PMS is Pre-Menstrual Syndrome. I know every girl goes through this every month. Lalo na ko. It's either super sungit ko or super depressed to the point na kailangan ko talagang umiyak. Ayoko man gawin 'yun, hindi ko mapigilan. Mahirap. Minsan naiinis ako for no reason at all. At hindi lang ako ang kawawa. Kawawa 'yung mga kaibigan ko at mga kasama ko sa bahay. Kailangan nilang mag-cope sa mood ko. Ayoko man mainis, pero naiinis talaga ko. Hindi ko talaga mapigilan. Kaya ayoko mag-boyfriend kasi magiging kawawa din siya kapag ako sinumpong.
Meron one time, matagal na 'to eh. Super nasungitan ko ata talaga si Josette noon. Hehehe. Sorry. Kasama din doon ang Pakwans syempre. Sila 'yung palagi ko kasama eh. Kung sino 'yung palagi kong kasama, 'yun ang pinaka-kawawa sa lahat eh.
Tapos meron din 'yung tipong sobrang depressed ko na nga, magpi-PMS pa ako. Nakakaloka 'yun. 'Yun ata 'yung mga times na nakita ako ng Pakwans na umiyak. 'Yun din 'yung times na unbearable akong kasama. Kapag ganoon hindi ko sila kinikibo eh. Kasi kapag nagsalita ako baka sungitan ko lang sila or may masabi lang ako na kung ano.
Buti na lang napagtiisan niyo ko noon. At sa mga susunod pa.
And for that, I hate PMS. I know hate is a strong word, but I really hate it.