Dahil kasi sa kantang 'yun eh nakita ko 'tong video na 'to. Kung gusto niyo mapanood, i-click niyo na lang dito.
Naalala ko kasi 'yung buhay ko noong narinig ko 'yang Sunshine na 'yan eh. Alam niyo 'yung feeling na may kulang sa buhay niyo? Parang ganoon minsan ang buhay ko lalo na ngayon eh. There's something missing. Parang gusto ko 'yung isang umaga, gigising ako tapos ang ganda ng panahon. Madalas talaga 'yung nakakapagpaganda ng araw ko eh, magandang panahon. 'Yung maaraw. Tapos noon, okay na ko buong araw. 'Wag lang aantukin. Hahahaha. Kasi hindi ko mae-enjoy 'yung araw eh.
Pero ganoon yata talaga ang buhay. Hindi pwedeng wala kang hahanapin. I think, it's what you're made for. You're made to look for that 'something' in your life. Sa ngayon, nandiyan ako sa stage na 'yan. Gusto kong malaman ang gagawin ko sa buhay. 'Yung tipong maa-appreciate ko 'yung buhay kapag ginagawa ko 'yung 'something' na 'yun.
So ang ginawa ko, in-assess ko 'yung sarili through the past. Inisip ko rin kung ano 'yung mga gusto kong mangyari sa future. Pero wala eh. Parang wala pa rin kalinawan ang mga bagay.
Doon ko naisip na...bakit hindi ako mag-focus sa present? Tutal 'yun 'yung bagay na makikita mo talaga eh. 'Yun lang 'yung totoo.
Una kong nalaman 'tong quote na 'to sa shoutout ng kapatid ko sa friendster eh, si Ranel.
"Yesterday is HISTORY, tomorrow is a MYSTERY...but TODAY is a GIFT, that's why it is called PRESENT."
Natuwa ako noong una kong nabasa 'yan eh. Ang galing. Hehe.
Kaya ngayon, kahit hindi ko alam mangyayari sa akin bukas at marami akong dapat pang pag-isipang mga bagay, ayos lang. 'Yung kahit hindi ko alam kung lilipat ba ako ng school, magshi-shift ng course, ayos lang. Alam ko GOD is really working. Meron siyang plano para sa akin. At ang dapat kong gawin eh malaman kung ano 'yun.
Tama nga talaga 'yung sinabi ng classmate natin sa Literature:
"Let go and let God."
At one point, kelan lang, I was losing my faith. It was really hard to believe. My confidence has been crashing down for months before. I have no determination to do things. I do not know what to do. My parents, kind of, didn't trust me for sometime. And yes, I was even losing trust in my self.
It was hard. Wanting an inspiration but finding none.
Kaya ngayon, everyday, I would feel as if I am living on the edge. 'Yung tipong, 'yung mga sa tingin ko at sa tingin ng iba eh hindi ko gagawin, ginagawa ko. 'Yung tipong kahit kasama mo sila eh nami-miss mo pa rin sila. Ganoon. Kasi gusto ko mabuhay sa ngayon, hindi sa bukas at lalong hindi sa nakaraan.
Pero dapat pa rin tandaan na: to live in God's Law is the life to path and happiness. 'Yan ang direksyon ko ngayon. Dahil alam kong susundin ko Siya, for sure, palaging nandiyan Siya para sa akin. Kahit ano pang gawin mo, basta dapat isipin mo palagi 'yan, magiging okay ka.=)
Kapag alam mong nandiyan Siya, you won't need to worry about anything. Kasi you believe. And when you believe, you have FAITH.
"...when you lose faith...you lose EVERYTHING."
At tama, naalala ko, isa sa mga bagay na takot talaga kong mawala 'yan. At muntik na nga mangyari 'yun. Buti na lang kahit hindi ko Siya hinahanap ng mga panahong 'yun, nagpahanap pa rin Siya sa akin.=)
Ngayon, tina-try kong buuin 'yung mga nasira ko. Hahanapin ko 'yung mga nawala. Hahanapin ko 'yung mga hindi pa nakikita. Ita-try ko rin talagang sundin Siya.
"God loves everyone."