Showing posts with label Jayjay Helterbrand. Show all posts
Showing posts with label Jayjay Helterbrand. Show all posts

Sunday, July 12, 2009

My MVP Valentine (Hahahahahaha)

At dahil hindi ko napanood 'yung awarding para kay Jayjay Helterbrand as 2009 MVP...at hindi pwedeng hindi ko mapanood 'yun. Eto na siya: (kinikilig ako!hihihi)





At eto pa, kamukha daw ni Jayjay 'to. Eh mas gwapo kaya si Jayjay kesa dito. Kayo na lang ang humusga!hahahaha=)


Tuesday, April 7, 2009

Good Luck!=)

At dahil ang araw na ito ay espesyal...hahahahahaha=) Magpo-post ako!=)


Unang-una sa lahat, I thank the Lord for giving me another year--a new chance to live my life. I thank Him for all the blessings He has given me. Lord, thank You. I love you, you know that. Hahahaha=))


Pangalawa, gusto kong pasalamatan ang mga magulang ko. Kahit matigas ang ulo ng anak niyo at alam niyo 'yan, napapagtimpian niyo pa rin ako at hindi pinapalayas. Hahahaha. Hindi ko nga lang alam kung mababasa niyo 'to, pero salamat. Mahal ko kayo, alam niyo 'yan. Hihihi.=)


Pangatlo, sa mga kapatid ko, salamat. Wooohooo. Lupit niyo mga tsong. Hahahaha. Salamat sa pagsakay sa mga kalokohan ko at kahit na sinabi niyo na, "Dahil birthday mo, dapat magsakripisyo ka...pa-pako! pa-pako! pa-pako!", ayos lang. Hahahahaha. Hindi na kailangang sabihin pa pero sasabihin ko pa rin, mahal ko kayo. Hahahaha.=)


Pang-apat, well, sino pa nga ba, ang mga kaibigan kong walang sawang sumusuporta sa akin at nagtitiwala. Hahahaha. I love you people. Alam na alam niyo 'yan. Natats ako sa mga pinagpo-post niyo sa blog niyo. Hahahaha.


Kay Sayra Love, hindi ako makapag-tag sa tagboard mo kaya dito na lang ha...=) Salamat sa'yo kasi kahit ayaw mo mag-net, nag-net ka pa rin. Salamat din at nagsstay ka sa UE kapag wala akong kasama--ang resulta, date sa TYK Garden at sa Lepanto. Hahahaha. Salamat Sayra Love. 'Yung mga quotes na 'yan...buti na-inspire ka. Hahahaha. God bless din at may you be happy too. I love you too.=)


Kay Ciel...natawa talaga ako sa post mo..in fairness, wow, kilala mo na rin pala ako. Hahahahaha. Well, alam mo namang the best form of escape ang pagtulog eh. Hahahaha. At salamat sa walang dungis na post mo para sa akin. Salamat Ciel. Good luck and God bless sa lahat ng pinagkakaabalahan mo ngayon. Magiging masaya ka rin, promise. Mahal ka din namin, alam mo 'yan.=)


Kay Jammy a.k.a. Pags, salamat sa pagbati ng maraming kadramahan without my effing pic. Hahahaha. Na-appreciate ko 'yang pic ni Jayjay, in fairness. Hahahaha. Try kong maging maayos. Hahahaha. Promise!=) At alam mo namang wala pang kung sino man eh, Jayjay na talaga ko. Wala nang makakapagbago niyan. Salamat sa pag-ayos ng layout ko sa FS. At bakit ba ayaw mong maging madre ako? Ayaw mo noon, may mabait kang kaibigan? Hahahahaha. Sorry kung naistorbo ko kayo sa pictorial niyo noon ni Sayra Love ah. Hahahaha. At don't worry, tatawa at tatawa pa rin ako sa mga green jokes mo. Hahahahaha. I love you too, Pags. Sana matupad mo rin 'yung mga dreams mo. Be happy.=)


Kay Geo, wow...medyo close na rin pala tayo noh? Salamat sa post! Na-appreciate ko 'yan saka sa lahat ng mga payo at pakikinig sa mga kachorvahan ko. Salamat. At walang anuman 'yung sa shirt. Sakto lang 'yun. At ang epal ng pic mo sa blog mo ah. Hahahaha=) Salamat!=)


Kay Jhen na muntik nang hindi ako magawan ng post dahil nagloko ang internet, salamat! Mabuti pinagbigyan ako ng tadhana. Ay sure hindi na ko magpapadalos-dalos sa kachorvahan. Salamat Jhen. Be happy.=)


Kay Nyx, salamat sa pag-post ng picture ni Jayjay. Hihihi.=) Alam mong gusto ko 'yan. Hahahaha. Salamat sa pagsuporta ha. At lovelife? Sakto lang naman. Hahahaha. At tama ka! Kahit na wala tayong masyadong alam sa isa't isa, we'll always be friends, basta be good din always. Hahahaha. Salamat sa Power Hug. Hahahaha. I'll give you one too.=)


Kay Josette, salamat sa tiwala. Salamat sa pagtitiis sa kalokohan, ka-praningan, at kachorvahan ko sa buhay for five years. Wow, Panget! Five years 'yun! Lupet mo! Hahahaha. Salamat at hindi ka nagsasawa sa akin.=) At don't worry...sa tingin mo ba hindi kita kilala? Alam kong madaldal ka pero I still trust you haller?! Kaya nga lagi ko pa rin sinasabi sa'yo lahat eh. Ikaw lang naman eh...hahahahaha.=) Good luck din and God bless.


Sila ang mga nag-post para sa akin sa mga blogs nila. THANK YOU PIPS!=)


Ngayon naman...salamat kay Bebe ko a.k.a. Gerby. Salamat Be, sa lahat, sa panlilibre sa akin palagi, sa pagkunsinti mo sa mga kalokohan ko. Hahahaha. Salamat din sa pakikinig sa lahat ng mga chorva ko sa buhay. Alam mo 'yan, Be. I love you. Five years na rin tayo noh?hihihi=) Sana hindi ka rin magsawa sa akin.=) God bless. Good luck sa lahat. Alam kong kaya mo 'yan. Andito lang ako lagi para batukan ka kapag nachochorva ka na sa buhay mo. Hahahaha.


Kay GF a.k.a. Joanna, salamat GF! Akala ko hindi mo na ko babatiin eh. Muntik na talaga akong umiyak. Hehehe. I love you too GF. Salamat sa pakikinig sa lahat ng mga kachorvahan ko sa buhay. At alam kong hindi ka magsasawa sa akin dahil sinabi mo 'yun. Kapag nagsawa ka...iiyak na lang ako forever sige ka...hahahahaha=)) Be happy GF. God bless. Kaya mo 'yan. Good luck sa buhay mo. Maayos naman lahat ng problema eh. At tatandaan ko 'yang mga sinabi mo. Salamat GF. Nami-miss na talaga kita. At tama ka, hindi mahalaga kung sino ang nauna, ang mahalaga kung sino ang huli at wala nang kasunod pa.=) Salamat GF. I love you. Kilalang-kilala na ko ni GF. Hahahaha. For more info, basahin niyo blog niya sa multiply.=) At ang galing may ginawa siyang picture para sa akin..hihihi=) Thank you.=)


Kay Partner, salamat ah!=) Nag-effort ka pa talagang pumunta dito kahit na nabigla ka. Hahahaha. Sorry naman.=) Salamat sa flowers. At wow, galing mong mamili ng kulay. I like white flowers. Hahahaha. Thank you.=) Gusto sana kitang sabihan ng I love you kaso baka iba isipin ng mga kaibigan ko eh. Hahahahaha. Joke. I love you Partner.=) Salamat. God bless and good luck sa lahat.=)


Kay Ian, salamat din ng maraming-marami, masaya talaga ko kasi grumaduate ka na. Ang galing. Good luck sa next chapter ng buhay mo. Kaya mo 'yan.=)


Kay Kisel na nakitext pa para batiin ako, salamat ah. Ipauna mo na 'yung sobre...saka mo na isunod 'yung pera. Hahahaha.


Kay Mama Rosa, hoy Ma, salamat ah..behave ka sa La Union. Remember, holy week. Hahahaha.


Sino pa ba? Marami pang bumati eh. Kaso hindi naman nila mababasa 'to eh. But anyway, to those people, I'll pray for you. Salamat. Good luck and God bless.


