Saturday, November 17, 2007

Baby Boomers

Nagpunta kami ni Josette kanina sa isang seminar about a business sa may Ortigas. The business is engaged in skin products and supplements. Kaso kailangan namin ng pera para makapag-franchise. Hello, saan naman kami kukuha ng ganoon. Makikipag-usap pa nga kami sa Pakwans eh for help.=)

Doon ko nga natutunan 'yung Baby Boomers eh. Sila 'yung mga isinilang noon after World War II. Kasi raw noong pagkatapos noong war, maraming mga lalaki ang noon lang ulit nakita ang kanilang mga wifeys (hindi pwedeng wifies eh, ayaw ko), tapos 'yun, nabuo ang mga baby boomers.=)

Actually gusto ko lang naman pumunta doon for experience eh. Parang 'yung mga professionals. Hindi ko naman kasi kailangan ng pera for my studies eh. I mean 'yung total kailangan. Nandyan pa naman si Lolo eh, sinusuportahan pa niya ako. Pero parang okay lang din naman mag-engage sa ganoon. Mukha kaya akong pera.=)

Hindi rin naman daw magko-conflict sa schedule ko sa school. Eh malamang aayaw ako doon kung 'yun pa magko-cause ng pagbagsak ko sa Accounting. Ngayon nga lang ako pinakanag-aral dito eh. Basa talaga kung basa. Kailangan eh. Biruin mo tatlong chapters in two nights. Actually hilig ko magbasa eh, pero 'yung mga light lang. Light ba 'tong Accounting?! Asa pa ko.=) Pero mag-aaral ako, promise. Target ko nga dito mas mataas sa 2.00. Sana magawa ko. Goodluck sa akin. Pati sa lahat ng nag-aaral. Nauunawan ko kayo.=)hehe Pray.=)

At naisip ko nga rin kung ibang course kinukuha ko eh, siguro hindi ganoon kahirap. Gusto ko rin kasi ang Psychology. Pero alangan namang i-give up ko 'yung gusto ko. Maiinis ako sa sarili ko for sure kung magshi-shift ako ngayon tapos sa future maiisip ko nag-shift ako dahil nahihirapan ako. Ang pangit. Parang ang baba-baba ng tngin ko sa sarili ko noon. Kaya kahit mahirap, aaralin ko 'tong Accounting. Promise!=)

No comments: