Monday, December 1, 2008

Copyist

December na. Anakng! Pasko na. Parang kailan lang, naboboring ako dito sa bahay(summer) with nothing to do but face the PC. Ambilis-bilis ng panahon. Masyado pang maraming nangyari ngayong taon na 'to.

Parang dati noong bata pa ko, hilig ko talaga mag-drawing. Nagpapabili pa ko ng coloring materials sa Nanay ko. Tapos ido-drowing ko 'yung favorite cartoon character ko dati, si Sailormoon.=) Tama! Favorite ko si Sailormoon. Lagi ko siya dinodrowing. Kabisado ko na nga siya idrowing noon eh. Ngayon, hindi na ulit. Hindi na rin ako nakapag-drawing after so many years. Huli akong nag-drawing para sa Humanities subject ko. Second year ata ako noon. Pero parang chorva ko lang 'yun. Hindi masyadong inintindi. Ang last na totoong ginawa kong project sa art, high school pa ko. Ang tagal na, third year pa 'yun. Kaso wala na 'yung practice. Hindi ako satisfied sa gawa ko noon.hehe=) Parang chumorva lang ako. Basta makapag-drawing na lang.

Mas magaling na nga magdrawing sa akin kapatid ko eh. Dati nilalait ko lang mga drawing noon eh.=) At eto kayo, may sarili na siyang style ng pag-drawing. Meaning she's not merely a copyist like me. At meron nang distinction 'yung gawa niya from other drawings. Tapos ang lakas na manlait ng gawa ko por que 'yung work niya may personality niya. Pero in fairness, pwede na rin siyang artist. Tutal magaling din naman siya kumanta. Kaso parang mas trip niya mag-drawing. Kanina nga nagkausap kami, graduating kasi siya eh, nag-iisip ng course. Parang ini-imply ata niya na hindi niya pwede kunin ang gusto niyang course kasi baka raw wala siyang mapuntahang trabaho. Sabi naman ng epal niyang ate, "Huwag mong intindihin 'yung trabaho, kung ano 'yung gusto mo, 'yun ang kunin mo." Ewan ko lang sa kanya kung susundin niya 'yung payo ko.haha=)

But anyway, habang nagkukwentuhan kami, nagdodrawing kami pareho. Kaso 'yung akin nga, kinopya ko lang. Pero maganda naman 'yung work ko, kahit papano.hehe=)

Eto 'yung mga gawa ko:

Actually, sa Kokology book ko kinopya 'yan eh. 'Yun kasi 'yung book na pinakamalapit sa akin na may mga drawing. Ang title niyan doon sa book ay, 'The Stolen Berries'.










From a nearer view.


















From the same Kokology book. It is entitled, 'The Blue Bird'.









Eto 'yung gawa noong panget kong kapatid:




She has style fine. Whatever.haha=) May sinasabi pa nga siya sa akin na style chorva na ginamit niya doon sa isa niyang drawing na ayaw mag-draw dito sa PC. Impressionism ata 'yun. At ang favorite niya raw na artist ay si Van Gogh. Tinanong niya kung sino favorite ko, sabi ko, "Ako!".hahaha=))

No comments: