Whoa!! Alam niyo bang ang tulog ko pa lang for the past twenty-four hours ay three hours lang? At alam niyo bang hindi ako sanay ng ganyan lang ang tulog ko? Ang sakit na ng mata ko, promise. Hindi ako makapag-isip ng matino. Lalo na foundation week ngayon sa UE. Medyo magulo ang buhay pero masaya naman. Walang klase eh.hehehe=) Pinagkakaabalahan namin ng Pakwans ngayon ang Globe 24ever Barkada Tour. Naks! Nakabisado ko na. Mag-"chillax" ba naman kami mula umaga hanggang gabi na eh. (FYI: Chillax is a place where you can chill and relax.(?) Mali ba ako? Kung mali never mind.hahaha=)) Masaya ang foundation week kaso magastos talaga. Aish! Ayaw ko maging magastos.hehehe=)
Anyway, Pakwans started at the 7th place today and ended on the 6th spot. Galing!=) Mahusay magsitext 'yang mga 'yan eh.hehe=) Sana manalo tayo noh? Let's pray.=) At sana magawa namin 'yung BS bukas. Aish! Hindi talaga malinaw utak ko eh. Pasensya groupmates. Sana magkaroon ng himala bukas.hehe=) But I'll try my best kahit ganito ang state of mind ko, walang tulog, in other words, sabog.=)
At alam niyo ba ang saya-saya ng hand writing analysis ng mga Psych students. Aish! Nainggit tuloy ako.hehe=) Remember, there was Psychology before Accounting.hahaha=) Alam niyo bang ang galing nila especially si Kuya Graduating na naganalyze ng hand writing ko?=) In fairness naman sa sinabi niya, tumutugma naman sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Unang-una, emotional daw ako. Hmmm..depende.hehe=) Secretive nga daw ako sa mga kakikilala ko pa lang, pero pag kilala na kita siguro mga one year na rin or less tapos lagi tayo nagkikita, nagiging honest/loyal friend daw ako. Pangalawa, jolly daw akong tao.hehe=) Hindi naman masyado, medyo lang.hahahaha=) Extrovert nga daw ako, meaning open sa iba, feelings, etc. Pangatlo, mahilig daw ako mag-travel, in other words, gala daw ako.hahaha=) Pero nakokontrol ko naman daw which is correct. Pag di talaga pwede, di eh. Pero 'yun nga may sinabi pa siya, stubborn daw ako, matigas ang ulo. Sapul!=)hahahaha Totoo. Hindi ako masunuring bata eh.=) Tamad din daw ako. Another sapul!hahahaha=) Ay di ka nagkakamali Kuya Graduating.=)hehe Idol na kita!=) 'Yun nga daw okay naman ako, mas marami daw akong positive traits kaysa sa negative. Tinuruan niya rin ako kung paano baguhin 'yung mga traits na 'yun. Ang bait ni Kuya Graduating.hehehe=) Pero isa lang ang naglalaro sa utak ko ngayon...bakit kaya walang nasabi about sa love life ko? Dahil ba zero?=)hahahahaha
No comments:
Post a Comment