Bakit ganun?
Kung alam ko lang na nakakalito pala talaga ang Accounting...wala, pipiliin ko pa rin!haha=)
Pero in fairness, nakakalito nga, minsan hindi mo alam kung ide-debit mo ba o ike-credit. Kalerkay. Ang hirap pa i-analyze ng mga bagay-bagay. Magpapatest lang ang daming chechebureche. Ang mga problems nako ang daming mga pampalito. Nako, sinasabi ko sa inyo, kung ayaw niyo ng magulong buhay, wag kayo mag-Accounting.
Tingnan niyo, minsan ayan na pala ýung sagot, akala mali. Minsan akala mo tama yung sagot mo, ayun pala mali. Wala nga akong sure na sagot sa lahat ng test doon eh. Pero nagsasagot ako kahit di sure. Malay ko diba, tama pala. Ike-credit mo yun pala debit dapat. Kapag magko-compute ka, hindi mo malaman kung anu-ano ang magkasama. Ang daming factors. Buti sana kung puro Accounting lang ang subject ko. Eh hindi eh, meron pa kong Taxation na nakakabaliw din. Haay, kaloka. Kaya nga nag-aaral na ako ng maigi ngayon eh. Gusto ko maging isang magulong accountant.
Ano lang 'to eh. ýung parang tinutukoy ni Ciel na pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga tao raw na-stuck na sa kabuhayan nila. Di na maka-move on. Paano wala raw pambili ng gasolina. Ipinambili na lang raw ng bigas. Tsk tsk.
O ano naintindihan niyo ba? Ang gulo diba? Kasi magiging accountant nga ako.hahahaha=)
No comments:
Post a Comment