Wednesday, January 16, 2008

Good Luck!=)

At dahil nag-aaral-aralan ako sa Accounting ngayon...sandali lang ako magpo-post.=)hehe

May mga ilang bagay lang akong baka makalimutan kaya ilalagay ko dito.

Ang daming nahuhumaling diyan sa Rubix cube na 'yan. Si Gerby bumili kahapon, bumili ulit ngayon. Si Ciel din bumili. At 'yun wala na akong nakitang iba kundi iyon. Kahapon nga pagka-uwi 'yan din ang nakita ko kaagad eh. Naabutan ko kasi 'yung Nanay ko na naggagawa niyan kahapon. Sabi pa niya, "Dapat nga maglalaba ako ngayon kaso ito 'yung nagawa ko, bukas na lang ako maglalaba." OK. Ako naman natawa lang.=) Hindi pa rin niya magawa eh. Kapag malapit nang magawa, ginugulo ko ulit.=)hahhaha At parang may narinig pa nga ako sa kanya na, "Parang mali 'yung THEORY ko ah..." Parang ganoon. Sosyalin, may theory-theory pang nalalaman sa Rubix cube.=)hahahahaha

Kanina naman nagbabasa ako ng chic flick novel, hiniram ko kay Josette na kay Ate Jessa talaga, salamat!=) Kahit naglalakad kasi nagbabasa ako, eh paunta kami kina Gerby sa may canteen nang biglang may nag-block ng kamay sa eyesight ko.(nagets niyo?) Nakatungo ako noon, so malamang hindi ko napansin. Nilingon ko na lang siya kasi nakalampas na eh. At guess who? Si Terrence pala 'yun a.k.a. Tian Long!=) Chinese kasi siya, hindi ko alam kung tama 'yung spelling ng pangalan niya. Natawa kaya ako.=) Sobra. At natuwa. Nakakatuwa at nakakatawa naman kasi talaga si Tian Long eh. Para siyang bata.=)hahahhahahaha Peace!=) In fairness, close kami!=)hahahahha

Maganda rin pala 'yung Spring Waltz. Papanoorin ko nga rin 'yun. Yiee. Kinikilig ako.hehe=) Pero the best pa rin ang Winter Sonata!=)

OK. 'yun lang, next time ulit.

Ay, recognition na nga pala ulit namin. Magkikita-kits na naman kami ni Lolo Lucio sa kanyang hotel.=)hehe

'Yun lang, aral na ulit ako. Sana naman makapasa ako dito. Wish me luck!=)

No comments: