Naisip ko.
Hindi naman pala masyado magkaiba ang mga lalaki at babae noh? Hmm...tama. Hindi nga sila masyadong magkaiba. Malamang. Ang epal ko na naman eh noh? Hahahaha. Tao rin kaya sila. Tulad ng mga babae, nabibigo, umiiyak, nangti-trip, tumatawa, nanyinyismis, etc. Siguro, magkaiba lang sila ng degree of chorvaness. Na-gets niyo ba?
Pero siyempre, ang tao unique. Kaya hindi sila pwedeng magkakapareho kahit lahat sila mga lalaki. (Ayan ah...siguro tama na ngayon ang pananaw ko. Bago na siya eh.:))
Tulad ng sa babae, kahit lahat sila magaganda, iba-iba ugali nila. 'Yung iba may topak, may tililing, 'yung iba, emo, maharot, boyish, matampuhin, etc. (Parang kilala ko 'yang mga babaeng 'yan..ehem..Pakwans..ehem..Hahahaha.)
'Yun lang. Naisip ko lang ngayon-ngayon lang. Salamat sa mga bloggers, nakakapagbasa ko ng mga blog niyo. Hahaha. Keep up the good work. Hahahaha.
No comments:
Post a Comment