Monday, November 10, 2008

My Hand, My Heart

Ngayon ko lang napagtanto na ang paglalaba pala parang pagmamahal. Kapag maglalaba ka, syempre gusto mong maging malinis at mabango ang mga damit. Syempre, kukusutin mo siya ever. Gusto mo walang bahid ng kahit anong mantsa. Tapos dadagdagan mo ng detergent para madali matanggal ang dumi at para bumango.

Ang kaso lang kapag naglalaba ako, nagsusugat ang kamay ko. Ang hapdi. Sa kagustuhan kong maging malinis at mabango ang mga nilalabhan ko, kukusutin ko ng madiin. Sabi nga ng mga nakakakita sa akin maglaba masyado daw akong madiin magkusot, parang si Mama. Eh sa gusto ko maging malinis nilalabhan ko eh. Pero mind you, minsan lang ako maglaba.hahaha=) Halata mo talaga pag naglaba ko kasi sugat-sugat or should I say, puro gasgas ang kamay ko. Medyo namamaga pa nga siya noong isang araw. Hanggang ngayon mahapdi pa rin siya. Tapos dahil gusto ko maging mabango nilalabhan ko, todo lagay ako ng detergent. Eh masyado na atang matapang 'yung mga chemicals noon ngayon. Tsk. Resulta: Puro gasgas na mga daliri at kamay. Tapos after ng kusutan portion, washing machine ang bagsak. O di ba? Pasensiya. Maarte ang lola mo.hahaha=)

O e ano namang kinalaman noon sa pagmamahal?

At dahil sabi nila, in love daw ako, paninindigan ko na, at yes, in love nga ako, eto na ang paliwanag.hahaha=)

Ang tao minsan lang magmahal ng totoo at pag nagmahal siya ng totoo, gagawin niya lahat ng makakaya niya para maprotektahan ang taong mahal niya kahit na siya pa ang nasasaktan. Kahit magkanda-lasog-lasog katawan niya, keri lang. Lahat ng makakaya niya ibibigay niya, minsan nga lampas pa sa makakaya niya eh.

Kaso ang masakit lalo hindi lang sa kamay kapag nasugatan ka, eh hindi ka makakapaglaba hangga't hindi nawawala ang mga sugat. It's either magpa-laundry ka na lang kahit alam mong mahal at hindi masyadong pulido ang pagkakagawa o kaya magpalaba ka sa nanay mo.hahaha=) Andiyan naman siya lagi para sa'yo eh.

Kailangan mo munang hintayin maghilom ang sugat para makapaglaba ka ulit.

Don't worry. Time heals everything. And coupled with petroleum jelly, ayos ka na ulit.=)

So gets?

No comments: