Friday, March 4, 2011

Yey! :)

What?! Ang tagal ko nang hindi nakapag-post pala. Haha.

Hindi nga ako nakapag-post para sa BF at GF ko na nagbirthday kailan lang. Oh well, nabati ko pa rin naman sila kahit wala dito sa blog. :) Belated HAPPY BIRTHDAY ulit! :D

Napa-blog lang ako ngayon kasi masaya ako. Yieee! Hahaha.

Kasi may bago na naman akong work. Hopefully, sana magtagal ako. Actually, hindi naman ako nawalan ng work. Tinamad lang ako magwork. Haha. For the past two months, I only work during weekends, minsan nga hindi pa. Pano nabobobo na ko sa work ko para sa employer na 'yun. Hahaha. Paulit-ulit.

Hindi ko lang mabitawan kasi mataas-taas naman ang rate ko dun. $5/hour. Usually, nagwwork ako ng 5-6 hours a week. Plus meron akong fixed-price job na madalang naman magbigay ng work. So, 'yung bayad dun na let's say an average of $5 per week, plus 'yung $25 or $30, kasya lang 'yun para sa pambaon ko at pangchorvaloo (load, mga ek-ek cosmetics para sa aking damaged skin, food, food at food).

Iniisip ko rin kasi na finals na. At ang mga kawawang grades ko ay nagsusumigaw na. Huhuhu. Kailangan kong mag-aral. Pero kailangan ko rin ng pera para makapag-aral. Amf.

So, 'yun. Meron na akong bagong work. At guess what? Ang saya ng work kasi I'm writing content for a 'daily-deal' site. Madalas akong bumili sa mga ganito eh, diba? Hahaha. Kaso lang, hindi siya local. 'Yung site is operating for Tampa City, Florida. Sayang, di ako pwede bumili rin. Hahaha.

Ang maganda pa neto, okay 'yung sweldo ko dito. :D $10/hour ang rate ko. Hihihi. Hopefully, makaipon na ko para sa laptop. Yey!

Ay, kelangan ko pala muna mag-aral. Amf. Dahil finals na namin sa March 12. Huhuhu. Sana matapos na 'tong sem na to.

No comments: