Tuesday, March 31, 2009

Eto na talaga 'yun, promise!

I think this is it! Hahahaha. Sa wakas! Hehe.


Prologue: Once, gabi na 'yun eh, pauwi kami nila Gerby and Ciel, years ago (emphasis on YEARS AGO) I think, mga lampas one year or two years na rin...narinig ko 'tong kanta na 'to sa FX. Alam ko alam ko siya kasi kumanta pa nga ako noon eh. Ang kaso lang malapit na kong bumaba noon eh, hindi ko natapos 'yung kanta. Badtrip. Hahaha. Pagkauwi ko bigla ko na lang hindi maalala 'yung tunog, 'yung lyrics. Wala. As in na-blangko ako. Tinanong ko pa nga si Gerby kinabukasan kung naaalala niya 'yun eh. Kaso syempre mahirap na alalahanin 'yun.


At ever since, hinanap ko na talaga 'yung kantang 'yun. Kaso ang hirap. Wala talaga kong maalala eh. Hanggang sa nakakalimutan ko na. Pero not totally. I'm still hoping na mapplay ulit siya sa radio. Hahaha. Naisip ko nga kapag nahanap ko 'tong kantang 'to, sign na 'to. Hahahaha. Ng kung anuman, hindi ko alam.


At maraming kanta ata yung napagkamalan kong 'yung kantang " 'yun ". Pero ang pinakamalapit talaga eh 'yung Don't Know What To Do, Don't Know What To Say. Pero parang hindi eh. Kasi ang naalala ko eh lalaki 'yung kumanta noong narinig ko, eh noong sinearch ko naman yung kantang 'yun puro si Lea Salonga ang lumabas. Pero parang iyon din eh. Naguguluhan talaga ako. Hindi ako sure kung 'yun nga 'yung kantang hinahanap ko. Nakakainis.


Grabe ang tagal! At sa wakas! Yey! Nakita ko na! Kung kelan hindi ko pa hinahanap. Hahahaha. Ang saya. Ilang beses ko pa ulit pinakinggan 'to. Pero feeling ko ito na nga 'yun. This is it! Hahaha.


Kasi kani-kanina lang, nag-youtube ako, at nagyu-youtube pa rin naman ako, may hinanap akong kanta at lumabas 'to sa related videos noon. So click naman ako. Hahahaha. Nakita ko Don't Know What To Do, Don't Know What To Say by Mr. Ric Segreto. Sino si Mr. Ric Segreto? Hahahaha. May lalaking version pala 'yung kantang 'yun. At oo, eto nga ata talaga 'yun. Eto na 'yun! Hehe.


Ang tagaaaaaal kong hinanap 'to. Peste. Hahahaha.


Eto na siya:





Sa wakas nahanap ko rin!=)

No comments: