Tuesday, November 6, 2007

Second Sem--First Day

Boring. Biruin niyo ba naman 17 lang yata kami doon sa block namin. Well, hindi pa naman tapos enrollment kaya malamang bukas meron pang madadagdag. So far, so good. Mukhang okay lang naman 'yung mga profs namin lalo na si Prof. Bisquera. Kinikilig ako sa kanya.=) Sosyalin talaga. Mag-aaral ako ng Business Mathematics para sa kanya.haha=)

Buti nga naka-survive ako ngayon eh. Wala akong tulog. Napikit lang yata 'yung mga mata ko bandang alas-tres na ng madaling araw kanina tapos nagising ako 4. Ok, kumusta naman 'yun. Alam niyo namang hindi ako sanay ng walang tulog eh. Ang resulta tuloy nakatulog na ako sa Jabi, sa 402, sa 202. Lahat ng pwede kong matulugan.=)haha
____________________________________________________

Madalas akong nagpa-process ng tao. Kung bakit ganyan siya, ganito siya. Actually, I don't intend to, pero nagyayari eh.
____________________________________________________

Salamat nga pala sa Girlfriend ko sa pagbibigay niya sa akin ng maliit na notebook na may cover na Dexter's Lab. Salamat, Girlfriend!=)

At sorry dahl nakalimutan ko, salamat nga pala kina Shaira at Jammy sa pagpapakain nila sa akin. Salamat at sa uulitin!=)haha
____________________________________________________

Ang saya noh? Masyado ba kong mabait para tratuhin niyo ng ganito?hahaha=) Masyado ko tuloy nafi-feel ang Christmas.=)haha

Monday, November 5, 2007

Is this Happiness? I hope it never ends.=)

Hay nako...tapos na naman ang bakasyon. Actually, ayoko pa talaga pumasok eh.=) Tinatamad pa ako.=)

Ang saya ng ko ngayon. 'Yung masaya talaga ah.=) Hindi ko mai-describe 'yung feeling eh, pero ita-try ko. 'Yung masaya hindi dahil may natanggap akong pera from Lolo(Lucio Tan), nakita ko 'yung crush ko, na-maintain ko 'yung scholarship ko, binigyan ako ng pagkain o kahit ano. Hindi ganoon eh. Masaya ako kasi...masaya ako. Ewan ko ba. Pero siguro, it is peace within myself. Alam niyo 'yun? 'Yung free from worries. 'Yung tipong alam mong hindi ka pa enrolled pero okay lang, masaya ka pa rin. 'Yung kahit alam mong panibagong semester na naman, panibagong hirap, okay lang masaya pa rin.

Matagal ko nang hindi na-feel 'tong ganito eh. Siguro it was 2 years na rin. Third year pa yata ako noon. Tama ba calculation ko ng 2 years? Ayoko mag-isip eh.=)hehe Grabe feeling ko tuloy parang ang haggard ng buhay ko noong 4th year high school at 1st year college.

Mukha nga akong tanga kanina eh. Nakatayo ako sa may bintana sa 2nd floor ng bahay namin. Nakatingin lang ako sa langit. Tapos tumatawa-tawa at ngumingiti-ngiti ako. Okay lang, isa lang naman nakakakita sa akin noon eh, at for sure alam niya 'yung nararamdaman ko noon.=) Feeling ko, the Lord is breathing a new life to me, mahangin eh.hehe=) Ito 'yung pinaka-refreshing na bakasyon ko. I feel refreshed in and out.=)

Siguro this is what you call happiness out of nothing. At ang keys? Accept. Forgive. Forget.=)
_______________________________________________________

Noong isang araw yata 'yun, nagpunta ako sa bahay ng Lolo at Lola ko. May kinuha lang ako. Nag-uusap sila about sa problema. Ang dami daw kasi. Naisip ko habang pabalik ako sa bahay namin which is 10 steps away lang mula sa kanila, kung walang problema, e di wala kang pagkakataon sumaya. Siyempre sasaya ka lang naman kapag na-overcome mo na 'yung mga problema sa buhay mo, di'ba?=)

Alangan namang mabuhay ka nang walang problema? Anong gagawin mo noon? Nabuhay ka pa, di'ba?=)haha

Pero siyempre, it was all in my mind and now, in my blog!=)

At ito pa. Natawa ako sa kapatid ko kanina. Bigla siya nagsalita,"Nakakasawa 'tong buhay ko!" Pero nakatawa rin naman siya noon. Ayaw niya na raw pumasok sa eskwelahan. Baliw. 1st year high school pa lang, tinatamad na. Ang sarap kaya mag-aral. Actually, kung matapos ko 'tong course ko ngayon eh mag-aaral pa ako eh. Psychology o kaya Law.=)hehe Seryoso. At ngayong summer, gusto ko mag-enroll ng Madarin Chinese. Matagal ko na kaya gusto matuto noon. Kung sino man marunong mag-Mandarin diyan, paturo naman. Don't worry, I'll compensate.=)
_______________________________________________________

At Josette!=) Salamat sa headband!=) Di ko talaga alam na thoughtful ka pala.haha=)

Coffee Prince--Finished!

Yehey! Tapos ko na 'yung Coffee Prince. 'Yun ang pinagkakaabalahan ko for the past two days, I think. Ang ganda po nito at saka ang gwapo ng bida!hehe=) For sure, marami ang manonood nito kapag pinalabas na sa Philippine TV. Nakakatawa 'to!=) Heto 'yung synopsis:

The heroine, Go Eun Chan, disguises herself as a man in order to avoid an arranged marriage. She works in a coffee specialty shop and then falls in love with the hot-tempered president of the shop, Choi Han Kyul. Han Kyul thinks that Eun Chan is a man so he starts to question his sexuality and Eun Chae is torn that she cannot reveal herself unless she wants to get herself married off.

Ang cast ay sina Yoon Eun Hye (si Janelle sa Princess Hours) at si Gong Yoo na ang gwapo.=) Himdi ko pa siya napapanood sa mga Korean dramas na ipinalabas dito sa Philippine TV. Heto 'yung pictures niya at pictures from coffee prince:










O di'ba?!=)

Meron pang isang magandang Korean drama eh, 'yung Hello! My Lady. Nalaman ko lang 'yan sa isang taong mahilig sa Korean dramas eh. Nakakatuwa talaga 'yun. Hindi ko na babanggitin pangalan, baka magalit pa sa akin eh.=) Pero mabait naman 'yun, sabi niya sa akin mayabang daw ako at di kagandahan.=) Siyempre natawa lang ako. Hello?!=) Ako?! Mayabang at di kagandahan?=) Siya po 'yun 'wag kayo maniwala, mayabang at feelingero.haha=) Peace!=) Hindi ko alam kung binabasa mo blog ko pero di'ba sabi ko sa'yo basahin mo?haha=)