Ay dapat solid talaga ang Pakwans ano?!=)
At dahil sabi ni Shaira na bad eh parang song hits daw 'tong blog ko...etong sa'yo.=)hahahaha
Gusto ko English. English tayo ngayon.hehehe=)
I am supposed to type the summary for the Behavioral Science subject. Shaira's favorite subject.haha=) But my wrist is hurting. (Panget ng construction!) And instead of doing that, here I am blogging.
Ay katamad mag-english. Filipino na lang.haha=) Ay nako, ganoon pa rin ako. Hindi na nagbago ang daming issue sa buhay. Iba na talaga ang maganda noh?!=)hahaha Aish, walang masabi. Parang nahihirapan na ko magsulat ngayon. Ang hirap i-express ng gusto mong sabihin. Kaasar. Wala akong mailagay na matino. Hirap ng ganito ah...hindi ako sanay.
Dati kahit ano nalalagay ko dito. Parang ngayon, I'm restricted. Don't you think so? Ikaw? Nahihirapan ka rin naman siguro mag-express ng gusto mong sabihin minsan noh? Sana naiintindihan mo ako.
Sana rin hindi mo ako iiwan. Ayoko ng iniiwan ako lalo na kapag natutulog ako, tapos ikaw bababa para kumain at makipagchismisan habang tulog ako. Madaya 'yun.=)hahaha Basta ayoko ng ganoon. Pag nagkataon ako na mang-iiwan sa'yo pag nagsawa ako. Makikita mo. Sawaing bata pa naman ako.
Magulo at malabo talaga akong bata. Alam ko 'yun. At ayoko rin namang maintindihan mo ako. Kung gusto mo akong intindihin, go. Pero mahirap yata 'yun. Good luck na lang sa'yo. Hindi ko feel ipaintindi ang sarili ko dahil kahit ako mejo nahihirapan intindihin sarili ko. Ikaw pa kaya. Siguro, balang araw, lilinaw din ang buhay ko. Pero hindi pa ngayon. Mag-isip kayo, Mag-iisip rin ako. Mahirap na gawain.
Ay mejo nagsasawa na rin ako ngayon. Gusto ko ulit ng bagong pananaw sa buhay. Masaya naman ako pero may kulang na hindi ko malaman. Siguro 'yun ang pighating dulot ng Accounting sa buhay ko. Pero pati jan babaguhin ko na ang pananaw ko. Mag-aaral na ko nang mabuti. Lie low muna sa spotlight at paglamyerda.
Magulo nga ako. Malabo pa. Gusto kong luminaw ang lahat. Kaya rin siguro ako nagbablog para malaman ko kung anung problema ko. Parang di ko mahanap kung ano 'yung butas na 'yun eh. 'Yun na lang eh. Okay ako, pero ewan. Ang labo. Balang araw malalaman ko rin 'yan.
Gusto ko lang magrelease ng mga naipong detalye dito sa utak ko. Gusto ko ilagay dito. Parang therapy ko rin 'to noh. Kesa naman mabaliw ako. Gusto ko sabihing may mali pero hindi ko alam kung ano. Gusto ko sabihing masaya ako pero may kulang. Parang false happiness. Ganoon. Potek, sabihin niyo na naman nage-emo ako. Hindi rin. At saka lahat tayo madrama. Haaay...nakakabaliw itetch. Buti sana kung simple lang ang buhay ko. Ay hindi eh! Komplikadong buhay to. At gusto kong sabihin ang lahat ngayon.
Kahit alam kong nalalabuan kayo, sasabihin ko pa rin. Hindi ko naman sinabing intindihin niyo ako eh. Mukha lang siguro akong masaya palagi, oo masaya ako, kasi masaya kayo kasama, pero minsan bigla na lang ako napapaisip ng kung anu-ano eh. Masaya ako overall. Pero that paksyet samething is what I'm looking for. I don't know what it is, I don't know where I can find it. But still I'm still looking around searching for it. Damn!hahaha Hirap noon ah. Don't you think? Nagawa mo na ba 'yun? Mukha lang akong di seryoso lately pero ang totoo, seryoso ko sa lahat ng ginagawa at sinasabi ko. I mean what I am saying at the moment I said it. Oo pwede magbago 'yun pero alalahanin niyong 'yun ang gusto kong sabihin ng panahon na 'yun. Lahat naman nagbabago diba? Nagbago rin siguro ako. Nagbabago at magbabago pa. Hindi ko alam kung magiging ano ako sa hinaharap.
Ano nga kaya 'yun. Hindi ko rin maisip. Ayan tuloy, ang gulo ko ata, kayo rin naguguluhan na.
Si Shaira kasi eh, kaya nga mga lyrics lang pino-post ko eh. Tsk. Ayan tuloy.hahaha=)
P.S.
Ang mang-iwan saken, pangit talaga!
P.S.2 (?!!?)
Kung ayaw niyo ko kausap, sabihin niyo lang. Wag niyo akong iwasan.
P.S.3(???!)
Wag niyo kong i-psychoanalyze. Ibabalik ko lang sa inyo 'yan.
No comments:
Post a Comment