Tuesday, March 31, 2009

Eto na talaga 'yun, promise!

I think this is it! Hahahaha. Sa wakas! Hehe.


Prologue: Once, gabi na 'yun eh, pauwi kami nila Gerby and Ciel, years ago (emphasis on YEARS AGO) I think, mga lampas one year or two years na rin...narinig ko 'tong kanta na 'to sa FX. Alam ko alam ko siya kasi kumanta pa nga ako noon eh. Ang kaso lang malapit na kong bumaba noon eh, hindi ko natapos 'yung kanta. Badtrip. Hahaha. Pagkauwi ko bigla ko na lang hindi maalala 'yung tunog, 'yung lyrics. Wala. As in na-blangko ako. Tinanong ko pa nga si Gerby kinabukasan kung naaalala niya 'yun eh. Kaso syempre mahirap na alalahanin 'yun.


At ever since, hinanap ko na talaga 'yung kantang 'yun. Kaso ang hirap. Wala talaga kong maalala eh. Hanggang sa nakakalimutan ko na. Pero not totally. I'm still hoping na mapplay ulit siya sa radio. Hahaha. Naisip ko nga kapag nahanap ko 'tong kantang 'to, sign na 'to. Hahahaha. Ng kung anuman, hindi ko alam.


At maraming kanta ata yung napagkamalan kong 'yung kantang " 'yun ". Pero ang pinakamalapit talaga eh 'yung Don't Know What To Do, Don't Know What To Say. Pero parang hindi eh. Kasi ang naalala ko eh lalaki 'yung kumanta noong narinig ko, eh noong sinearch ko naman yung kantang 'yun puro si Lea Salonga ang lumabas. Pero parang iyon din eh. Naguguluhan talaga ako. Hindi ako sure kung 'yun nga 'yung kantang hinahanap ko. Nakakainis.


Grabe ang tagal! At sa wakas! Yey! Nakita ko na! Kung kelan hindi ko pa hinahanap. Hahahaha. Ang saya. Ilang beses ko pa ulit pinakinggan 'to. Pero feeling ko ito na nga 'yun. This is it! Hahaha.


Kasi kani-kanina lang, nag-youtube ako, at nagyu-youtube pa rin naman ako, may hinanap akong kanta at lumabas 'to sa related videos noon. So click naman ako. Hahahaha. Nakita ko Don't Know What To Do, Don't Know What To Say by Mr. Ric Segreto. Sino si Mr. Ric Segreto? Hahahaha. May lalaking version pala 'yung kantang 'yun. At oo, eto nga ata talaga 'yun. Eto na 'yun! Hehe.


Ang tagaaaaaal kong hinanap 'to. Peste. Hahahaha.


Eto na siya:





Sa wakas nahanap ko rin!=)

Monday, March 30, 2009

Pagod.

I don't know how to put this. This day has been too tiring. I feel battered. Physically. Emotionally. Mentally. If it weren't for the people and shame, I would have cried in a public place. Hahaha. (Buti na lang nilibre ako ni Gerby noong Frozen chorva. Hahaha. Thank you.)


I was overwhelmed and pressured. Whew. And for an hour, I went out of my mind. I knew my friends(especially GF), would be really shocked. Hahahaha. I knew they thought I wouldn't ever do it like that. Hahahaha. But I went crazy for a moment. I was overwhelmed and pressured.


But I don't regret it. I learned from it. It redirected me to the things I want to do and to have. I realize I can never really fool myself. I don't want to hurt myself as much as possible but I don't want to hurt others more. That was my reason before and that is still my reason today. I risked. And it was worth it. But I was wrong.


It is good that I learned it today or else it would have gotten worse. More people would have been hurt including myself.


Next time, it would be different. I promise myself. (Paki-batukan na lang ako kapag umeepal na naman ako. Hahaha.)


I was wrong.


I was wrong.


I was wrong.


And I am sorry.


I badly needed a break.

Thursday, March 26, 2009

Maligayang Pagtatapos: Ang Simula

March 25. Bandang 11 ng gabi. Nag-text ako kay Mama.


"Ma..andito ko kina Josette..dito muna ko matutulog..okay lang ba?"


Walang reply.


Fast forward. March 26. Mga 12 ng tanghali.


Si Inay, "Galit na galit sa'yo ang ama mo. Ibalot na daw ang damit at doon ka na kina Josette tumira."


No comment ako diyan.


"Alam mo naman na ayaw nun ng natutulog ka sa ibang bahay eh."


No comment ulit ako diyan.


Natulog ako ng mga hanggang 2. Pagkagising ko nasa bahay na si Papa. Narinig ko na nagtatanong about sa akin eh. Sinermunan ako pero hindi na siya masyado. Lumipas na galit eh. Buti na lang graduation ng kapatid ko.


Sumama ako sa PCC. Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon eh. Ang saya bumalik ah. Trip down to memory lane. Hehe. Naalala ko noong grade school ako at wala pang problema sa mundo. Hahahaha.


Marami nang nagbago doon eh. Mga bagong buildings, bagong stage, may aircon na rin bawat room, may elevator na rin na according sa mga kapatid ko eh bawal naman gamitin ng mga estudyante, so good luck sa kanila. Pero it's the same old PCC pa rin naman.


Marami rin akong nakitang mga batchmates ko doon eh. Pati nga si Danica(na taga-UE rin) nakita ko eh. At mukang classmate pa ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Small world. Nakita ko rin si Teresa at 'yung Papa niya, na sabi ko nga sa Nanay ko eh, ka-close ko. Hahaha. Pero close talaga kami noon. Sayang nga lang eh, 'yung classmate/crush ko dati eh wala doon. Batchmate kasi ng kapatid niya 'yung kapatid ko. Hahaha.


'Yung mga kapatid ko nga eh, si Riza at si Ranel, classmate at seatmate nila ang magkapatid na Benico. O di'ba bongga! Hahahaha. Lagi ko ngang sinasabi, "Akala niyo kayo lang ang may seatmate na Benico?! Ako rin kaya!" Hahahaha.


AT! At nakita ko ulit ang favorite kong classmate/schoolmate/batchmate ng kapatid ko. Si Fidel! Favorite ko talaga 'yung batang 'yun. Ka-service kasi namin siya dati eh tapos lagi siya naka-smile sa akin, lagi pa niya ko kinakausap at tinatawag niya kong 'Ate'. Tuwang-tuwa talaga ko sa batang 'yun. At alam niyo bang Outstanding Club Member siya ng Lifeline(kung anumang club 'yun). Ang galing! May medal siya. Tapos ang tangkad na niya ngayon. Mas matangkad pa sa akin. Actually siya pinunta ko dun eh, hindi 'yung kapatid ko. Hahahaha. Nag-effort pa nga akong pumunta sa harap para makita ko siya up-close eh. Hahaha. Sabi nga ng Nanay ko tingnan ko rin daw 'yung kapatid ko eh, eh hello, araw-araw ko naman nakikita 'yun eh. Hahahaha. Ay may medal din pala kapatid ko. Loyalty medalist. Hahahaha.


At eto pa...kasi nakita ko si Bok(tama ba?) na kapatid ni Glenn at John na ang pangalan ay Glenn John. Sabi na may kamukha 'yung batang 'yun eh! At alam ko na ngayon kung sino! Hehe. Si Fidel! Hahahaha. Pareho sila ng mata.=) At dahil diyan, pwedeng favorite ko na din si Bok? Hehehe.


-------



May natutunan naman ako, habang kumakain, sa mga speakers doon, si Msgr. Gerardo Santos at si Dr. Jesus Estanislao.


Kay Dr. Estanislao natutunan ko ang 3 R's. Reinvent. Kailangan daw i-reinventa ng sarili every five years. Repay. Dapat daw i-repay ang mga magulang natin. Rebuild. Kailangan daw -rebuild natin ang ating nation.


Kay Msgr. Gerry naman, natutunan ko:


"Keep your faith and your faith will keep you."



-------



Naaalala ko tuloy noong grumaduate ako ng high school. Masaya rin noon eh. Ang alam ko medyo hindi kami magkasundo ni Papa noon eh pero noong graduation na at sinabitan namin sila ng sampaguita, naging okay ang lahat. With matching hug pa. I love that moment.=)


Naalala ko din 'yung song na kinakanta namin noong moment na 'yun kasi kinanta din 'yun kanina eh. 'Yung 'Thank You'.


Alam niyo bang hindi ko alam ang Alma Mater ng LICS? Pero 'yung sa PCC halos kabisado ko pa rin.