Tuesday, February 26, 2008

Look

Haay nako..buti na lang nakauwi ako ng buhay.=) Paano ba naman, pagbaba ko sa jeep biglang umandar, buti na lang, hindi ako natumba, pero muntik na talaga. Nabasa pa ako ng ulan. Tapos muntik pa ko masagasaan ng tricycle. Pagkababa ko naman ng tricycle, meron palang FX. Muntik na rin ako masagasaan ng FX. Whew! Napagod akong ikwento ah.=) Buti na lang talaga.

Anyway, may bago akong friend.=)hahahahahahahahahahaha John pangalan niya. Chinese yata 'yun eh. Or Korean. Malay ko ba di'ba?!=) Si Mama Rosa kasi eh, tinanong pa 'yung pangalan doon sa kaibigang Filipino. 'Yan tuloy nalaman niyang crush ko siya.

Nakita kasi namin siya sa 7-11 sa Recto. Ayon, nakita ko siya. 'Yung simpleng tingin. Tapos napa-second look ako. Ay, gwapo.haha=) Tawa na ko nang tawa noon eh. Tapos medyo titingin sa kanya. Ayo, nailang siguro, lumabas!=)hahahaha Akala ko nga umalis na talaga siya, 'yun pala nandoon lang sa tapat ng gate ng UE. Tapos 'yun na nga. The pakilalahan portion.=)

Hindi naman pala siya ganoon ka-gwapo eh. Pero okay lang=) At least may new friend ako, kuno!=)hahaha

Alam niyo, ngayon ko lang nalaman na second look is not enough. Kailangan pa ng third or fourth or fifth. 'Yung as in alam na alam mo na. Tulad nga noong kasabay ko sa jeep na mag-boyfriend at girlfriend. Noong una kong tingin, maganda 'yung babae. Nilait ko pa 'yung boyfriend niya sa utak ko. Sabi ko, hindi sila bagay. Pero noong pagkatingin ko ulit, hindi rin naman pala kagandahan 'yung girl. Tapos, alam niyo, eto extra lang ah, grabe, OA sa PDA 'yung dalawang 'yun. Biruin niyo ba naman 'yung lalaki, hinahalikan sa batok 'yung babae, tapos kung makayakap akala mo, mawawala 'yung babae. Buti okay lang doon sa babae, pero ewwwrr! talaga.=)hahahahaha Buti nga napigilan ko 'yung tawa ko eh.=)haha Dahil kung hindi baka isipin nila baliw ako.=)hahahaha

So well, 'yun na nga, you should take not once, not twice but thrice or more looks to see clearly what you should see.=)

That's my lesson learned today!=)

No comments: