Tuesday, March 18, 2008

"Live and Let Live"---my motto

Natapos na rin ang lahat.hehe=) Bukas isa na lang, History, which is open book naman kaya okay lang wag mag-aral.hahahaha=)

Ngayon ko lang din nararamdaman 'yung pagod ko, I want to take a break.

Tapos medyo iritable talaga ako ngayon kahit kanino.=)hehe Usually, ganito ako kapag maraming ginagawa or iniisip. Siguro 'yun nga. At dahil sa emotional stress, may hormonal imbalance ako.=)haha Bahala na kayong hanapin kung ano 'yun.=)

Noong Friday nga, nakipag-away na naman ako sa guard ng UE eh.hehe=) Tigas-tigasan na naman ako ng ulo.haha=) Eh kasi ba naman, ayoko nga magpalit from sandals to shoes eh. Ayan tuloy, na-badtrip ako, kawawa naman si Ate Guard, napagbuntunan ng stress ko. Pero in fairness, mali rin naman ako.=)haha Bunsod ng inis ko, nagagawa ko 'yung mga hindi dapat gawin. Siyempre ako pa, kahit anong gawin mo, basta nagalit ako sa'yo gagawa at gagawa ako ng paraan para galitin ka rin.=) Ayun, kahit anong gawin ni Ate Guard, talo siya. Matalino ako sa mga ganyan eh.=)haha

Kasi may sandals akong dala noong umaga, pero naka-shoes ako pumasok. Pagdating ko sa school, nagpalit na ako to sandals. Eh noong kakain kami, lumabas ako ng naka-sandals. Unang labas, hindi pa si Ate Guard 'yung nandoon, nakapasok ako nang matiwasay.hehe=) Pangalawang labas, pinuntahan namin ang Pakwans sa KFC, akala ko lusot ulit ako, ayun, sabi ni Ate Guard, magpalit daw muna ako from sandals to shoes. Eh kahit anong bagay lately, madali ako ma-irita. Na-bad trip ako. Partida pinipigilan ko pa 'yung sarili ko noon.haha=) Hindi muna ako pumasok kaagad. Doon ako sa labas, inhale-exhale.haha=) After ilang minutes, kinuha ko 'yung shoes ko, nagpalit ako sa harap ni Ate Guard, e di nakapasok ako siyempre. Pagkalagpas ko, as in pagkalagpas ko lang sa kanya, nasa likod ko siya, nagpalit ulit ako. Asar eh.=)haha Nagalit siya sa akin. Itago ba naman 'yung sandals ko. Ayaw sa akin ibigay. Hello?! Kahit anung sabihin niya, hindi niya pwedeng kunin 'yun. Talo at talo siya sa korte kapag idinemanda ko siya.=)haha Ayun, nagpaka-personal siya eh, talo siya lalo. Kahit kasi anong gawin niya talo siya. Kung hahayaan niya ako makapasok ng naka-sandals, talo siya, kung magagalit siya sa akin, talo siya, 'yun nga 'yung intensyon ko eh, magalit siya. So, sinong nanalo? One thing is for sure, hindi ako 'yun.=)

Ang sama ko ba? Well, ganyan talaga ako eh.=) Alam niyo na kung bakit sumasakit ulo ng mga magulang ko sa akin.haha=) At saka, alam mo 'yang mga guard rules na 'yan, they are unnecessary rules kaya madalas bine-break ko sila. Eh tingnan niyo naman kais di'ba? Ano namang magandang maidudulot ng hindi pagsuot ng shoes sa school? Sabihin niyo nga. For formality? The hell with formality. Hindi ako pormal eh. Ano naman kung magsuot ka ng hindi pants(shorts, for example), meron bang mangyayaring masama? Those unnecessary rules, they are agitating me. Sabihin niyo lang kung anong magandang maidudulot niyan sa buhay ko at buhay ng iba, promise, susundin ko 'yan forever.

Hindi naman kasi ako rule-breaker kapag alam kong may magandang mangyayari kapag sinunod ko 'yun. Namimili lang din ako ng mga susundin. Hindi ako 'yung tipong sunod lang ng sunod.=)

Ayoko muna makipag-socialize, alam mo 'yun, gusto muna gumawa ng sariling mundo ko, kahit sandali lang. Pero siyempre napaka-imposible naman noon. Ang mundo ko eh palaging konektado sa ibang mga mundo.haha=)(Labo?!=))

Hmmmm...nakakasawa kasi eh. Madali lang kasi talaga ako magsawa sa mga bagay-bagay. At worst, feeling ko lahat kaya kong pagsawaan, kahit mga tao, tao, hindi lang bagay. Tapos lately nga, iritable ako. Madali mag-init ulo ko sa mga bagay-bagay na hindi kanais-nais sa paningin ko. Resulta, I would say it. I would definitely say what's on my mind, even if it's going to hurt, I don't care. I say what I believe is true and that makes me stubborn.

And I assure you, I will not be sorry for what I said. If it hurts you, then you should cope it with yourself. Hindi ko naman sinabi 'yun nang wala lang eh, I want to point what's wrong. At kung pakikinggan mo, e di maganda, kung hindi, bahala ka sa buhay mo. Kaya mo naman 'yun eh. At sarili mo 'yang desisyon. Now, if you don't see that, then I'm really sorry for you.

You know what, most of the people are hypocrites. And I tell you, I'm not an exception. So far, from what I've done, I can tell that I've been a hypocrite at certain times in my life.

May mga nagsasabi na ayaw nila sa mga pa-sosyal when in fact they are one of those.
May mga nagsasabi na naiilang sila sa third sex when I don't even know where gender they belong.
May mga nagsasabi na cheating is bad when in fact kasama naman sila doon sa mga nagchi-cheat.
May mga nagsasabi na dapat nakikinig sa mga sinasabi ng ibang tao when in fact hindi rin naman sila nakikinig sa sinasabi ng ibang tao.
May mga nagsasabi na hindi sila mayabang pero ang totoo mayabang naman talaga sila.
May mga nagsasabi na hindi sila ipokrita pero ang totoo ganoon sila.

O di'ba?! Mali ba ako? Sabihin niyo lang. Ako inaamin ko, I am one of those hypocrites. Isa lang ang kailangan niyong talunin diyan.(DOTA?!=)haha) Alam niyo ba kung ano 'yun? 'Yun eh tanggapin niyo ang mali niyo. Tingnan niyo, gagaan pakiramdam niyo. It's good to be free.=)haha Kilalanin niyo muna sarili niyo bago niyo pakialamanan ang sarili ng iba. At don't tell me na kilala niyo na talaga sarili niyo. Iba ang ibig kong sabihin, hindi lang ang mga pangalan at birthday niyo. In what I've said in that paragraph above, I assume that these people know themselves. But maybe, just maybe, they don't know because they are too busy analyzing other people's behavior.

And if you have any violent reactions, just call 0917...joke lang.haha=) If you have anything to say or to ask, even about my behaviors, tell it to me, face-to-face. I think it's the best way. Instead of wondering why I am like this or like that, know for yourself. I promise you, I am going to be gentle.hahaha=)

And lastly, huwag mong paniwalaan lahat ng sinasabi ng mga tao. Hindi lahat ng 'yun totoo. Or kung totoo man, alamin mo muna the reason behind that. Don't judge people. You definitely don't know them. You should judge their acts not the people themselves.=)

_________________________________________________________

8:40PM

At eto dahil hindi ako maka-get over dito. At dahil I feel I need to defend myself, eat this.

When I say words, don't think that I don't know what are the tendencies. Kaya I know kung ang isang tao ay mao-offend. Alam ko kung ano ang mangyayari kapag sinabi ko 'yun. I'm ready for the aftermath. Don't get me wrong, don't think that I'm stupid. I know what I'm doing even if you don't.

No comments: