Friday, September 4, 2009

The Law of Attraction

Diniscuss na naman ng Prof namin sa Management, which is our one and only interesting professor this semester, 'yung Law of Attraction.

Una kong narinig 'yung Law of Attraction kay Nicole Eala last year, Foundation Week ng UE.

The Law of Attraction states that you attract what you truly wanted.

Parang 'yung explanation din ni Paulo Coelho sa The Alchemist, 'When you want something, all the universe conspires in helping you achieve it.'

Naisip ko nga kahapon, siguro kaya ko na-attract si Glenn kasi gusto ko talaga siya. Hahahahaha. At least, effective. Hahahaha. Ayan, witness ang buong Pakwans na totoo ang Law of Attraction. Hahahaha.

At kita mo naman, siya gustong-gusto niya ng DSLR, ayan may 'baby' na siya ngayon. Hahahaha.

But, anyway, kung gusto niyo ng pag-ibig/lalaki *ehem*Jhen&Gerby*ehem* (pa-borrow. ^^), i-attract niyo. Huwag na kayo mahiya. Hahahaha.

Dadating din 'yan...pero hindi natin alam kung kailan. Patience is really a virtue. (At konti lang ang meron ako niyan. Hahahaha.)

At kung gusto niyo ng gwapong lalaki *ehem*Pags*ehem*, huwag kang mag-alala kung ang lumalapit sa'yo ngayon eh mga manyak. Hahahaha. Malay mo, Mr. Gwapings is just lurking around the corner. (Snatcher?!) Hahahaha.

Mangyayari kung anumang gugustuhin mo.

Ako...

Gusto ko lang naman talaga eh ang taong magmamahal sa akin ng tapat at buong puso.

Hahahahahahaha.

Echos! :)

Hindi naman ako materialistic na tao. Pero gusto kong nagpapalibre. Hahahaha.

Gusto ko nang grumaduate.

Gusto kong patalsikin 'yung leader namin sa Speech na sobrang echusera, hindi nakakatuwa.

Gusto kong yumaman. Sino bang may ayaw.

Gusto kong maging mabuting tao at anak(?). Hahahahaha. Pero feeling ko naman, mabait naman ako eh.

Gaya ng mga nilalaro ko sa Facebook, gusto ko nang mag-level up.

Gusto kong makasama ang Pakwans.

Gusto ko si Glenn. :P

No comments: