Saturday, December 13, 2008

Panaginip

Madalas ka bang managinip? Hindi 'yung tipong day-dreaming ah. 'Yung dream state talaga, 'yung tulog ka. Sa pagkakaalam ko, mahalagang matandaan mo ang mga panaginip mo kasi makakatulong 'yun sa mga bagay-bagay na pinoproblema mo in the waking life. Through dreams, malalaman mo pati state ng body mo, kung saan parte ka may karamdaman. Marami kang malalaman about sa sarili mo kapag natuto kang mag-analyze ng mga panaginip mo. Sa una lang siguro komplikado ang pag-iinterpret. At never try to let others interpret it for you. Ikaw lang ang makakapag-analisa ng mga panaginip mo. At karaniwan naman konektado 'yun sa waking life mo eh. Kapag kasi nananaginip, parang nakikipag-usap ang subconscious part mo sa conscious part mo.

At ngayon, let me share with you those dreams that are still vivid in my mind.

1.) Napanaginipan ko, nasa isa kong school. Hindi familiar 'yung place sa akin eh. 'Yung classroom iisa lang tapos nasa may rooftop ng isang building. May mga estudyante syempre, pero kakaunti lang. May pagka-weird pa. Ang alam ko parang pinagmamasdan ko lang sila noon eh, nakikinig lang ako sa mga usapan nila. May dalawang bata nag-uusap. 'Yung isa kakaiba sa lahat. Pati ata pagdadamit niya iba. Siguro kung titingnan, mga nasa around 10 years old siya. Pero nabanggit noong bata sa isa niyang kaklase na, he was hundred plus years old. Nagulat ako. Ibig sabihin, hindi siya tumatanda kasi mukha siyang 10 years old lang. 'Yung kausap niya, parang hindi naman nag-panic. Kinakausap niya pa rin 'yung batang hindi tumatanda. Parang naging best of friends sila.

Ang sumunod doon, hindi ko na masyadong maalala. Naging malinaw lang ulit noong sobrang problemado ata 'yung batang hindi tumatanda. Sa katunayan, sa panaginip ko, nakaharap na siya sa isang tulay na hindi ko makita kung anong meron sa kabila. May fog na nakaharang. At alam niyo bang nandoon si Jesus Christ noon. Nasa likod noong batang hindi tumatanda. Nakatingin na doon 'yung batang hindi tumatanda sa tulay nang biglang dumating 'yung kaibigan niya. 'Yung kausap niya sa may classroom. Parang sinabihan noong kaibigan 'yung batang hindi tumatanda na maayos din ang lahat. Buti nakahabol pa 'yung kaibigan kasi kung hindi talagang tatawid na 'yung batang hindi tumatanda doon sa tulay. And at that, si Jesus Christ, seeing everything was okay, crossed the bridge alone. At 'yung magkaibigan, umalis sila doon ng masaya at payapa.

Pero after two years, 'yung isang kaibigan malaki na kaysa doon sa batang hindi tumatanda kasi nga hindi siya tumatanda. Forever siyang ganoon. Ang malabo lang, parang inatake sa puso or kung anumang sakit 'yung batang hindi tumatanda at namatay ata siya. Pero hindi ko masyadong maalala.

2.) Makulimlim noong araw na 'yun. Halatang may nagbabadyang malakas na ulan. Nagsimulang umambon. Nagaabang daw ako ng masasakyang jeep. Mahirap sumakay. Punuan at madalang ang mga dumadaan na sasakyan. Maraming nag-aabang hindi lang ako. Kaya napag-isipan kong maglakad na lang. Isang tulay lang naman ang kailangan kong tawirin eh. Ayoko kasing maghintay pa doon baka mahuli ako at madatnan ng ulan doon. Naiinip na rin ako. Nagsimula akong maglakad. Lakad. Lakad. Lakad hanggang makarating ako sa may bandang gitna. Napatigil ako. Nakakapagod pala. Meron din ibang mga naglalakad pero kakaunti lang. At doon sa pwestong tinigilan ko, kita ng 'yung pinanggalingan ko at pupuntahan ko. Nag-isip ako. Maglalakad pa ba ko o babalik na lang ako sa pinanggalingan ko at mag-abang ng sasakyan kahit matagal? May nakita rin akong pabalik pero nasa kabilang side siya ng tulay. Pabalik siya. Malungkot at mukhang pagod na pagod. Lalo akong kinabahan at nanlumo. Patalikod na ko at pahakbang na pabalik ng bigla kong maisip, bakit pa ko babalik? Didiretushin ko na lang 'to para matapos kaagad. At ano namang gagawin ko kapag bumalik ako? Maghintay ulit? Kaya nilakad ko papunta doon sa pupuntahan ko. Nang malapit na ko makababa sa tulay, nilingon ko 'yung pinanggalingan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Sa wakas. Nakarating din ako.

At sa foot ng bridge, meron fastfood restaurant. Nagpunta daw ako doon nang parang may imi-meet na mga tao/tao. Hindi ko talaga alam kung sinu-sino/sino. Pero wala pa raw sila/siya doon. Naghahanap ako nga kakilala ko pero wala eh. Maraming tao pero wala akong kilala. Ang weird doon, naghanap ako ng pwestong mauupuan, nakahanap ako pero wala namang table. Pagtingin ko sa labas, umuulan.

3.) Meron isang social gathering. Masaya daw kaming lahat. Hindi ko maalala kung sino mga kasama ko eh pero parang family ata. Pero hindi ako sure doon. Ako daw 'yung parang namimili ng tunog para sa sayawan doon. Masaya talaga. Pinatugtog ko daw some korean song. Tapos sayawan. Tawanan. Biglang may tumawag sa telepono. Ako raw 'yung pinakamalapit doon kaya ako 'yung sumagot. Hindi ko siya kilala. Pero pinatugtog niya sa phone 'yung pinatugtog kong korean song. (Ay!Phone din ata yung title noong korean song na 'yun. May ganoon ba?) Kilala niya ko, pero di ko siya kilala. Alam kong nakikita niya ko pero hindi ko siya makita. Tapos nagpatugtog pa daw siya ng mga pinapatugtog kong kanta doon sa gathering. Nawi-weird-an daw talaga ko. Ang creepy kaya noong stalker ko. Tapos bigla siya nagsalita, pinahulaan niya sa akin 'yung pangalan niya. Ako naman, hindi ko talaga alam. Nagbigay siya ng clue. Pangatlo daw 'yung pangalan niya. Tapos binaba na niya 'yung phone. Ako naman, nag-isip. Bigla akong may nakitang papel. Hindi ko alam kung ano 'yun eh pero may nabasa akong tatlong pangalan: Rafia, Ria at Raba. Raba 'yung naka-sign doon sa papel na 'yun.

No comments: