Saturday, December 13, 2008
???
minsan ba naisip mo na pagod ka na? yung tipong ayaw mo na maglaro? pagod ka na makipaghabulan? masyadong maraming tumatakbo, naglalakad, nagtatago. kailangan mo pa bang sumunod sa patakaran ng laro? ang daming gumugulo sa isip mo hindi mo alam kung saan ka magsisimula mag-ayos ng buhay. hindi mo alam kung paano. nagsasawa ka na ba? hindi mo na ba kaya? sana madali lang bumitaw sa mga bagay na pinanghahawakan mo nang matagal na. sana madali lang magsabi ng time first! tapos magpahinga ka muna. sana hindi ka naaapektuhan ng mga bagay at tao sa paligid mo. sana ikaw lang ay ikaw. sana sarili mo ang mundo mo. sana mabuti kang tao. sana wala nang babagabag sa isipan mo. bakit ang hirap? ganoon ba talaga? bakit kailangan lagi mong protektahan ang sarili mo? bakit may mga bagay at tao na kayang-kaya kang saktan? at dahil alam mo yun, napapagod kang protektahan ang sarili mo. hindi ka papayag na masaktan ka ng kahit sino. kaya ka nahihirapan. sana wala na lang makakagulo at makakasakit sayo. pano ko hahanapin ang kapayapaan ng isip sa napakagulong lugar? pano ko kakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa puso at isipan ko? paano ko matutulungan ang sarili ko? pano gagaan ang loob ko? saan ako magiging masaya talaga? lahat ba ng bagay kahit masaya may kasamang lungkot? sana ang bawat araw ko maging masaya. sana may mga taong laging nandiyan para sa akin. mahirap mag-isa. sana maging ako ay ako. sana lahat ng tao mabuti. sana walang mananakit sa akin. sana mahanap ko ang bagay na makapagpapasaya sa akin. nakakapagod mapagod.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment