitik ko lang, tumumba kaagad.

6. Ayoko sa lalaking nagyoyosi at nagdadrugs. Okay nang uminom, wag lang akong mamatay sa usok ng yosi at mamatay siya sa drugs.

7. Ayoko sa lalaking walang ambisyon. Walang patutunguhan ang ganoong lalaki.

8. Ayoko sa lalaking masyadong maraming alam. Kahit hindi ganoon kadami alam mo (at hindi ko sinasabi na konti), basta ba ginagamit mo utak mo sa tamang pagkakataon at may sentido komon ka, ayos na 'yun.

9. Ayoko sa lalaking puro pa-pogi ang alam. 'Yung puro "face value" lang. Korni. Matuto ka lang mag-ayos ng buhok mo at pumili ng isusuot mo, maging presentable, okay ka na.

10. Ayoko sa lalaking ligaw lang nang ligaw sa mga babae. 'Yung tipong hindi pwedeng walang girlfriend ng 3 months.

11. Ayoko sa lalaking nakadikit palagi. 'Yun para bang alalay na ewan, tagadala ng purse. Pero kapag kailangan mo na talaga, di mo makikita sa tabi mo.

12. Ayoko sa lalaking andiyan kapag hindi mo kailangan at wala kapag kailangan mo na. In-emphasize ko lang 'yung number 11.

13. Ayoko sa lalaking nanghihingi ng time at space. Hindi ako gumagawa ng orasan lalo nang hindi ako nagpapa-rent. Pag ayaw na, ayaw na. Huwag nang patagalin pa.

14. Ayoko sa lalaking ako pa magbibigay ng kinabukasan. Ang lalaki may sense of responsibility. Hindi puro pagpapalaki ng ano iniintindi.

15. Ayoko sa lalaking O.A. ang pagiging pessimistic. Baka mabatukan ko lang siya sa dami ng insecurities niya sa buhay.

16. Ayoko sa lalaking walang kontrol. Dapat alam niya limitasyon niya at ginagawa niya kahit lasing siya, galit siya, malungkot siya, masaya siya, etc.

17. Ayoko sa lalaking kalandian lang gusto. In-entertain ko sila pero for entertainment lang din.

18. Ayoko sa lalaking pagbabawalan akong gawin ang mga trip kong gawin. Pero madali naman ako kumbinsihin eh, magbigay lang ng isang magandang rason na angkop sa prinispyo ko, mapapapayag ako.

19. Ayoko sa lalaking tatanungin ang bawat galaw ko bawat segundo. Baka mapikon lang ako at magsawa.

20. Ayoko sa lalaking nagka-girlfriend na. Okay sige, dahil mabait ako, ayoko sa lalaking nagka-girlfriend na nang lagpas sa 3. 'Yan. Pero mas maganda pag hindi pa nagkaka-girlfriend.



Natapos din ang mahabang listahan ng mga ayoko sa lalaki. Tsk. Isang malaking sugal 'tong pagpo-post ko nito, baka akala niyo. Wala na kasing ganyang lalaki eh. Pero kung meron man, pakilala kayo. Sa iba, ipakilala niyo ko.hahahaha=)) Parang sinabi ko na rin na ayoko sa mga lalaki. Period. Kung ganoon din lang, e di papasok na lang talaga ako sa kumbento. Doon for sure may lalaking ganyan.hahahaha=)) Ang kumontra, isasama ko.=))


Pero sabagay, ayoko lang naman 'yan sa ngayon, malay niyo madagdagan pa.hahahahaha=)) Chorva!=)

Wednesday, September 24, 2008

Zero

Whoa!! Alam niyo bang ang tulog ko pa lang for the past twenty-four hours ay three hours lang? At alam niyo bang hindi ako sanay ng ganyan lang ang tulog ko? Ang sakit na ng mata ko, promise. Hindi ako makapag-isip ng matino. Lalo na foundation week ngayon sa UE. Medyo magulo ang buhay pero masaya naman. Walang klase eh.hehehe=) Pinagkakaabalahan namin ng Pakwans ngayon ang Globe 24ever Barkada Tour. Naks! Nakabisado ko na. Mag-"chillax" ba naman kami mula umaga hanggang gabi na eh. (FYI: Chillax is a place where you can chill and relax.(?) Mali ba ako? Kung mali never mind.hahaha=)) Masaya ang foundation week kaso magastos talaga. Aish! Ayaw ko maging magastos.hehehe=)

Anyway, Pakwans started at the 7th place today and ended on the 6th spot. Galing!=) Mahusay magsitext 'yang mga 'yan eh.hehe=) Sana manalo tayo noh? Let's pray.=) At sana magawa namin 'yung BS bukas. Aish! Hindi talaga malinaw utak ko eh. Pasensya groupmates. Sana magkaroon ng himala bukas.hehe=) But I'll try my best kahit ganito ang state of mind ko, walang tulog, in other words, sabog.=)

