Monday, February 4, 2008

Ang Puso Ko

Nagpunta kami ni Ciel along with Josette and Jammy at the last minute to Gerby's home. Magpapaturo daw kasi sila ng Accounting. Di'ba?!? As if namang may ituro ako sa kanila.=)hehe Tinry ko ang aking very best para kahit papaano may mai-transmit akong kaalaman sa kanila. Pero feeling ko hindi rin ganoon 'yun eh. Basta magbasa lang kayo bago 'yung discussion tapos makinig sa lecture, konting practice sa mga problems. At kapag test na huwag kayong kakabahan. Maniwala kayo sa sarili niyo at sa sagot niyo. Kaya 'yan.=) Tiyaga-in niyo lang 'yung libro natin kahit nakakaantok basahin.

Fiesta rin kina Gerby eh. Bongga ang fiesta doon di tulad dito sa amin. Maraming mga nagtitinda ng mga pagkain, damit, bags, sapatos, accessories. DVD's. Lahat na yata makikita mo doon. Siyempre kapag fiesta merong perya.=) At guess what?!? Sumakay kami ni Jammy sa ferris wheel. Ay nako! Grabe kinabahan kaya ako noon. Kapag mabilis na tapos pababa na, sumasakit 'yung puso ko tapos napapapikit ako. Si Jammy na katabi ko tinatakot pa ako. Inuuga-uga niya 'yung sinasakyan namin. Nakakatakot talaga. Alam mo bang ang last kong pagsakay sa ferris wheel ay noong first year pa ako at alam mo rin bang hindi pa ko nakakapunta ng Star City at wala akong balak pumunta doon dahil baka ma-bore lang ako? Siyempre hindi mo pa alam 'yun, ayan sinabi ko na.=)hehe Hindi ko ita-try 'yang mga ganyan. Pwera na lang if the need arises tulad ng yayain ako ni The Master.=)hahaha Joke lang. Sinabi ko lang 'yan para ma-bother si Josette.=)hahahaha

No comments: