Tuesday, March 3, 2009

Promise

Haay. Nakakalungkot. Alam niyo bang hind nabasa ng GF ko ang post ko para sa kanya noong nakaraan. Para sa kanya pa naman yun.


Eto GF...puntahan mo na lang 'yung post ko na 'yun.


At Maligayang Bati. Alam mo 'yan. Mahal kita. Mahal ka ng Pakwans. At GF kung nagsasawa ka na sa akin, kasi sawain tayo pareho, sabihin mo lang. I'll set you free kung doon ka sasaya. Hahahahaha. Basta ako, hindi ako magsasawa sa'yo.=)


Through the good times and the bad, nandiyan ka para sa akin. At alam mong ganoon din ako sa'yo. Andito lang ako GF. Huwag kang mahihiya sa akin. Alam ko namang wala ka talagang hiya. Hahahaha. Joke. Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako. Kung kailangan mo ng taga-tawa sa mga jokes mo, andito lang din ako. Kung kailangan mo ng paglalaruan(alam ko naman eh), andito lang din ako. Mahihirapan lang tayo talaga sa pinansyal eh. Di bale kapag nakatapos tayo at may pera na ko...promise.=)


God bless, GF.=) I love you.=)

Sunday, March 1, 2009

LOVE

At dahil I am feeling good and happy today...(despite the uncertainties, confusion, doubt, anxiety, indecisiveness, etc.)...let me give you my...













Yeah. Yeah. Oo. Ikaw nga. I love you. Mahal kita. Don't you know that yet? Hindi mo pa alam?=)



Hahahahahahahaha=))

Prayer

Birthday kahapon ng isa kong close friend noong high school. Hindi ko alam kung mababasa mo 'to pero Happy Birthday sa'yo.=) God bless.=) Magpagaling ka kaagad.=)


Birthday niya pero parang ako pa binigyan niya ng regalo. At sabi niya sa akin i-share ko din daw 'yun sa mga kaibigan ko. Kaya eto, iniisip ko kung paano ko maipapaintindi.


Itong semester na 'to, mula umpisa hanggang magtapos yata eh nakakalokang talaga. Para akong nawawalang tupa eh. Hindi ko alam kung anung gagawin ko sa buhay ko. Ano ba talagang gusto kong matanggap, makuha, mahanap, makita, maramdaman, etc., hindi ko talaga alam kung ano. Parang wala kong gustong mangyari. O ang gusto ko lang mangyari eh 'yung mga gusto ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko makita 'yung daan.


Nasabi ko 'yan sa kaibigan kong 'yun. At alam niyo kung anung sinabi niya? Magdasal daw ako. Nagulat ako syempre. Hindi naman siya isa sa mga relihiyosong tao na kilala ko eh. At matagal na kaming hindi rin nakakapag-usap.


At doon ko na-realize, hindi na pala ko nagdadasal. I mean, 'yung totoong dasal. Prayer is talking to God. Ang prayer nanggagaling sa puso. Hindi 'yung mga memoryadong dasal. Dati araw-araw akong nakikipag-usap sa Kanya. Ngayon, naisip ko, hindi na pala. Although nagsisimba ko every week, wala sa puso ko eh. Buti dati kahit hindi ako every week magsimba, araw-araw naman akong nakikipag-usap sa Kanya.


May isa pa kong natuklasan. Sumasagot pala talaga si God. Alam niyo kung paano? Through the Bible. Ang sabi sa akin noong kaibigan ko, magdasal ka daw muna. Magtanong ka kay God. Sabihin mo sa Kanya 'yung mga problema mo at tutulungan ka Niya. Through the Bible. Pagkatapos mong magdasal, kunin mo 'yung Bible. Buklatin mo. Kung ano 'yung una mong mababasa, take it personally as His answer to your prayers.


Tinry ko siya kanina. At in fairness, kahit papaano nasagot niya 'yung mga tanong ko. Naisip ko, nandiyan nga lang talaga Siya. Sa Psalm 119 ko nabuklat. It repeats that the Law of God is the path to life and happiness.