Tuesday, March 3, 2009

Commitment

"May BF ka na?"

"Wala."

"Sa ganda mong 'yan...wala?"

"Hahahaha. Salamat sa pagsabing maganda ako, pero oo wala akong bf."

"Bakit naman?"

Kapag tinatamad mag-explain: "Wala eh. Walang magkamali." Para tapos na kaagad ang usapan.

Kapag naman sinisipag: "Wala lang ayoko lang mag-bf pa eh."

"Bakit naman?"

"Mahirap kasi mag-commit eh." (Sana naintindihan nila 'yan.)

"Ahh...eh nagka-bf ka na?"

"Hindi pa."

"Ows? Talaga?"

End of conversation.

_____________________________________________________________________________________


These days 'yan ang mga usual na conversation between boys and girls. Ang epal. Nakakasawa 'yung ganyan. Paulit-ulit na tinatanong. Badtrip. Hahahaha.


Pero seriously, commitment talaga ang reason bakit wala pa kong boyfriend. Gaya nga ng palagi kong sinasabi, mahirap mag-commit. Sa mga gusto at ayaw mo, parehas lang mahirap mag-commit. Bakit? Kapag sa ayaw mo ikaw nag-commit, it's unfair. Hindi balanse ang mundo. Sa lahat ng relationship na papasukan mo, dapat mutual, sabi nga nila. At kung sa ayaw mo ikaw nag-commit, in the end, makakasakit ka lang ng tao. Kung sa gusto mo naman ikaw nag-commit, para sa akin, masaya syempre pero matatakot ka na masaktan ka naman o kaya makasakit ka. Tulad ng commitment sa family, sa studies, etc. Pinagpapaguran 'yan. Iniintindi. Kahit masaktan ka paulit-ulit o masaktan mo sila ng paulit-ulit, alam mong hindi pa rin sila mawawala at palagi ka pa rin nandiyan para sa kanila.


O diba? Positive thinker kasi talaga ako eh. Hahahaha.


'Yan. 'Yan ang dahilan kung bakit wala pa kong boyfriend. Hahahaha.


Pero you know what, siguro noong nakaraan, I felt I was ready to commit eh. Kaso wasted. Wasted chances. Well, ganoon talaga. Alam niyo 'yan.


At alam niyo rin bang, at least for once, in the past 18 years of my life, nasabi ko na may deserving na tao para sa commitment ko. (Wow, bonggacious. Napakamahal naman ng commitment na 'yan. Hahahaha.) Kasi, for sure, kung nag-commit ako sa taong 'yun, magiging faithful ako as long as it lasts. At siguro ganoon din siya. Marami mang lalaki diyan, at least para sa akin, siya lang. Hahahaha. Pero di bale na lang. Ganoon talaga ang buhay.=) Back to square one tayo ngayon.


Hopefully, ma-feel ko ulit 'yang urge to commit.=)

No comments: