Alam niyo 'yung feeling na feeling niyo parang unti-unti kayong nawawalan ng buhay, as in 'yung feeling niyo hindi na kayo 'alive' tulad ng dati. Hindi na kayo carefree. Pakealam ko kung anung sasabihin nila pag ginawa ko 'to, ginawa ko 'yan. Alam niyo 'yung pakiramdam na 'yung gusto mo lang ang masusunod. 'Yung gusto mo lang ang mangyayari.
Siguro sa kaburuhan ko eh 'yung mga kasama ko eh nobo-bore na rin sa akin.
Gusto kong sabihin sa sarili ko na hindi ako 'yan. Hindi naman ako ganyan dati eh. Tapos tatanungin niyo, ano ba ako ngayon? Ganoon pa rin. Ang labo noh?
So ang conclusion netong post na 'to eh, malabo ako. At pasensya, wala pa rin siyang kwenta.
No comments:
Post a Comment