Monday, November 3, 2008

Ayoko Na.

1. Ayoko sa lalaking maraming sinasabi. 'Yung tipong kaya niyang magsalita ng mas matagal kaysa sa akin lalo na kung puro kasinungalingan lang naman sinasabi niya. Nababagay sa kanya ang huwag na lang magsalita. Isama mo na rin diyan 'yung lalaking hindi kayang panindigan ang mga sinasabi niya.

2. Ayoko sa lalaking pa-cool. 'Yun bang mahilig maki-in. Masabi lang na cool siya, gagawin 'to, gagawin 'yun kahit alam niyang hindi tama at hindi maganda. Ang lalaki dapat may prinsipyo at pinaninindigan ang prinsipyo niya.

3. Ayoko sa lalaking mas maarte pa kaysa sa akin. 'Yung tipong mas makapal pa ang make-up kaysa sa akin. Isama na rin natin 'yung lalaking maselan sa buhay nila.

4. Ayoko sa lalaking makulit. Kapag sinabing hindi, hindi. Kapag sinabing ayaw, ayaw. Huwag nang mangulit at mamilit pa.

5. Ayoko sa lalaking mahina ang loob. Baka konting pitik ko lang, tumumba kaagad.

6. Ayoko sa lalaking nagyoyosi at nagdadrugs. Okay nang uminom, wag lang akong mamatay sa usok ng yosi at mamatay siya sa drugs.

7. Ayoko sa lalaking walang ambisyon. Walang patutunguhan ang ganoong lalaki.

8. Ayoko sa lalaking masyadong maraming alam. Kahit hindi ganoon kadami alam mo (at hindi ko sinasabi na konti), basta ba ginagamit mo utak mo sa tamang pagkakataon at may sentido komon ka, ayos na 'yun.

9. Ayoko sa lalaking puro pa-pogi ang alam. 'Yung puro "face value" lang. Korni. Matuto ka lang mag-ayos ng buhok mo at pumili ng isusuot mo, maging presentable, okay ka na.

10. Ayoko sa lalaking ligaw lang nang ligaw sa mga babae. 'Yung tipong hindi pwedeng walang girlfriend ng 3 months.

11. Ayoko sa lalaking nakadikit palagi. 'Yun para bang alalay na ewan, tagadala ng purse. Pero kapag kailangan mo na talaga, di mo makikita sa tabi mo.

12. Ayoko sa lalaking andiyan kapag hindi mo kailangan at wala kapag kailangan mo na. In-emphasize ko lang 'yung number 11.

13. Ayoko sa lalaking nanghihingi ng time at space. Hindi ako gumagawa ng orasan lalo nang hindi ako nagpapa-rent. Pag ayaw na, ayaw na. Huwag nang patagalin pa.

14. Ayoko sa lalaking ako pa magbibigay ng kinabukasan. Ang lalaki may sense of responsibility. Hindi puro pagpapalaki ng ano iniintindi.

15. Ayoko sa lalaking O.A. ang pagiging pessimistic. Baka mabatukan ko lang siya sa dami ng insecurities niya sa buhay.

16. Ayoko sa lalaking walang kontrol. Dapat alam niya limitasyon niya at ginagawa niya kahit lasing siya, galit siya, malungkot siya, masaya siya, etc.

17. Ayoko sa lalaking kalandian lang gusto. In-entertain ko sila pero for entertainment lang din.

18. Ayoko sa lalaking pagbabawalan akong gawin ang mga trip kong gawin. Pero madali naman ako kumbinsihin eh, magbigay lang ng isang magandang rason na angkop sa prinispyo ko, mapapapayag ako.

19. Ayoko sa lalaking tatanungin ang bawat galaw ko bawat segundo. Baka mapikon lang ako at magsawa.

20. Ayoko sa lalaking nagka-girlfriend na. Okay sige, dahil mabait ako, ayoko sa lalaking nagka-girlfriend na nang lagpas sa 3. 'Yan. Pero mas maganda pag hindi pa nagkaka-girlfriend.



Natapos din ang mahabang listahan ng mga ayoko sa lalaki. Tsk. Isang malaking sugal 'tong pagpo-post ko nito, baka akala niyo. Wala na kasing ganyang lalaki eh. Pero kung meron man, pakilala kayo. Sa iba, ipakilala niyo ko.hahahaha=)) Parang sinabi ko na rin na ayoko sa mga lalaki. Period. Kung ganoon din lang, e di papasok na lang talaga ako sa kumbento. Doon for sure may lalaking ganyan.hahahaha=)) Ang kumontra, isasama ko.=))


Pero sabagay, ayoko lang naman 'yan sa ngayon, malay niyo madagdagan pa.hahahahaha=)) Chorva!=)

No comments: