Sunday, May 18, 2008

Let me play this game with you.

Narinig niyo na ba ang kantang "Betamax" ng Sandwich?




Wala lang..tinanong ko lang kayo.hehe

Nakakatuwa kasi yung video eh, pati na rin 'yung kanta syempre.=)

Naaalala ko tuloy noong bata ako. (Yes! May kabataan din ako noh!hahaha=)) Buti pa pag bata noh? Walang problema kundi ang hindi pagtulog tuwing tanghali, mga nakakaaway pag naglalaro pero magbabati din naman kinabukasan.=)

Naaalala ko 'yung naglalaro kami ng mga "neighborhood friends" ko, na hindi na rin syempre naglalaro ngayon, piko(favorite), ten-twenty na kapag wala kaming mabiling garter eh bibili kami ng maraming goma para yun ang gagamitin namin, isama mo na rin ang Chinese garter, pero ayoko yun eh, mahirap, mataas masyado.hehe=) Mawawala ba ang patintero na siguro mga bandang grade 5 ko na nalaman na meron pala yung patotot, yung nasa gitna. Isa ko pa palang favorite yung batuhang-bola. Exciting yun eh.hehe=) At alam niyo bang naglalaro rin ako ng text. Hindi yung text sa cellphone.hahaha=) 'yung mga cards.hehe=) Kahit hindi ako marunong tumira, okay lang naman doon sa kalaban ko eh.hehe=) Baka awayin ko siya noh!=)hahaha Pati pog naglalaro rin ako. Dati tuwang-tuwa ako sa pog eh. Noong una diba pinapapalit yun sa Coca Cola? Eh may tindahan yung Lolo at Lola ko syempre nagiipan ako ng mga tansan.=) 'Yung mga pog atang yun yung original eh. Tapos habang lumalaki ako marami ng klase ng pog.hehe=) At dati naglalaro kami nung sa tansan.hehe=) Magtataya ka ng stationery (yes, stationery, marami ako noon dati kasi nagcocollect ako noon eh, ngayon hindi na), tapos kung kaninong tansan yung maiiba (cha at chob ata yung tawag dun) sa kanya lahat ng stationery na nakataya. (Sugal?!!?)hehehe=) Naglalaro rin kami ng paramihan ng jumps sa jumping rope. Pati patagalan sa hoola hoop.=) Yes, hassler ako diyan!hahaha=) (Tama ba yung gamit ko noong word na "hassler" jan?) Kaya yata ako seksi kasi kaka-hoola hoop eh.hahaha=) Okay, joke lang!=) Dati mas gusto ko yung mga larong nakakapagod eh, pero bago pa yun magkasakit ako.hehe=) At saka ayoko nang napapagod ngayon, tamad na ako!=)haha


By the way, huli yata ako nakapaglaro ng mga games na ganyan, grade 6 ako.hehe=)


Buti pa dati noh?=) Haay..kung ganyan lang ang buhay natin noh?hehe=) At saka naaawa ako sa mga bagong bata.(bago?!~)hehe Eh kasi wala silang friends. I mean, hindi sila nakakapaglaro tulad noong dati. Puro mga nilalaro computer games na. Technology. Violence.hehehehe=)

No comments: