Sunday, July 18, 2010

Bugbog Sarado

The past week was hell week.Today, I am tired physically, mentally, at pahabol pa, emotionally.

Last Tuesday, it started raining. I was looking for an umbrella to carry with me, but unfortunately, I did not find one. Prelims namin sa Programming nun. Hindi nga ako nag-aral eh. But who cares, programming lang naman. Di major. Ang kaso nga kelangan ko pa rin naman pumasok eh. So, I went against the rain. Nabasa. Ayun, nag-exam. Sumama na ang pakiramdam. Pag-uwi ko, ayun, nararamdaman ko na talagang magkakasakit ako. At nagkasakit nga ako. Nilalagnat at sobrang sakit ng katawan ko lalo na 'yung likod ko, grabe. Dagdag mo diyan ang mga pinoproblema ko. Kelangan kong mabayaran ang tuition ko on or before Friday. At hindi ko pa sigurado kung makukuha ko ung pera before that date.

Dumating na rin nun si Basyang ng gabing 'yun eh. Kaso Wednesday, may pasok pa rin kami. Hindi na ko nagtangka pumasok kasi nanghihina pa talaga ko.Thursday naman, medyo maganda na pakiramdam ko, ang hindi maganda eh 'yung tiyan ko. Huhuhu. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun pero pakiramdam ko nun, mauubusan na ng tubig ang katawan ko. Eh hindi pa naman ako pala-inom. Umabot 'yun hanggang Friday. Panay tubig ang nilalabas ng katawan ko. Ayun, pinainom na ko ng gamot ng mahal ko. Pagkatapos nun okay na ko. Pero ang pinagpapasalamat ko lang talaga eh, mabilis nadeposit 'yung pera sa account. At ayun nakapagbayad naman ako.

Saturday came. Akala ko ligtas na ko sa sakit ng katawan and all, ayun pala, magkakaroon ako. Ngayon lang ulit sumakit ng ganun ang puson ko. Hindi tuloy ako masyado nakapagreview para sa MAS. Pero okay naman ung exam. Sana lang okay nga talaga. Haha.

And to end the week with a finale, emotional storms came too on Saturday night. It was indeed hell week.

No comments: