Unang-una. Sa mga trip na trip magtanong, yes, may natapos. At syempre meron din nagsimula. Ayan ang epekto ng deadline. Pero it doesn't mean na wala na. Na-gets niyo ba? Hahahaha. Sana na-gets niyo 'yun. Actually, 'yang deadline na 'yan, ang epekto sa akin niyan siguro ay ang pag-iiba ng focus. It doesn't work like this, then I'll let it go. Bahala ka na. Pero hindi ibig sabihin na I gave up. Magkaibang chorva 'yun. Although it makes me sad like that, wala naman akong magagawa eh. At kung meron pa kayong trip malaman, see posters and print ads for details. Hahahaha. Joke lang. Free magtanong sa akin noh.=) Basta 'wag lang tungkol sa AC206. Hahahaha.
"Love dies when it ceases to hope nor fear."
Sa mga nagtatanong kung okay ba ako eh eto lang masasabi ko: masaya naman ako. Kahapon medyo depressed pero okay na ko ngayon. At epal. Magastos kapag ako ang nade-depress eh. Badtrip. Hahahaha.
Alam niyo ba? Napanood ko sa lumang movie ni Aga at Claudine(hindi ko alam title eh) na nakaka-cancer pala ang stress at depression kasi daw nako-confuse daw ang cells ng mga tao kapag ganoon. Shocks. Kailangan ilabas itey.
Hindi ako absent dahil pinagalitan ako noh. Mga adik kayo. Kalokohang teorya. Hahahaha.
Kanina, habang pauwi kami ni Ciel, iniisip ko kung anung gagawin ko sa buhay ko eh. At eto naisip ko siguro dapat nga akong lumipat. 'Yung malayo sa tukso. Hahahaha. At yes, kanina nasabi ko na sa mga magulang ko. Wala naman silang sinabi. Tinanong pa nga ako ng kapatid ko kung anong course ang kukunin ko doon eh. Eh di sinabi ko Accountancy. Biglang sabi ng Nanay ko, "Akala ko ba ayaw mo na ng course mo?" Sabi ko, "Eh di ba ayaw niyo naman mag-shift ako?" Sagot naman ni Papa(na ikinagulat ko), "Ikaw kung anung gusto mo..kung gusto mo mag-shift." Oh well, sosyalin noh? Kasi kahit minsan nagkakagalit-galit kami, we're still afraid to lose each other. Nakanaman. Hahahaha. Parang love lang.=)
So eto iniisip ko nga. Pero mukhang I will stick to my decision kapag nagkataon. Gusto ko ng mga bagong mukha, bagong gagawin, bagong environment. Nakakasawa kasi eh.
Kanina nga, noong pauwi na ko, nakita ko 'yung kaibigan ko. Si Raymond. He belongs to the third sex. Pero wa pakels ako doon, marami kasi akong friends na ganoon eh. Dati naaalala ko nagti-teacher-teacher-an lang kami. Ngayon teacher na talaga siya. Kasama nga niya kanina 'yung mga estudyante niya eh. Back to dati, si Mama kasi binibili niya kami ng blackboard(na green naman talaga) para maengganyo kami magsulat. Bale 'yun 'yung board namin tapos 'yung teacher namin si Raymond. Mga bandang 8 palang(hindi ko nga alam kung bakit ang aaga gumising ng mga bata) nagtitipon na kami sa tapat ng bahay namin. Strict parents ko eh, hindi pwede sa malayo. Hahahaha. Tapos 'yun. Gumagawa pa talaga siya ng mga tests namin. Effort pa sa pagpapa-photocopy 'yun. Kaya 'yung summer namin, worthwhile. Hahahaha.
Astig talaga si Raymond. Bata pa lang siya teacher na talaga 'yun gusto niyang maging. At natupad naman niya. Wow.
Ako kaya? Hmmm...
Gusto ko lamang sa buhay ay...
yakapin mo ako.=)
Itchyworms.=)