Haaaay. Buong araw ko nang iniisip 'to. Ang sakit na ng ulo dahil dito. Biruin mo, unang linggo pa lang, may issue na kagad.
Nakapasok na naman ako sa mga opisina. Naalala ko nga dati nung naging encoder kami ni Joset nung so many years ago na. Ang opisina dun, relaxed lang. Although tahimik lang ako nun, napapansin ko naman 'yung mga ibang tao run na nagkkwentuhan kahit papano. Nag-iinternet kapag walang ginagawa. At nagbbreak tuwing hapon.
Actually, hindi nga ako nagbbreak nun, naalala ko. Bumibili lang ako sa baba ng pagkain tuwing lunch para hindi ako magutom sa hapon.
At kinakausap rin naman ako ng mga tao dun kahit papano. Kapag kakain na magyaya. Kapag break ganun rin.
Pero ang di ko talaga maintindihan, eh bakit ang opisina ko ngayon eh ang tahimik. Wala kang maririnig na nag-uusap, besides work-related. Naririnig ko lang 'yung iba tuwing kumakain ng lunch. Pero kapag tapos noon, at pagbalik sa workstation kahit di pa start, galit-galit na ulit.
Nung minsan ngang tapos na kami kumain at bumalik sa station eh tinry kong mag-net. Naka-connect ako kaya nagbukas ako ng mail at FB. May oras pa naman dahil wala pang ala-una. Kaso nasabihan ako ng supervisor ko na hindi niya raw sure kung pwede mag-internet. Kaya ayun, ngumanga na lang ako habang siya ay nagtetext at 'yung isa pa ay nagttrabaho na.
Tatlo kami sa AP. Hindi nila ko kinakausap besides work-related. 'Yung supervisor ko hindi niya kinakamusta kung okay pa ko. Ang mahalaga sa kanya 'yung production ko. Yes, wala pang alas-9 nagttrabaho na ko. Okay lang sana 'yun dahil kaya ko ang trabaho, at kapag trabaho, gusto ko nagttrabaho talaga ako. Pero sana naman kumustahin niya kung buhay pa ko. Kausapin ako about sa mga ibang bagay na hindi lang basta utos.
Ang itinuturo lang din nila saken eh 'yung pinaka-technical aspect ng gagawin. 'Yung mismong kung anung ilalagay diyan, pano mag-print, etc. Hindi man ineexplain yung proseso at kung bakit ginagawa 'yun. Samantalang 'yung mga bago rin na nailagay sa AR, training pa rin sila hanggang ngayon. Ako, first day pa lang, pinagentry na sa software nila.
Hindi rin sila nagbbreak tuwing hapon kahit na ang sabi ng HR eh pwede magbreak ng 15mins. Ineexpect ko nag magbbreak talaga dahil from 1PM-7PM eh magttrabaho na naman kami. 'Yung tipong pwedeng bumaba at bumili sa Ministop. Pero hindi talaga eh. Actually, hindi nga sila kumakain eh. Hindi natitinag sa pwesto nila.
So anung gagawin ko? Alangan naman bumida ako at bumili sa baba samantalang 'yung teammate ko eh panay trabaho. So, tiis-tiis na lang din ako.
At tuwing 7PM na, wala pa rin tumitinag sa kanila. Parang araw-araw yata ay overtime sila. Kaming mga bago lang ang umaalis agad. At take note, usually 715-730 na kami nakakalabas. 'Yung dalawa kong kasama busy pa sila ng mga ganyang oras. Hindi rin nila ko inaabisuhan na pwede na umuwi. Eh alangan namang mag-OT ako. Heller, first week OT kagad? Ayoko rin mag-OTy dahil gutom na ko dahil ang kain ko pang huli ay 1230PM.
Pero ang pinaka-worst talaga ay ang pagtsismis saken ng isang baguhan at ang pagpaparinig saken ng Sr. Acctg. Supervisor. 'Yung bago na 'yun, 5yrs na siyang working pero hindi siya CPA. Bumagsak daw siya eh. 'Yung Sr. Acctg. Supervisor naman ay 10yrs na sa company. Pareho silang nasa 30's na.
Ang kwento, etong baguhan na 'to, lagi akong napapansin na busyng-busy daw ako at masyado daw ako dedicated sa work. Ang sabi ko naman marami kasing ginagawa (pinapagawa saken actually), alangan namang ngumanga ako habang yung dalawa kong kasama ay busyng busy.
Ang mali ko lang siguro ay naparami ang sinabi ko. Dinagdagan ko pa 'yun na gusto ko nga sana mga saktong 7PM umuwi na at gusto ko sana magbreak naman tuwing hapon. Alam niyo naman na siguro kung bakit dahil nakwento ko na un sa taas.
Ayun, ang bilis ng tsismis. Kinabukasas, over lunch, sabi ng Sr. Acctg. Supervisor, "Gusto ko umuwi ng 7:01 kaso marami pang ginagawa eh." At eto pa, "Lika D___ (supervisor ko), kain tayo sa Mcdo, mag-unwind naman tayo." At marami pang iba. Meron pa ngang sinasabi sila na, " ____, anu bang tinuro mo dati dito kay ____." Ang sagot, "Kapag may mali kang ginawa, sisihin mo 'yung supervisor mo. Kapag tama ka, sabihin mo ikaw 'yung gumawa nun."
At eto pa, 'yung baguhan na nag-tsismis saken eh pumunta pa talaga sa workstation ko at nakangiting sinabi na, "Kumusta ka?" habang busyng busy ako sa pagpa-file ng kung anek-anek. At 'yung isa kong kasama sa team, sinabihan pa ko nung hapon na, "Magbreak ka naman." na medyo patawa or sarcastic ang tono, if you know what I mean.
Sa pagkakatanda ko, sinabi ko sa kanila na fresh grad ako. Hindi ba nila naisip na nasa adjusting period ako kaya ko nasabi yun? At sa tanda nilang 'yun, hindi ba nila alam 'yun at kailangan pang itsismis ako at magparinig saken? Mali bang gustuhin na gusto kong magbreak dahil mas feeling ko makakapagtrabaho ako ng maayos kung makakain man lang ako? Mali bang gustuhin na umuwi ng eksaktong 7PM kung tapos na ang gagawin at marami na rin naman akong nagawa?
Dedicated naman talaga ako. At minsan may pagka-workaholic. Pero alam ko naman ang work-life balance. Gusto ko rin naman alagaan ang sarili ko. Gusto ko rin ng social life. In fact, kahit papano gusto ko maging friends ang dalawang teammates ko. Kaso hindi nila ko masyado kinausap. In fact, feeling ko nga ino-OP pa nila ko kung minsan.
Grabe lang ang kultura ng kumpanyang 'yan. Nabinyagan kagad ako.
No comments:
Post a Comment