Monday, September 8, 2008

SH*T

Anakngtinolang kalokohan 'yan! Kumusta naman 'yung 1030 na ngayon tapos kararating ko lang at meron pang midterm sa wala-akong-naintindihan Taxation? At paepal 'yang pesteng CM na yan na pabida sa mga subject ko na wala namang kakwenta-kwenta!


Ayon, nagpunta kasi ako sa bahay ng pinsan ko sa may San Joaquin. Inabutan ako ng malakas na ulan dahil sa pesteng traffic. Grabe! Two hours ata 'yung biyahe ko. Buti mabait si Manong Driver.=) Kaso pina-partner niya ko dun sa kuyang may ka-"hon" sa telepono.hahaha=) Meron naman akong standards noh.hahaha=) Ayon, pagbaba ko. Anlakas ng ulan. Tapos, SH*T, baha! For the first time in my ever beautiful life, lumusong ako sa baha. Every step I take, isa lamang ang namumutawi sa maganda kong bibig, "SH*T". Hanggang tuhod kaya 'yung baha. SH*T. Tapos nagugulat at natatakot ako sa pesteng kulog at kidlat. SH*T. Mga 100 beses ko inulit 'yang katagang 'yan. SH*T kasi talaga. Basa damit ko, basa shoes ko. Ewwwr ang paa ko. SH*T. Buti na lang hinatid ako ni Kuya pauwi.=) Akala niyo ah! May kuya din ako noh!hahaha=) Kasama pa 'yung may tililing kong pinsan.hehe=)


Haaay...naloloka ako! Inaantok na ko. Pagod. Tapos bukas, magpapagod ulit.


I want to rest!!! But not in peace just yet!hahahaha=)

No comments: