Anakngtokwa naman o! Whew! Kailangan ko talagang maghabol sa Statistics na 'yan. I mean hindi naman siya mahirap eh, spoonfeeding pa nga 'yung ginagawa sa amin eh. Kaso, anakngtinokwangbuhayyan o!, kasabay ng Accounting namin. Mga grades ko puro 80%, 88%. Hindi ko kaya kailangan ng ganyang grades. Dapat mga grade ko 90% and above nothing less. Hay nako, buti na lang may mga board work pa kong inaasahan at ang ladder up sa kompletong attendance. Gagawa din ako ng "Best Notebook". Akala niya ah.=) Ha-Ha-Ha-Ha-Ha! (wicked laugh) Patay sa akin 'tong Stat na 'to.=)
At, nakausap ko 'yung Prof namin sa Accounting by chance. Paalis na kasi siya ng room namin eh nasa labas na ako noon, muntik ko siyang matamaan. Tapos sabay tanong sa akin, "Bakit bumababa 'yung mga grades mo? Tinatamad na?"
Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako.
Tinuloy niya, "Siguro boyfriend no?!"
"Ay Ma'am, hindi po wala po ako noon, si Josette po meron."
"Eh bakit parang nakita ko may kasama ka..."
Sabi ko, "Hala! Sino po 'yun?"
"Joke lang. Barkada ba kayo?" Kaharap na rin namin si Josette.
Sabi ko, "Opo."
"Nako, favorite pa naman kita dati noong first year. Mag-aral ha? Konti pa."
Nagkatinginan kami ni Josette tapos saka ko sinabing, "Opo."
Pagkatapos noon nagtawanan na lang kami ni Josette. Hello?!? Favorite? Hahahahahaha=) At saka sino naman 'yung kasama ko? Si Josette? Napagkamalang lalaki?!=)hahahhahahaha Peace!=)
Hay nako...kailangan ko na talagang magsipag. Hindi ko lang masabi kanina na medyo tinatamad nga ako eh.hehe=) Pero sige sisipagan ko na.
Pati nga sa Table Tennis tamad ako tumira ng bola eh, gaya nga ng sabi ni Chico.
No comments:
Post a Comment