Parang nasasanay na akong magpunta ng Makati. Hahahaha. Nasasanay na rin ako mag-bus. Nasasanay na rin akong mag-type ng mga ka-chorvahan. Nasasanay na ko sa boring na opisina.
Kahit na alam ko namang temporary lang 'yun, medyo nasasanay na ko. Ang tawag nga sa amin doon eh 'temporary staff'.
Buti na lang hindi ko masyadong gusto doon. Hahahaha.
Ayokong masanay sa mga bagay/taong gusto ko. Paano kapag nawala na 'yung trabahong 'yan, anong gagawin ko di'ba? Malamang wala. Hahanap na lang ng iba. Ayokong nakaka-miss. Bad trip 'yun. Kaya hanggang mas maaga, okay na 'yung ganito.
Hindi ba?
No comments:
Post a Comment