At dahil tinatamad akong mag-aral ng mga minor subjects, I will take this chance to post something new.
Haaay..di pa tapos ang nakaka-stress na mga araw. Ilang araw pa, may 5 pa kong exams, 3 major pa at 2 minor. Andami-daming exam pa. Walang pahi-pahinga. Kahapon (Sunday), nag-departmental kami sa Cost at MAS. Nag-comprehensive exam din kami sa Financial Accounting 1, 2 at 3 na ewan ko kung papasa ko. Good luck na lang kasi mahirap talaga. Huhu.
Siguro mga 2 taon pa ko bago grumaduate. By that time, lahat ng Pakwans eh graduate na. Kasi ang mga kasama ko sa JRU eh magshi-shift na rin. Kaya people, pag-aralin niyo ko. Hahaha. Sana lang makapasa ko sa comprehensive exam talaga.
'Yun lang, saka na ko magpopost pag wala na kong ginagawa. Hehehe. Busy people. Hahaha.
No comments:
Post a Comment