Thursday, September 9, 2010

Guardian Angel

Waaaahh!! Hindi ko mahanap ung DVD na binigay saken ni Glenn ko. Huhuhu. Kung kailan may time saka ko di makita. Haaay. Napakaburara ko kasi. Hmp. Nakakainis talaga. Huhu.

Feeling ko nga hindi na ko makakatulog sa kakahanap eh. Isang oras na kaya ako naghahanap. Haaay. Pati 'yung 1x1 niya naging isa na lang. Alam ko dalawa 'yun eh. Di ko alam kung saan napunta 'yung isa. Waaaahh!! Huhuhu. Sorry po. :(

Pero sana makatulog ako kahit di ko makita ngayon para sa mga susunod na araw makita ko na siya. Haaay.

Pero Pa, thank you po kay Mark the Bear at Gregory the Frog. Ang cute-cute po nila kahit sabi mo pangit si Gregory the Frog. Cute po kaya ang mga frog. Kahit tanong mo pa kay Jammy. Hehehe.

Yey! Wala lang, ang saya kasi meron na kong Mark at Gregory at Glenn. Hehehehe. Ikaw po Pa, ano ka po? Glenn the Pig? Hahahahaha. Joke lang po. As in JOKE lang. Hahaha. >:D< :-*

Pero nakakainis talaga. Gusto ko na mapanood 'yung The Time Traveler's Wife eh. Six months na yata saken 'yun eh. Huhuhu. Tapos ngayon ko lang naalala panoorin. Haaay. Ang sarap pa naman sana manood ngayon madaling araw.

Oh well. Life's like that. Makikita rin kitang DVD ka later.

Gusto ko sa ikwento 'yung sa Law class namin kaso baka maasar lang ako eh. Wag na lang. Next time. Unfair. Hahaha.

No comments: