Friday, September 28, 2007

Realistic

Ang aga ko umuwi ngayon. Ang boring kasi sa school eh. Foundation pero wala akong magawa. Alang pera eh.=) Wala pang klase kanina, dapat pala di na lang ako pumasok. Sayang ang effort paggising ng maaga pai oras at pera sayang.

Buti nga napahiram pa ko ni Josette ng libro, chic flick novel ulit. Maganda naman siya. Actually 2-in-1 'yun eh. Ang title Heartcore Metal ni Nikki Domingo at Runaway ni Karla Maquiling. 'Yung Heartcore Metal about sa mag-bestfriend(lagi naman yata ganoon eh) na 'yung girl, fan ng isang rock-god. Natuwa nga ako kasi naalala ko si Miggy Chavez(ang gwapo!).=) Pero it turns out na walang kwenta si rock-god. So 'yun. Siguro alam niyo na 'yung kasunod noon.=) 'yung Runaway naman, natuwa ako kasi realistic 'yung kwento. Hindi siya 'yung "...and they live happily ever after". About 'to sa isang girl na kapag nabigo sa love life eh nagbabago na ng lahat pati 'yung place niya, number, job, lahat. Ayos 'to, although hindi perfect 'yung situation nila, may konting problema, they are still happy. Realistic. Wala naman kasing love life na perfect after maging kayo. Kalokohan 'yun.=)

Although I like fairy tale love stories eh hindi naman ako naniniwala doon. Pero it doesn't stop me from hoping that there is. Haha=) Words ng isang babaeng halatang walang boyfriend.=) But I'm not bitter about it. Masaya kaya maging single. Wala kang problema, commitment. Mahirap kaya mag-commit. At saka masaya 'yung tumitingin lang. Appreciate what you see. Naisip ko nga kung bakit maraming tao ang gusto magkaroon ng relasyon eh. 'yung iba dala-dalawa pa o mas marami pa doon.

_________________________________________________________


Naalala ko nga pala mamaya na 'yung laban ng Ateneo at La Salle. Siyempre go for Ateneo ko na makalaban ng pinakamamahal kong mga Warriors!=)

No comments: