Six months.
Ganoon katagal pala ko hindi nag-post dito. Na-miss ko 'to. Na-miss ko rin mag-tagalog sa blog. 'Yung walang pakialam sa grammar at spelling at sa epekto ng sinusulat ko sa bumabasa...dahil technically, ako lang naman ang bumabasa nito. At kung meron mang iba, alam ko naman wala sila pakialam kung mali ang spelling ko at grammar at kung may sense o wala ba ang sinasabi ko.
Tinatamad ako mag-aral ngayon kahit may exam kami sa Theory of Accounts sa Friday. Nakakadisappoint lang ang exam sa Prac1 at AudProb. Mahirap, as always. Pero gusto ko grumad ng BSA. Hindi na lang 'to basta gusto eh. It's already a matter of pride.
Grabe, anim na taon na ko nag-aaral. Nakakahiya naman sa mga magulang ko. At nakakahiya lalo sa sarili ko. Sana maghimala at hayaan Niya ako makagraduate ng BSA para makapag-board na ko.
Marami akong gusto sa buhay. Sa araw-araw nga lang, gusto kumain ng ganito, ganyan. Pero alam ko naman, at alam natin lahat na hindi lahat nakukuha at nakakamit natin. Agad-agad. It will take time, but I know, eventually, makukuha rin natin lahat 'yan.
Kanya-kanyang panahon lang siguro 'yan.
As of now, heto na lang pag-graduate ko ang hinihintay ko. Maayos naman ang lahat, masaya ako sa bahay, mayroon akong 'partner', at alam ko, kahit di ko sila nakikita at nakakausap, andiyan lang ang mga kaibigan ko. Sana wag niyo isipin na nakalimutan ko na kayo, dahil hindi. Busy lang tayo sa buhay at pagtanda.
Speaking of, hindi talaga lahat makakasundo natin noh? Tayo ang 'in' at 'yung mga naiiba ang weird. Tulad na lang ng classmate ko. Kala ko makakasundo ko, hindi pala. Weird sila at parang nasa ibang planeta lang. Mantakin mo, isang beses di ka na lang kikibuin. Parang tanga lang. Tapos ikaw mag-iisip ka ng kung anong ginawa mo sa kanya.
Nakita ko na ginawa niya 'yun sa kaibigan niya eh, iniwasan at di niya na lang bigla kinausap. Plastic noh? At eto pa, pinaghihintay buong araw 'yung boyfriend niya sa labas ng school. As in. Mga 8-5. Weird.
Sabi nga dun sa kwento sa Lit dati, 'yung ibon na nagustuhan nung tao kasi ang ganda tingnan pag lumilipad. Ang ginawa niya kinulong niya para lagi niya makikita. Wala naman nangyari, in the end, nalungkot 'yung ibon at pumangit.
Ganoon din siguro sa tao. Kung gusto mo 'yung tao, pakawalan mo. Wag mo sakalin. Wag mo lagi itabi sa'yo. Kasi may sarili siyang personalidad na nagustuhan mo sa kanya kahit noong hindi pa siya sa'yo. Kung tatanggalin mo 'yun sa kanya, mag-iiba siya at makakalimutan niya kung sino 'yung taong nagustuhan mo sa kanya.
Isa lang 'yan sa mga natutunan ko. Kaso syempre, ayoko naman maging preachy masyado kaya hinahayaan ko lang. In the end, malalaman din niya 'yun at makikita niya 'yung mali niya. Ganyan kasi ako.
But moving on, alam ko sa ngayon, iba-iba ang ginagalawan nating mundo. Pero sa tingin ko, isa lang naman ang gusto natin eh noh, maging masaya. Pursuit of happiness? I don't think so. Kasi madali naman maging masaya, it's only a matter of attitude.
Kung iisipin ko bang masaya mag-accounting, magiging masaya? Hindi. Hahaha. Kasi kelangan ko ng mas malalim na dahilan para gustuhin ang accounting. At 'yung dahilan na 'yun ang magpapa-iba ng tingin ko sa accounting. At dun lalabas ang attitude.
Ganoon din sa ibang bagay. Kaya sa tingin ko, huwag mo hanapin 'yung happiness. Kapag iba na attitude mo, saka mo makikita na andiyan lang pala ang happiness sa tabi mo. At kung gusto mo makita 'yang attitude na 'yan, baguhin mo sarili mo. Kung negative ka, try mo naman maging positive.
Ika nga, let go and let God. Alam ko, hindi na ko ganoon ka-religious di tulad nung bata ako. Ilang taon na ko hindi nagro-rosary. Pero alam ko, may Diyos. Andiyan lang Siya. Palagi.
Three years ago, ginawa ko 'yun. Ibig ko sabihin 'yun let go and let God. At ayun, tinulungan Niya ko. Paano ko nalaman, kasi naging maayos naman ang buhay ko noon. Unang-una, binigyan Niya ko ng partner. Pangalawa, binigyan Niya ko ng second chance para grumad ng BSA. Pangatlo, binigyan Niya ko ng pagkarami-raming biyaya.
Gaya nga ng sinabi ko, ginulo ko 'yung buhay ko, pero tinulungan Niya ko ayusin 'yun. Three years ago.
Nostalgic ba? Ganoon din mangyayari sa'yo. Let go and let God. Alam mo 'yan.
Marami pa akong natutunan eh. Pero mahaba na 'tong post na 'to. Sa susunod na lang 'yung iba.
P. S. Napaka-ironic lang ng buhay noh? Sa tingin ko, nitong nakaraan Valentine's day, mas conscious ang mga single kesa sa totoong couples. Haha. Kasi kami ng partner ko, wala lang. Parang normal na araw lang. Pero nagkita pa rin kami ha. At sapat na 'yun. Wala pa ngang bulaklak eh. Dahil ayaw ko nun. Bigyan mo na lang ako ng pagkain, ang sabi ko nga. Haha. Sapat na sa akin 'yung isang beses eh naranasan kong mabigyan ng bulaklak. :)
No comments:
Post a Comment