Okay, date namin ngayon ng Pakwans eh. Ayon, sa Baywalk ulit.=) As usual, lagi naman kami masaya eh. Kahit nga nakaupo lang masaya na kami eh. Paano pa kaya kapag may camera?=)
Nandoon din nga si Oliver eh na dapat ililibre kami kaso hindi pa rin at iniwan kami doon. Pinapauwi na daw siya.=)hahahaha
Ay nako, masaya na sana ang lahat kung hindi lang nawala ang jacket ko.huhuhu=( Nakarma yata ako sa pang-aasar kay Kisel eh. Tinawag ko lang naman si Kuya na gusto ni Kisel ipakilala sa kanya eh. Ano bang masama doon, di'ba?!=)
Di bale, kapag may nawala, may pumapalit naman eh.=) Gusto ko man 'yun hanapin, at ginawa ko naman, wala talaga eh. Ganoon ang buhay.=) Kapag babalik sa'yo, babalik. Kung hindi, promise, may papalit na mas maganda.=)hahaha Kaya kung may gusto kayong ibigay sa akin, 'yung mas magandang jacket ah, samahan niyo na rin ng libro saka maraming pagkain.=)hahahhaha O kaya, perahin na lang.=)hahahaha
Di bale kapag CPA na ako, magbi-business ako ng clothing line na puro jacket.(Hindi ba jacket line 'yun?=)hehe)
O, well, may sakit pa rin ako pero medyo kaya ko na. Hindi nga ako pinagalitan dahil nawala jacket ko eh kundi dahil sa gabi na ko nakauwi, alagaan ko raw ang kalusugan ko.=)
At alam niyo bang nakawala na rin ako ng singsing as in ring? Ang ganda rin noon, promise, heart-shaped, gold. Sa Mama ko 'yun eh, hiniram ko lang pero sa isang iglap, nawala ko siyang parang bula. Buti na lang hindi rin ako pinagalitan, malakas ako sa kanila eh.=)haha Medyo nasabihan lang ako ng tanga ng mga kapatid ko pero okay lang medyo totoo naman eh.=)hahahaha
'Yun lang Happy Valentine's ulit!=)
No comments:
Post a Comment