At dahil nami-miss na ko ng mga kaibigan ko sa blogosphere...=)
Ikukwento ko na lang sa inyo ang kachorvahan ko sa buhay. Ooops. Past na itetch kaya 'wag kayo ma-excite. As in matagal na 'to. Inamag na ng panahon.
Actually bata pa ko nito eh. Hahahaha. Bata pa lang lumalandi na. Hahahahaha.
Magsimula tayo noong Grade 1 ako. Noong grade 1 ako una nagkaroon ng social life far from family kasi nagseservice ako noon. E di syempre may mga servicemates ako. Hindi ko masyado maalala 'yung mga classmates ko noon eh, mga servicemates lang. Una kong naging kaibigan noon si Marielle. Maganda siya, matangkad at syempre mabait. Siya 'yung naging close ko noon kasi siya 'yung ka-batch ko. Ang isa ko pang naalala eh 'yung Grade 5 na gwapong lalaki na ka-service ko rin. (Wag na kayong mag-react, ang pag-appreciate ng beauty ay hindi nakukuha sa edad. Hahahaha.) Meron siyang ate eh, Grade 6 naman, maganda rin. Maganda ang lahi. Hahahaha. Actually kilala ata ng Nanay ko 'yung family nila. Pero hanggang doon lang 'yun. Imposibleng magkaroon ng affair ang isang Grade 1 at Grade 5. Hahahaha.
'Yung nagsesevice kasi sa amin, si Mang Francis, may tropapips. Hahahaha. Joke. Minsan kasi pinapasabay niya kami sa service ni Mang Endong (kapatid niya) o kaya kay Mang Jerry (kaibigan niya). Pero 'yung kay Mang Jerry, not until Grade 3 ata niya kami unang pinasabay.
Grade 2. Doon ako unang nakasabay sa service ni Mang Endong. Medyo hindi ko feel mga tao doon. Ewan ko kung bakit. Pero ang alam ko noon, meron silang chinochorva sa akin na ka-batch namin eh. Si Dexter. Oh well, ang akala ata nila crush ko 'yun eh. Tapos feel na feel naman niya. Hahahaha. Pero actually, di ko matandaan kung crush ko nga ba 'yun. Hahahaha. Landutay. Hahahaha. Pero ewan ko ba, kahit nananahimik ako, hinahabol ako ng mga issues. Kita niyo bata pa lang ako, ganoon na. Masyado lang yata talaga akong maganda eh noh? Hahahaha.
Ang alam ko una ko rin nakilala sila Deborrah at Justin noong Grade 2 ako eh. Pero hindi ako sure. Para kasing bigla na lang sila sumulpot sa buhay ko. Hahahaha. Si Brent naman, hindi ko maalala kung kailan eh. Bale kami 'yung magkakasama ng buong Grade school life ko.=)
Ang naalala ko talaga noon eh kasama ko si Deborrah tapos etong si Justin, papansin. Sinusundan niya kami kahit saan kami magpunta ni Debbie. Doon ko siya unang na-notice. Ang kulit kasi eh. Sabagay ganun naman ata talaga kapag mga bata eh noh?
Grade 3. Eto 'yung vivid na talaga sa utak ko 'yung mga nangyari. Hahahaha. Dito kasi marami akong nakilala. Kasi noon kami unang pinasabay sa service ni Mang Jerry. Okay mga tao doon, friendly. Dito ko unang nakahanap ng kaaway. Hahahaha. At take note lalaki ah. Ewan ko ba, nahati kasi sa dalawa 'yung mga ka-batch ko eh. Boys vs. Girls.
Inaaway ko 'yung malaking lalaki na mataba na itago na lang natin sa pangalang Ralph. Inaaway niya ko eh. Kalalaking tao. Tapos ang yabang. Hahaha. Usually noon, kung hindi kami magkakasama ng mga girls naglalaro ng ten-twenty eh nakikipag-away kami sa mga boys. Hahahaha. O diba? Leader-leader-an ako noon eh. Hahahaha. Natutuwa ako noon kasi may kaibigan kaming babae na ang tangkad 5 footer na siya noon, samantalang ang liit ko. Ang kaso tomboy siya. (FYI: Sa UE siya nag-aaral.) Pwedeng secret weapon. Hahahahahaha. Pero magkaaway din ata kami noong una noon eh. Naging friends na lang kami eventually.
Si Justin, tahimik lang siya noon. Hindi siya nakikialam sa mga away chorva namin noon pero sumasama siya sa mga boys. Malamang. Pero pag nasa school kami, classmate ko siya noon eh. Lagi niya akong inaasar kasama 'yung gwapong crush ko din na si Richard (Hahahahahahaha). Pero ayos lang naman. Kunyari chorva lang. Alam ko kasi nasa unahan ako noon eh, tapos punta pa siya doon, para mang-asar. Parang bata. Ay bata pa pala kami noon. Hahahaha.
Seatmate ko noon si James Nikko, na service din ni Mang Jerry. Naalala ko sinumbong ko siya sa teacher namin kahit magkaibigan kami eh. Sabagay kasalanan niya kaya 'yun. Hahahaha. Eh pano kasi nakahanap ako ng weapon sa war ng mga Girls vs. Boys, plastic. Sabi ko lalagyan ko ng tubig tapos hahagis ko sa kanila.(FYI: 'Yung mga lalaki talaga ang nagpauso noon. Kinakawawa nila 'yung mga babae. Hahahahaha.) Kami ni James Nikko, magkaibigan kami sa classroom pero sa labas hindi. Ang hindi ko alam eh kung "malambot" siya. Hahahaha. Tumatawag din siya sa bahay para makipagchismisan sa akin. Hahahaha.
Si Deborrah a.k.a. Debbie lagi ko siya kasama. Siya lagi ko kalaro sa ten-twenty, chinese garter, etc. Magaling nga siya sa mga ganun eh. Ako dati 'yung level 4 hindi ko abot eh. Hahahaha. Tapos lagi ako pinapagalitan ni Inay kasi marumi ang medyas ko.
Si Brent naman, ewan ko ba dito, inosente siya eh. Tapos laging ang dumi. Seriously. Tapos ang gulo-gulo ng gamit. (Ayan talaga naalala ko sa kanya, sa tinagal-tagal na lagi kami magkasama dati.)
Grade 4. Ah. Tapos na 'yung war. Nag-mature na kami ng onti. Pero ganoon pa rin. Magkakaibigan pa rin kami. Hehe. 'Yung room nila Justin sa tabi ng room namin. Ang naalala ko nito 'yung meron may crush kay Justin na asar na asar siya. Hahahahaha. Pero sa totoo lang epal naman kasi 'yung babae eh, feeling ata niya maganda siya. Hahahaha. When in fact, pinaplastic siya ng mga tao sa paligid niya. Hahaha. Basta 'yun. At basta rin alam ko crush ko din si Justin noong mga panahong 'to eh. Hahahaha. Ang kaso busy ata kami sa mga activities noon. Busy sa mga classmates. Taga-sulat pa nga ako ng noisy noon eh. O ye. Hahahaha.
Grade 5. Ah. Classmate ko si Richard nito at nagkaroon siya ng girlfriend na classmate din namin. Lupet. Hahahaha. Naging seatmate ko 'yung babae na 'yun eh. Mabait naman sa maganda rin naman. Eto naman, 'yung makulit kong kaibigan din na kasama ko sa pang-aasar sa seatmate kong si Benito na obsessed sa third eye (muntik na nga ako maniwala noon eh), si Jennalyn a.k.a. Jhen eh ginawan ako ng issue kay Ken Tozawa. Hahahaha. May itsura naman siya, kaso masyado pa siyang isip bata. Hahahahahahaha.
Dito ko naman unang nakilala si Bernard. Siya 'yung higher batch na isip-bata din pero mabait. Tapos may pinsan siyang si Carl Kalabaw at 'yung ate noon. Hahahaha. Doon ko unang narinig ang word na, "hentai". Hahahahaha. Kay Carl actually, kasi mahilig siya sa anime ng ate niya at magaling sila pareho magdrawing. Back to Bernard, makulit siya talaga. At alam ko pag nasa service buddy-buddy sila nila Justin at Brent.
At eto sasabihin ko na rin, yeah, matagal ng may issue sa amin ni Justin noon. Hahahahahahaha. Landutay. Hahahaha. At noong Grade 5 talaga chumorva ng husto. Dahil kay Bernard echusero. Hahahaha. Hindi nga kami nagpapansinan noon ni Justin eh lalo na kapag may ibang tao. Kapag kaming dalawa lang, nag-uusap naman kami. Minsan nga naalala ko, una kong makakapunta sa plaza(doon nagpapark 'yung service namin) tapos dadating siya, lalagay lang niya 'yung gamit niya sa tabi ko tapos mag-iikot-ikot na doon sa plaza. Epal. Hahahaha. Pero ayos na rin 'yun. Baka kasi di ko siya makausap eh. Hahahaha. Joke. Minsan naman nakaupo lang kami. Tahimik lang din. Konti lang pinag-uusapan namin. Hehehe. Nagkakailangan na kami dahil sa mga chorvang issue. Hahahaha. One time, etong si Bernard eh nang-aasar, kasama niya si Brent. Inaasar nila kami. Nagkataon kasi na apat lang kami sa service noon. Wala si Debbie eh, may practice ng choir. Torpe daw si Justin. Hahahaha. Si Justin naman namumula. Hahahaha. Ako, deadma, kunyari. Hahahaha. Pero, seriously, I think there's something between us since we were in Grade 3. Ay, landutay! Hahaha. Naalala ko rin, 'yun kaibigan yata ng kapatid niya, si Nadine, eh may gusto kay Justin. Tapos tuwing dadating ako lagi na lang magbubulungan. Asar. (Kasalanan ko bang ako type niya?! Hahahahaha. Joke.)
Ah yeah. Sasabihin ko lang, actually si Justin ang naalala ko kapag naririnig ko 'yung kantang, This I Promise You. Hahahaha.
Isa pa, alam ko eh napagalitan ako ng Nanay ko dati kasi etong si Justin eh kinurot yung kapatid ko, nagkapasa tuloy. Hindi ko alam kung bakit ginawa niya 'yun eh, unlikely from him. Hindi ko alam kung nanggigil lang siya o nagselos. Hahahahaha. Joke. Eh kasi naman mabait ako dati, bata pa kasi 'yung kapatid ko. Nanay nga tawag sa akin ni Justin dati eh. Epal.
Grade 6. Sa totoo lang wala akong pinagsasabihan na crush ko si Justin. Kahit kay Debbie na lagi kong kasama, hindi. Kay Karen lang, 'yung classmate ko noon. Apat kami laging magkakasama noon eh, ako, si Karen, Levyn at Lourdes. Sila ang may alam ng lahat. Hehehe. Sa kanila ko rin unang sinabi na crush ko si Moses. Si Moses noon ay classmate ni Debbie. At sinabi ko 'yun kay Debbie, na crush ko nga si Moses. At guess what? Sinabi din sa akin ni Debbie 'yung crush niya. Guess who? Si Justin. So ako, okay lang, precious friend ko 'yun eh. Pinanindigan ko na lang na si Moses talaga crush ko. Hindi ko na lang sinabi na ang gusto ko eh si Justin. Syempre nakarating 'yun kay Justin na ang crush ko eh si Moses. Ang kaso, hindi niya alam na gusto ko nga siya. Whew. Naalala ko pa nga noong Graduation day namin, si Justin nasa may gilid ng aisle, eh ako magma-martsa pa lang noon. Mantakin mo ba namang pagdaan ko eh sinabi 'yung pangalang Moses. Okaayyy.
So that's it. O di'ba? Walang kwenta. Hindi ko man lang naipaalam sa kanya 'yung totoo. Kaya kayo, kung may gusto kayong pagsabihan ng kung anuman, sabihin niyo na before it's too late. Noon kasi pinapili na ko ng Nanay ko kung saan ako magha-high school. Financial difficulties. Naoperahan kasi si Mama noon. JRU, Sta. Rosa o LICS. Kaso sabi nila wag na raw sa JRU malayo daw eh, sakitin kasi talaga ako noon. Sa Sta. Rosa naman ayoko doon, konti ang mag-aaral. Pero maganda uniform nila, pink. Hahahaha. So choice ko, LICS. Actually ayoko talaga doon eh at ayoko lumipat. One reason eh 'yung kachorvahan ko nga dati. Hahahaha. Pero it turned out na okay naman pala. Okay na okay.=)
Kanina nakita ko si Justin eh. Tangkad na niya. Dati alam ko mas matangkad pa ko doon eh. Tapos ganda rin ng katawan. Ooops. Di ako manyak sinabi ko lang ang totoo. Hahahaha. At dahil doon, naalala ko tuloy 'yun. Nostalgic. Alam niyo bang ang lagi kong nakikita eh si Justin kahit na mas malapit ang bahay nila Deborrah at Brent sa amin. Hahahaha.
Sa ngayon, I could wish him nothing but happiness. Kasi masaya ako, kaya sana maging masaya din siya.
Isa lang ang masasabi ko na nabasa ko from a Paulo Coelho, kung pipili ka ng bagong direksyon ng buhay mo, iwan mo lahat ng nakaraan mo. As in lahat. Huwag kang magtitira kahit katiting. Kasi 'yang katiting na 'yan, 'yan ang sisira sa'yo eventually.
No comments:
Post a Comment