I'll pray for you all.=)


Be happy people because you made me happy today.=) Sana samahan niyo pa ulit ako sa isa pang taon ng buhay ko.=) Wag kayong magsasawa...ako lang dapat! Hahahaha=) Joke. Adik na yata ako sa inyo eh. Hahahaha=))


Saka na ko babawi sa inyo kapag may sarili na kong pera. Hahahaha=))


At lastly, binabati ko ang sarili ko ng congratulations! Wow, may natapos ka na namang year. At alam ko, nahirapan ka. Aminin mo 'yan. Mabuti na lang, hindi ka Niya pinabayaan. Salamat, Charlene Lyra. Good luck sa isang taong pagsasama pa natin. God bless. Pahalagahan mo lahat ng mga taong nagmamahal sa'yo.=)

Thursday, October 9, 2008

BARANGAY GINEBRA - DUGONG GINEBRA

Ay di ko kinakaya itetch!!!=)) Sabi ko bukas ko na dapat ipopost yung lyrics eh. Di ko kaya! This is the moment!=)hahaha WAAAAA!!! Papa Jayjay!=) Kinikilig talaga ko!=) Kakantahin ko na 'yan palagi!=)hahahahahaha

Salamat kay neversaydie para sa video at lyrics! Wooooohhhh!!!=)hahahaha


KINIKILIG AKO!!=)




DUGONG GINEBRA
Gary Granada

Barangay Ginebra, Ginebra...

Sinusundan ko ang bawat yugto
Lundo at bugso ng kanilang laro
Parang nobelang nakakatakam
Di mo alam ang kalalabasan

Sa simula sila ang kulelat
Sunud-sunod agad na limang talo
Ngunit bumawi at biglang nanggulat
Ng labing tatlong walang patid na panalo

Di nakaporma sa Ginebra
Sa playoffs ang Red Bull at Santa Lucia
Lahat ika nasa kanila na
Best import, best player, best scorer pa

Ngunit sa sumunod na kabanata
Ang Ginkings sa injuries sinalanta
Kaya sa finals sila'y iniwan
Ng naging rivals na Air21

Barangay Ginebra, Ginebra...

Pagbigyan nyo na ako
Ikwento sa buong mundo
Ang hapis at ang tamis nilang kwento
Pagbigyan nyo na ako
Muling iukit sa bato
Ang di sumusukong Ginebra na puso

Puso ni Jayjay, Paul, Mark at Cris
Cris Alexander, Tubid, Menk at Reavis
Macky, Vic, Sunday, Alex, Junthy at Willie,
Jay-R, Mike, Johnny, Paulo, Rodney, at Billy

Coaches Uichico, dela Cruz, Collier
Samboy Lim, Caidic at Sauler
Amanda Griffin at Dingdong Dantes
Marian Rivera, Iwa Moto, Anne Curtis

Yan ang dugong Ginebra San Miguel
Determinadong di papipigil
Mapa Kwatro Kantos o Angelito
Mapa Bilog, Hari o Francito

Tumitindi, tumatatag pa lalo
Sa Gran Matador Brandy tuloy ang init
Sa GSM Blue, sarap makihalo
At ready to drink cocktails ng Infinit

Barangay Ginebra, Ginebra...

Pagbigyan nyo na akong
Ipamalita't ihatid
At ipamahagi sa buong daigdig
Pagbigyan nyo na akong
Ipadama't ipabatid
Ang di sumusukong Ginebra na dibdib

Kung paanong ang talo nabuhay muli
Kung paanong dehado ay nagwawagi
Kung pa'nong sa Game 6 ay nakabawi
At sa Game 7 muntik pang masawi

Saan bumunot ng tibay at gilas
Saan humugot ng ibayong lakas
Sa pinanday na buong pagsasama
At never-say-die na dugong Ginebra

Barangay Ginebra, Ginebra...

Sa matatag na barangay, isang tagay
Sa isang di pangkaraniwang istorya
Ay may isang di maikakailang bagay
Lahi ng champions ang Dugong Ginebra

Barangay Ginebra, Ginebra
Barangay Ginebra, Ginebra
Barangay Ginebra, Ginebra!