Thursday, January 10, 2008

Jayjay Helterbrand and Mayor Binay

Parang ang tagal ko nang hindi nakapag-post ah.=) Well, busy kasi ako sa ilang mga bagay eh gaya ng pang-aaway kay Pangit. Napaka-feelingera kasi at napakamapapel.

Ano pa ba?=) Wala akong maisip ilagay eh. Ngayon lang ako nakapag-post kasi ngayon lang ako hindi inaantok. Tingnan niyo ngayon lang ako gising ng ganitong oras.

Hmmmm...alam ko na. Marami rin akong mga hindi nai-post dito eh tulad noong kay Mayor Binay. Akalain niyo close kami.haha=) Nagpunta kasi kami doon sa kamag-anak namin na namatay sa may Makati. Eh nagpunta rin doon si Mayor Binay. Hihingi nga kami dapat ng pinsan kong lukaret ng regalo eh kaso ang pinapamigay niya lang 'yung 3 for two pesos na candy ang pangalan Jojo. Pero in fairness, mabait naman si Mayor ah. Nakatayo kasi ako sa may gate eh tapos 'yun nagpaalam siya sa akin with matching tapik pa sa braso ko ah. Close?!=)haha Sa susunod na Pasko Mayor, sisiguraduhin ko na.=)hahahhaha

At if there's one thing missing in my blog that is definitely part of my life, it's PBA and Brgy. Ginebra and Jayjay Helterbrand. Nakakainis nga eh, hindi na naman ako makakasama kina Geby if ever manonood ulit sila sa Araneta sa Sunday. Isang beses pa lang ako nakakanood ng live na game ng Ginebra eh at hindi pa naglaro noon si Jayjay. 'yun 'yung nagpunta kami sa Lyceum, matagal na 'yun. Thanks to Ate Jesa.=) Kawawa naman ako, papanoorin niyo naman ako. Sponsor-an niyo lang ako o, wala akong pera eh.=) Sa mga gusto akong sponsor-an, just text me. Wag kayo mag-alala may special post kayo dito sa blog ko.=)hahhaha Teka naglalagay ako ng picture dito ng Mr. Fast ko!=)hahhaha Ay naalala ko na naman, hindi na naman ako makakapunta, hindi ako makakapagpa-picture kay Jayjay. Sponsors, please!=)hehhhe










Okay. Tama na, kinikilig na ako!=)hahahahhahaha Yiee..=)

Sponsor,sponsor!=) Sige na..=)hehehhe

Sige, baka mag-post ulit ako mamaya.=)hehe

Sunday, January 6, 2008

Siblings

Noong Friday, nanonood kami ng Papa ko at saka mga kapatid ko ng T.V. PBA 'yun, Ginebra game. At the same time, kumakain din kami ng kung anu-ano lang. Siyempre sa akin sweets.=) Sabay-sabay kami noon eh, kaya most likely sabay-sabay din kaming natapos. Pinagtatawanan nila si Jayjay ko. Ang galing-galing kaya niya. Best player of the game!=) Maya-may narinig ko 'yung kapatid kong batang lalaki, first year high school.

"Inom tayo noong red wine." Tapos tumawa siya, pero hindi siya nagbibiro. Minsan ko lang maringgan 'yun ng ganoon ah.

Sabi ko, "Sige, sige!" Na-excite daw ako.haha=) Thrilling eh.

Umentra naman ang kapatid kong pangalawa, babae, third year high school, "Uy...."

Korni talaga noon.=)

Akala ko narinig kami ng Papa ko pero papunta na pala siya sa washroom. Kasi kung narinig kami noon, malamang lang na pigilan niya kami noh. Mababait kaya kaming magkakapatid. Hindi kami umiinom.=)hehehe

Sabi ko, "Bilisan mo, bilisan mo!"=)

Nasa ref kasi eh, pinapakuha ko habang hindi pa kami napapansin ng Papa ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi kami narinig noon eh. Malakas naman boses namin. Bingi lang siguro talaga Tatay ko.

'Yung pangalawa ko namang kapatid na-excite. Tawa na kami nang tawang tatlo. Eh cork 'yung nandoon sa wine. Mahirap buksan. Alam ko tinry ko na 'yun buksan days before noong Friday eh.=)hehehe Ang nagbukas 'yung kapatid kong babae. Medyo mataba 'yun eh. At saka malakas siya. Dati kapag nag-aaway kami hindi ko makaya 'yun eh. Nabuksan naman niya. At tawa pa rin kami nang tawa with matching excitement. Ang saya kaya nang ganoon lalo na pag di ka nahuli.hahahaha=)

Ready na 'yung baso namin eh. Pero konti lang 'yung kinuha namin mahahalata eh.=) Tapos 'yun tawanan pa rin to the max. Hindi daw masarap sabi nila. Ako rin umubos noong nilagay nila eh.hahahaha=)

Pero ang saya talaga. In the end, hindi kami nahuli. Pero sinabi ng kapatid ko sa Mama ko.=) Bonding moments naming tatlo.=)

READ: Uy, hindi ako bad na Ate ah. Hindi naman ako ang nag-initiate eh. 'Yung kapatid kong lalaki. Decider lang ako. Kasi di naman nila gagawin 'yun nang walang approval ko eh.=)hahhahahahhahaha (Wow, parang Marketing lang ah.=))

Thursday, January 3, 2008

Happy New Year(Not Really Late)

Huli na ba ko sa Happy New Year?!=) Hindi pa naman di ba?!=) Kaya.........

HAPPY NEW YEAR!=)

As usual hindi naman ako lumalabas ng bahay kapag New Year eh. Una, ayoko mausukan. Pangalawa, takot ako sa mga paputok.=)hehe Ang epal nga eh, sumilip lang ako sandali sa labas sa may pintuan namin tapos ayon, inubo na ko. Ang korni, nahirapan ako humihinga. Kailangan ko pa tuloy umupo para maayos 'yung paghinga ko.

Noong January 2 naman may pasok na kami. Sobrang korni nitong UE eh. Wala naman kaming ginawa. Ayun nanood na lang kami ng Sakal, Sakali, Saklolo. Nahihirapan pa kong sabihin yan. Lagi ko na lang nasasabi 'Sakalo'.=)hehe Pero promise, super nakakatawa talaga.=) Lalo na si Bronson. Ang cute ng anak nila Judy Ann at Ryan doon.

Ano pa ba? Wala na ko maisip.hehehe=)

Ay! Meron na nga pa lang Season 2 'yung It Started with a Kiss. Nakakatawa pa rin sila. AT. Ang lupit na ng mga kissing scene ngayon ah. Parang may bed scene na rin. May ganoon din sa Coffee Prince eh. At showing na siya sa Philippines ngayon. Yeah!=) Kinikilig ako.=)hehehehe

Panoorin niyo ah.=)hehe Pati 'yung It Started with a Kiss kapag pinalabas na kaso baka medyo matagal pa 'yun. Showing pa lang yata 'yun sa Taiwan eh.

At nga pala, I'm still learning and I'm not going to stop 'till I master it!=) Ano 'yun? Hindi ko muna sasabihin ngayon, kapag magaling na lang siguro ako.=)