At alam niyo ba ang saya-saya ng hand writing analysis ng mga Psych students. Aish! Nainggit tuloy ako.hehe=) Remember, there was Psychology before Accounting.hahaha=) Alam niyo bang ang galing nila especially si Kuya Graduating na naganalyze ng hand writing ko?=) In fairness naman sa sinabi niya, tumutugma naman sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Unang-una, emotional daw ako. Hmmm..depende.hehe=) Secretive nga daw ako sa mga kakikilala ko pa lang, pero pag kilala na kita siguro mga one year na rin or less tapos lagi tayo nagkikita, nagiging honest/loyal friend daw ako. Pangalawa, jolly daw akong tao.hehe=) Hindi naman masyado, medyo lang.hahahaha=) Extrovert nga daw ako, meaning open sa iba, feelings, etc. Pangatlo, mahilig daw ako mag-travel, in other words, gala daw ako.hahaha=) Pero nakokontrol ko naman daw which is correct. Pag di talaga pwede, di eh. Pero 'yun nga may sinabi pa siya, stubborn daw ako, matigas ang ulo. Sapul!=)hahahaha Totoo. Hindi ako masunuring bata eh.=) Tamad din daw ako. Another sapul!hahahaha=) Ay di ka nagkakamali Kuya Graduating.=)hehe Idol na kita!=) 'Yun nga daw okay naman ako, mas marami daw akong positive traits kaysa sa negative. Tinuruan niya rin ako kung paano baguhin 'yung mga traits na 'yun. Ang bait ni Kuya Graduating.hehehe=) Pero isa lang ang naglalaro sa utak ko ngayon...bakit kaya walang nasabi about sa love life ko? Dahil ba zero?=)hahahahaha

Tuesday, July 15, 2008

Kaiyak (parenthetical reference: attractive)

hahahahahahahahahahahaha=)

Hmmmm...sa totoo lang hindi ko alam ilalagay ko dito sa blog ko.hehe=)

Basta maraming salamat sa'yo Attractive. Kahit di tayo close ang bait mo sa akin.hehe=) Maraming salamat at maraming sorry. At dumadami talaga utang ko sa'yo. Wag ka mag-alala, babalikan din kita.hahahaha=)

Pati sa'yo Soul Friend, salamat ng maraming-marami din.hehe=) Alam mo kung anu-ano 'yun.hehehe=)

Sheesh. Haggardness week yata 'to. Daming quizzes tapos bagsak pa. Kahit yata mag-aral ako, ganun pa rin. Kalerkay. Sheesh. Bukas quiz again. Itatry ko talaga mag-aral mamaya.hehe=) Try lang ah.=)hehe ACCOUNTING!!!!!!!

Basta buti andyan friends ko. Salamat!hehehe=)

Sunday, April 27, 2008

Zettai Kareshi a.k.a. Absolute Boyfriend

Yehey!=) I've already watched episode 1 of Zettai Kareshi at Veoh. And I should say that it's worth watching.

Zettai Kareshi is about a robot designed purely to be an ideal boyfriend to women. The manga was created by Yuu Watase, creators of my favorite anime Fushigi Yuugi and Ayashi no Ceres.

Zettai Kareshi Live-Action stars Hiro Mizushima from HanaKimiJP and Mokomichi Hayami from Gokusen 2. The super lucky girl is played by Saki Aibu. The first episode was aired last April 15.

But you know what, in my opinion, I hope the live action should be more realistic than the drama. It is because in the manga the girl chooses the robot. What robot can have a real heart anyway?=)hehehe

You guys better watch it!=)

Friday, April 4, 2008

Toma Fever

I know Ikuta Toma has been all over this blog lately but I just can't help it!=)hahahaha I really like him, you know. And I think I want to meet him in person. Hope that comes true someday!=)hehehe He is a stage actor, a dancer, a singer. Everything. It's not just his looks that I like about him but, for goodness' sake, he has talent!=) He is a total performer.hehe=) He will be 24 years old on October 7.=)hehe And mind you, he also plays soccer.=)

Speaking of fever, I had a fever days ago and I'm thinking now, is it not because of Toma?!=)hahahahahahaha

Anyway, here's video of Toma-chan in JT's Sexy Back.hehehe=)



If you want to watch other videos of Toma-sama, here's a blog where I've seen good videos of him.=) http://yingvideos.blogspot.com

Enjoy!=)

Monday, March 31, 2008

Ikuta Toma






























































































































Young Toma-chan









Toma-sama in Hanazakari no Kimitachi e


















Enjoy!=)

Thanks to theonlydoda for letting me use some of the pictures above. If you want to see more pictures of Ikuta Toma just paste this URl: http://photo.163.com/photos/momolianyi/66093151. I found it on a forum.=)

Thanks to everyone for making this possible.hahahahaha=)