Pero unang-una. Congratulations, Josette Panget!=) At last, meron na kong kaibigang may trabaho na FOR SURE eh ililibre ako. Hahahahaha.=))
Kasi tinry namin mag-apply ng trabaho as call center agent. Kaso cancel ako. Hahahaha. Pero okay lang din naman sa akin dahil noong nagfifi-fill out ako ng form eh bigla ko na lang nasabi, "Anong ginagawa ko dito?!" Kinakabahan kasi ako. Ayan, ang resulta eh, cancel ako. Hahahaha.
Noong una nga na hindi namin alam kung saan ba talaga mag-a-apply doon eh(ang dami kasing Telus), gusto kong i-suggest na 'wag na kami tumuloy eh. Pero syempre hindi ko ginawa. Gusto ni Panget eh. Hahahaha.
Pero in the end, after the cancellation sa akin eh may na-realize ako. Hindi pala ko pwede sa mga ganyan kasi hindi naman ako ganoon kadaldal at mas gusto kong ako 'yung kinukwentuhan. Sa mga close friends ko lang gaya ng Pakwans ako maraming sinasabi. Hahahaha. Minsan nga hindi ko pa sila kinakausap eh. Hahahaha. At saka, kung matanggap man ako, it will be more than I could take.
Basta Josette, aasahan ko talaga 'yang libre mo eh. Hahahaha.
Congrats, dude. Alam mo 'yan. Call center agent ka na. Hahahaha.
Sa totoo lang, sa mga ganyang pagkakataon sa buhay ng mga kaibigan ko, gusto ko nandoon ako para saksihan ang pagbabago ng mga kanilang buhay.=)
_____________________________________________________________________________________
Habang naghihintay naman kami kay Josette na matapos ang kanyang interview, mineet namin ang aming high school friend na si Joanna Marie Sapitula(Hindi talaga siya kapangalan ni GF eh. Hahahaha.).
'Yang si Jo, naaalala ko talaga pinsan ko sa kanya eh. Parang ganoon din. Praning. Hahahaha. Pero mabait 'yan. At super daldal. Eh kami ni Gerby, mas gusto namin makinig sa mga tao, so go lang sa daldal si Jo. Hahahaha. Kinukwento niya ang buhay nurse. At in fairness, mukhang na-e-enjoy niya naman. Nainggit nga ako eh. Sana ganyan din ako, na-e-enjoy ang Accounting. Kinuwento niya kung ano 'yung mga experiences niya sa pagpapaanak. Hahaha.
Meron din BF 'yan si Jo. At in fairness naman sa kanya, buti natitiis niya ang ka-praning-an ni Jo. Okay 'yan si Wallido. At tatlong taon na sila, inferness.
_____________________________________________________________________________________
At natupad na din ang pangarap ko!=) Hahahahaha. Ang saya. Meron na akong negativitee shirt. "Selosa." ang nakalagay. Salamat, Gerby!=) Promise, exempted ka na sa pagbibigay ng regalo sa akin sa birthday ko. Hahahahaha. Pero meron pa kong isang pangarap eh. 'Yung "Antukin." shirt naman. Kaya ehem ehem...Hahahahahahaha.=)

_____________________________________________________________________________________
At kani-kanina lang, nagsagot kami ng kapatid ko ng Right or Left Brain Quiz. Eto 'yung kung anong side ng brain mo 'yung mas madalas mong ginagamit. At na-sad ako. Kasi sa aming tatlo, ako lang 'yung left brain ang mas ginagamit. Hmpf. Fine. Hahahahaha.
_____________________________________________________________________________________
At sa wakas, nakita ko na ulit si Jayjay(Helterbrand) sa court!=) Hahahahaha. Kinikilig talaga ako. Hihihihi;)) At bago ang hairstyle niya. Gwapo!=) Hahahahaha.
Conversation of Deso, Kuya El Cid and Gerby about Jayjay:
Deso: pacute buhok neto oh..
Kuya El Cid: pacute buhok P.I.
Gerby: Ang panget!
Hahahahaha.
Pinaka-bad si Gerby. Hahahaha. Joke lang pala. Hihihi. Good kaya si Gerby noh. Di'ba? Hihihi;))
_____________________________________________________________________________________
Sa ngayon pala, dahil takot akong walang gawin sa summer eh, kinukulit ko si Gerby kung anong magandang pagkaabalahan sa summer. Ang daming options eh. Hahahaha. Kaya kung may suggestion kayo, comment na lang o kaya tag. Salamat. Hahahaha. Maa-appreciate ko, promise!=)